Vitamins para sa bagong panganak na ina para manumbalik ang sigla ng katawan

Nakakapagod at nakakapuyat kapag bagong panganak. Basahin ang alamin ang vitamins para sa bagong panganak na ina para manumbalik ang sigla ng katawan.

Pagod? Puyat? Stress? Ilan lamang ito sa kinakaharap ng mga bagong panganak na ina. Idagdag mo pa ang hindi matapos tapos na gawaing bahay.

Minsan sumasabay pa ang post-partum depression. Labanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya, sapat na pahinga at mga vitamins na makakatulong para sumigla ang katawan.

Basahin at alamin ang mga vitamins para sa bagong panganak na ina na makakatulong sa pagpapanumbalik ng sigla ng katawan.

Paano aalagaan ang iyong sarili pagkatapos manganak?

Hindi sapat ang pahinga lang para sa ating mga nanay dahil sa maghapong ginagawa natin sa bahay o sa ating mga trabaho. Lalo na sa mga bagong panganak na ina.

Malaking hamon ang araw- araw na pag-aalaga hindi lamang kay baby, maging na rin sa buong pamilya. Madalas, nawawalan tayo ng energy na gampanan lahat ng gawaing bahay dahil sa pagod at puyat.

At madalas din dahil sa kinukulang ng vitamins at nutrients ang ating katawan kapag tayo ay bagong panganak. Nakakaramdam ng panghihina at minsan lungkot kapag may mga bagay tayong hindi nagagawa.

Malaking tulong ang pag-aalaga sa sarili o self care kapag tayo ay dumaraan sa post-partum stage. Narito ang ilang tips para sa mga nanay na bagong panganak.

  • Pagkain ng masusustansya

Kapag sinabing masustansya, kailangan yung mga pagkain na rekomendado ng inyong OB. Hindi lahat ng pagkain na sa tingin mo ay masustansya ay dapat na agad kainin.

Ito ay binabase sa diet na ibibigay ng iyong OB. Ang mga dumaan sa Ceasarean Operation ay karaniwang pinapaiwas sa pagkain ng malalansa sa loob ng 2 linggo o isang buwan upang maghilom ang tahi sa labas ng tiyan.

Samantalang, may mga bagong panganak din ang binibigyan ng special diet dahil sa ilang medical condition. Makakabuting magtanong sa inyong OB ang mga pagkaing dapat kainin.

Maaari ring kumonsulta sa isang Lactation Doctor kung ikaw naman ay isang breastfeeding mom at gustong lumakas ang milk supply.

  • Sapat na tulog at pahinga

 Ito ang isa sa pinakahamon sa mga bagong panganak na ina. Karamihan sa mga newborn baby ay gising sa madaling-araw o kapag alanganing oras.

Nag-aadjust pa kasi ang kanilang katawan simula ng sila ay isinilang. Kapag tulog ang iyong baby, sinasabi ng karamihan na sabayan mo sila.

Subalit, kung hindi lamang iisa ang iyong anak, mahirap ito magawa. Iniisip mo pa lamang ang mga gawaing bahay, lalo kang hindi makakapahinga o tulog.

Ang ginagawa ng karamihan sa mga bagong panganak ay ang paghingi ng tulong sa kaniyang kapareha. Kung maaari, humingi ng leave ang iyong partner ng at least 2 weeks pagkatapos ma-discharge sa hospital.

Ang ilan sa ating mga mommy ay nagpapapunta ng kanilang ina o kapatid sa bahay para matulungan sila habang nagpapagaling ng sugat mula sa panganganak.

Napakalaking tulong nito para maging maayos ang pahinga at tulog. Kapag sapat ang tulog ng bagong panganak, naiiwasan ang post-partum depression.

  • Pag-aalaga ng mental health para maiwasan ang depression

Larawan mula sa iStock

Ito ang isa sa mga factor na dapat nating isaalang-alang kapag tayo ay bagong panganak. Maraming bagong panganak na ina ngayon ang dumadaan sa postpartum depression dahil may mga gusto silang gawin o masyadong stress.

Isa ang komunikasyon para malabanan ang lungkot o stress. Maglaan ng oras para makipag-usap sa iyong asawa o kapareha at sabihin ang mga bagay na tumatakbo sa iyong isip o mga bagay na gustong gawin. Nakakabuti rin ang pakikipagkwentuhan o kamustahan sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Magandang paraan din ang paglilibang sa sarili o paglalaan ng isang oras kada isang araw sa panonood ng iyong mga paboritong palabas o programa sa t.v. Gumawa ng bucketlist ng mga nais gawin kapag may free time.

  • Paglalaan ng oras sa asawa o mga anak

May mga oras na sa dami ng ginagawa natin at sobrang pagod ay nawawalan na tayo ng time para ating mga asawa o kapareha. Kung hindi gaanong pagod, maglaan ng kaunting oras para sila’y kausapin at kamustahin sa maghapon na trabaho. Ang pillow talk ay mahalaga sa mag-asawa para mapanatili ang tatag ng pagsasama.

Kung hindi lamang iisa ang anak, maglaan ng oras sa mga iba pang anak. Mahalaga ito para magkaroon ng matibay na pagsasamahan at pagmamaalan.

Hindi kasi maiiwasan ng ilang anak ang magkaroon ng pagseselos sa inyong baby. Nababawasan ang atensyon na binibigay mo sa kanila dahil na rin sa pag-aalaga kay baby.

Bago sila matulog, magandang maglaan ng panahon na kausapin sila palagi at basahan ng kanilang story book. Makakatulong ito upang tumibay ang inyong bonding habang sila ay lumalaki.

  • Pag-inom ng vitamins para sa bagong panganak na ina

Larawan mula sa iStock

Para mapanatiling healthy ang ating katawan at pag-iisip pagkatapos manganak, malaking tulong ang maibibigay ng pag-inom ng vitamins para sa bagong panganak na ina. Nakakapanumbalik ito ng sigla hindi lamang ng katawan, maging ng pag-iisip.

Hindi sapat ang pagkain lamang at tulog, sabayan mo rin ng pag-inom ng mga rekomendado ng iyong OB na post-natal supplement o vitamins para sa bagong panganak na ina.

Kahalagahan ng pag-inom ng vitamins para sa bagong panganak na ina

Kapag bagong panganak ang isang babae, nagkukulang ang kaniyang vitamins at mineral sa katawan na mas higit na kinakailangan para mabilis na makarecover.

Dahil ang katawan natin bilang isang ina ay higit na nangangailangan ng nutrients para masiguro ang maayos na pangangalaga kay baby at sa buong pamilya.

Habang nagbubuntis, tumataas nag percentage ng pangangailangan ng nutrients sa katawan ng isang babae. Kaya naman nagrereseta ang mga OB ng mga vitamins at minerals na higit na kailangan para sa maayos na development ng baby at kalusugan ni mommy.

Larawan mula sa iStock

Ang mga breasfeeding mommies naman ay mas higit na dapat kumain ng masustansya at uminom ng vitamins para matugunan ang kakulangan nila ng nutrients sa katawan.

Higit na kailangan ng nagpapadede na ina ang vitamin A, B1, B2, B6, B12, D, docosahexaenoic acid (DHA), choline, at iodine para sa pagsupply ng gatas na kailangan ni baby.

BASAHIN:

7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D

Fertility Supplements: Top 5 na Vitamins para makabuo at mabuntis agad

8 Healthy foods that are high in vitamin D, and other sources

Vitamins at Nutrients na kailangan ng mga bagong panganak na ina

May ilang essential nutrients ang kinakailangan ng isang bagong panganak upang mapalitan ang nawala sa kaniya noong siya ay nagbubuntis hanggang sa manganak. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Iron

Larawan mula sa iStock

Ang mga bagong panganak ay kadalasan nagkakaroon ng IDA o Iron Deficiency Anemia dahil sa kakulangan ng iron habang nagbubuntis.

Ang ilang sintomas ng IDA ay pananamlay, palaging pagod, at may kahirapan sa paghinga. Kapag nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na nabanggit. Magandang magpakonsulta agad sa inyong OB para malaman ang mga dapat gawin, kainin at inumin.

Ang nagpapadede na ina ay dapat magtake ng 10mg ng iron san loob ng isang araw. Pero mas nakakabuting magpa-laboratory test muna para malaman ang kalagayan ng katawan.

May mga pagkaing mayaman sa iron ang maaring kainin upang matugunan ang kailangan ng katawan. Ang pagkain ng red meat o karne, shellfish, green leafy veggies, atay ng manok, at iba pa.

Siguraduhin na uminom ng Vitamin C kapag uminom ng Iron supplement.

Iodine

Ang Iodine ay isa sa mga mineral na kailangan ng katawan para sa maayos na function ng ating thyroid, nerve cells, at brain development.

Mas mataas ang required na iodine ang kinakailangan ng isang nagpapadede na ina para sa healthy brain development ng lumalaking baby.

Mahalagang kumain ng seafood tulad ng isda, seashells, seaweeds, at ipa bang lamang dagat para matugunan ang kailangang iodine sa katawan.

May mga lactation supplement ang hindi sapat ang iodine na nakapaloob kaya mas maiging suriing mabuti ang mga iniinom na supplement. Humingi ng payo sa inyong OB o Lactation Doctor para sa tamang dosage.

Vitamin D

Ang Vitamin D ay isa sa mahalagang bitamina para sa overall growth at development ni mababy. Ang breast milk ay hindi sapat ang vitamin D na binibigay sa sanggol. Hindi rin sapat ang Vitamin D na nakukuha ng isang breastfeeding mom sa pagkain ng at pagbilad sa araw sa umaga.

Kaya ang naman, pinapayuhan ang mga bagong panganak na ina uminom ng Vitamin D supplement para matugunan ang kakulangan para sa fully development ng dumededeng sanggol.

Vitamin B12

Ang Vitamin B12 ay kilala rin sa tawag na Cobalamin. Ito ang kailangan para sa maayos na supply ng red blood cells sa ating katawan, maging ng ating DNA. Kailangan din ito ng ating Nervous system para sa maayos na function nito.

Karaniwan itong makukuha sa pagkain ng karne, isda, itlog ng manok, at dairy products. Makikita rin ito sa mga pagkain na may Fortified B12, ilang uri ng tinapay, at plant-based na gatas.

Choline

Ang Choline ay isang essential nutrient na madalas napapabilang sa Vitamin B complex dahil sa kaniyang function sa katawan. Ito ay isang organic, water-soluble compound na pino-produce ng liver para sa katawan.

Kailangan ito ng katawan para sa malusog na atay, maayos na development ng brain, para sa maayos na nervous system at metabolism.

Makikita ang Choline sa mga pagkain tulad ng red meat, isda, itlog, poultry at dairy na mga produkto. Bukod sa mga ito, may mga food supplement din na nagbibibgay ng sapat na choline na kinakailangan ng katawan.

Docosahexaenoic acid (DHA)

Ang DHA (docosahexaenoic acid) ay isang omega-3 polyunsaturated fat na isa sa essential fats na kailangan ng katawan. Mahalaga ito sa mga bagong panganak na ina na nagpapadede ng kanilang baby para sa maayos na development ng brain, eyes, at nervous system.

Makakakuha ng DHA mula sa pagkain ng matatabang mga isda katulad ng salmon, tawilis, tamban, tuna, lapu-lapu, at hasa hasa. Kung hindi naman nakakain ng isda na mayaman sa omega 3, maaring magpareseta sa inyong OB ng magandang DHA supplement.

Top 4 Vitamins para sa Bagong Panganak na Ina

Kung hindi sasapat ang nakukuha na nutrients sa mga pagkain, may mga food supplement ang nirerekomenda ng mga OB o Lactation Doctor para sa mga bagong panganak. Narito ang ilan sa mga food supplement na maaring makatulong sa iyo kung ikaw ay bagong panganak.

Top Vitamins para sa Bagong Panganak na Ina
Eu Natural NOURISH Lactation Support Postnatal Vitamins
Buy from Shopee
Actif Organic Postnatal Vitamin
Buy from Shopee
Fairhaven Health Milkies Postnatal Breastfeeding Supplement
Buy from Shopee
Mary Ruth Prenatal + Postnatal Liquid Multivitamin Berry Flavor
Buy from Shopee

Paalala: Bago uminom ng anumang vitamins o food supplement mas makakabuting magpakonsulta sa inyong doktor.

Eu Natural NOURISH Lactation Support Postnatal Vitamins

Mga benepisyo na makukuha sa pag-inom nito:

Nagpapadami ito ng supply ng gatas na kinakailangan ng mga nagpapadedeng ina. Mayroon itong fennel seeds at fenugreek na kilala sa pagboost ng milk supply sa loob lamang ng 24-27 hours pagkatapos itong inumin. Ito ay ginawa para sa mga vegetarian na nanay dahil sa gawa ito sa plant-based na mga ingredients. All organic rin ito kaya safe na safe para sa mga nagpapadede na mga nanay.

Presyo:

₱1,750  para sa 60 na capsules (₱29.16 sa kada isang capsule)

Ingredients:

Fenugreek Extract (seed), Organic Moringa (powder), Fennel Seed Extract, Milk Thistle Extract (seed), Goat’s Rue Extract, Lemon Balm Extract (leaf), Chamomile Extract (flower), BioPerine Nutrient Enhancer (fruit)

Tamang pag-inom:

2 capsules sa loob ng isang araw (30 days sa isang bote)

 

Actif Organic Postnatal Vitamin

Mga benepisyo na makukuha sa pag-inom nito:

Ang Actif Organic Postnatal Vitamin ay isa sa kumpleto at advanced na postnatal supplement sa market. Ito ay gawa sa pinagsama-samang with 25+ na  organic sourced ng vitamins at mga organic herbs.

Magpapataas ito ng 50% ng supply ng gatas para sa nagpapadedeng ina. Nagtataglay ito ng Choline na kinakailangan para sa maayos na brain development ni baby. Wala itong preservatives, sugar, at fillers. Ito rin ay Certified non-GMO, gluten-free, at BPA-free.

Presyo:

₱2,999 para sa 90 soft gel capsules (-₱33.32 sa kada capsule)

Ingredients:

Vitamin A, C, D2, E, B1, B2, Niacin, B5, B6, Folate, B12, Biotin, Calcium, Iron, Iodine, Magnesium, Zinc, Copper, Organic Herbal Blend, Organic Chamomile, Organic Cardamom (seed), Organic Fennel (seed), Organic Blessed Thistle, Organic Raspberry (leaf), Organic Spirulina, Organic Turmeric (powder)

Tamang pag-inom:

2 capsules sa loob ng isang araw (45 days isang bote)

 

Fairhaven Health Milkies Postnatal Breastfeeding Supplement

Mga benepisyo na makukuha sa pag-inom nito:

Ang Fairhaven Health Milkies Postnatal Breastfeeding supplement ay ginawa para sa mga postnatal na nursing moms na nangangailangan ng milk supply. Mas mataas na porsyento ang pinapangako ng supplement na ito sa pagproduce ng gatas para inyong baby.

Presyo:

₱725 para sa 60 capsules (₱12.08 sa kada capsule)

Ingredients:

Vitamin B complex (thiamin, riboflavin, niacin, Vitamin B6 and Vitamin B12), Vitamin A, C, D3, E, K, Calcium, Iron, Iodine, Magnesium, Zinc, Copper, Manganese

Tamang pag-inom:

2 capsules sa loob ng isang araw (30 days isang bote)

 

Mary Ruth Prenatal + Postnatal Liquid Multivitamin Berry Flavor

Mga benepisyo na makukuha sa pag-inom nito:

Ang Mary Ruth Prenatal + Postnatal Liquid Multivitamin ay ginawa para sa mga nagdadalang tao at mga bagong panganak na ina na nangangailangan ng sapat na nutrients sa kanilang katawan silang pagbubuntis hanggang sa pagpapadede.

Gawa ito sa pinagsama samang plant-based ingredients kaya naman pati vegetarian mommies ay pwedeng uminom nito. Mayroon itong berry flavor na suitable sa panlasa ng mga naglilihi na buntis at bagong panganak.

Presyo:

₱2,300 para sa 32oz na bote (₱71.87 sa kada 1oz o 2 tablespoons)

Ingredients:

Vitamin A, C, D3, E, Niacin, B6, Folate, B12, Biotin, Thiamine, Riboflavin, Pantothenic Acid, Choline, Calcium, Iodine, Magnesium, Zinc, Selenium, Manganese, Chromium, Concentrace Trace Minerals, Organic Ginger Root Extract, Hesperidin (citrus)

Tamang pag-inom:

Uminom ng 1 fl oz 0 2 tablespoons kada araw. Maari itong inumin kahit walang laman ang tiyan o busog. (30 days sa kada bote)