Vlogger na si Viy Cortez naging emosyonal ng ibahagi ang kaniyang breastfeeding journey. Ayon sa vlogger mom, napag-usapan nila ng fiancé niyang si Cong TV o Lyndon Velasquez sa totoong buhay na i-mix feed na ang anak na si Kidlat.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Viy Cortez breastfeeding journey.
- Experience ni Viy as first time mom.
Viy Cortez breastfeeding journey
Hindi napigilan ng vlogger mom na si Viy Cortez na i-share sa mga followers niya sa TikTok ang kaniyang breastfeeding journey na very emotional umano.
Dahil pagbabahagi ni Viy, siya ay exclusively breastfeeding ngayon na nagiging hadlang na sa mga bagay na dapat niyang gawin. Kaya naman sila ng fiancé niyang si Cong TV ay nag-come up sa isang usapan na kung saan naisipan nilang i-mix feed na ang 5 month old nilang anak na si Kidlat.
“Emotional lang ako ngayon kasi napagusapan namin ni Cong na mag-mix feeding na ko. Mag-formula na kami kay Kidlat so sabi ko sige kasi ang dami ko na ngang hindi nagagawa kasi exclusively breastfeeding ako.”
Ito ang bungad ni Viy sa kaniyang TikTok post.
Pero pagpapatuloy ng vlogger mom, ang inisyal ng desisyon niyang ito ay tila nabago ng makabasa siya ng post mula sa isang padede mom na tulad niya sa isang grupo na kaniyang kinabibilangan.
“Naloka ako kasi may nabasa ako ako kasi kasali ako sa group na padede moms. Tapos may nag-post na ‘yong baby daw niya nagte-thank you sa kaniya. Gusto ko ma-feel ‘yon na hanggang nagsasalita si Kidlat sana nagpapadede ako.”
“So ‘yon naiiyak lang talaga ako kasi gusto kong magpapadede talaga kaya nga lang ang dami kong kailangang gawin. So minsan nahihirapan ako.”
Ito ang pagbabahagi ng nang-iiyak ng si Viy. Pero bago matapos ang video ay nakagawa na ng final na desisyon si Viy. At ito ay para sa ikakabubuti ng kaniyang baby at sa relasyon nilang mag-mommy.
“Hindi na ako magfoformula, magpapadede nalang ako. Kakayanin kong pagsabay-sabayin lahat. Kasi gusto ko hanggang nagsasalita si Kidlat magthank you siya sa nanay niya. Para sa akin iba yung bonding na sa akin dumedede si Kidlat.”
Ito ang sabi pa ni Viy.
Viy proud padede mom habang nasa isang photoshoot
Sa isa sa mga Instagram post ni Viy ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan nasa isang shoot siya para sa isang bagong produkto ng kaniyang cosmetics line.
Habang naghahanda ay makikitang karga ng proud padede mom ang anak na si Kidlat na makikitang dumedede sa kaniyang mommy. Ang mga mommy netizens nakita ito at nagbigay ng payo kay Viy tungkol sa kaniyang emotional breastfeeding journey. Ito ang ilan sa komento nila.
“Dede is life…. pwedeng pwede ‘yan. You can also store pumped milk para biglaang lakad. Whatever works for you.”
“Kung kaya mo mag-pump ka na lang Ms. Viy tas skin to skin pag-uwi sa bahay. Ganern kasi mamahalin ka pa din niyan kahit ano i-feed mo sa kanya mapa-mix man or full bf. Basta you’re a good mom naman.”
“Your doing so well po Maam Viy, masmagpapatibay yan sa bond ninyo ni kidlat.”
Viy sa kaniyang naging experience as first time mom
Una ng ibinahagi ni Viy Cortez na sa mga unang araw ni Kidlat ay hindi sapat ang gatas na nadede nito sa kaniya. Sa katunayan ay sinugod daw ito sa ER matapos ma-dehydrate at lagnatin.
Doon lang daw niya nalaman na hindi pala sapat ang nakukung gatas ng kaniyang baby boy. Ang insidente naganap matapos ang Kidlat homecoming celebration nila.
“Parang wala kang kwentang ina. Ganoon ‘yong pakiramdam. Sabihin niyo nang OA pero ganon ‘yong pakiramdan kapag kulang ‘yong breastmilk mo. Nag-aalala ka baka gutom siya, tapos kapag nag-pump ka wala namang nalabas.”
Ito ang kuwento ni Viy na sinabi ring nakaka-praning ang pagkaka-ospital ni Kidlat dahil sa hindi sapat na gatas niya.
Dahil sa nangyari sa anak at para masiguradong always healthy ito ay napagkasunduan nila ni Cong na kumuha ng nurse na magbabantay kay Kidlat. Kaya mula noon, tuwing umaga ay kaagapay ni Viy Cortez ang yaya ni Kidlat. Habang tuwing gabi naman ay kasama niyang nagbabantay sa baby ang personal nurse ng anak.
“Siyempre first time mom ako, hindi ako masyadong maalam. Gusto ko ‘yong may natatanungan ako. Pero 24/7 din akong nag-aalaga, so may umaagapay lang sa akin.”
Ito ang sabi ni Viy.
Kuwento pa ni Viy, struggle is real talaga sa mga unang araw ng ipanganak si Kidlat. Pero tulad ng ibang mommies ay gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng kaniyang baby.
“Sa una napakahirap… bigla akong umiiyak na lang. Kasi syempre wala pa kayong routine. Siyempre kailangan mong huwag sumuko talaga. Tsaka para sa anak mo gagawin mo di ba?”
Ito ang sabi pa ng first time mom at kilalang vlogger na si Viy Cortez sa kaniyang motherhood at breastfeeding journey.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!