Viy Cortez sa kaniyang naging surprise bridal shower sa Thailand: “Ilang beses ako umiyak sa saya!”

Kasal ni Viy at Cong papalapit na ng papalapit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Viy Cortez naiyak sa bridal shower na inihanda sa kaniya ng Team Payaman girls. Kasal nila ni Cong palapit ng palapit na.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Viy Cortez surprise bridal shower in Thailand.
  • Kasal nila Cong at Viy.

Viy Cortez surprise bridal shower in Thailand

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Sa Instagram ay ibinahagi ng social media personality at entrepreneur na si Viy Cortez ang ginawang surprise bridal shower sa kaniya ng mga Team Payaman girls. Makikita sa mga larawan na ibinahagi niya na nandoon ang mga kapatid ni Cong na si Pat at misis ni Junnie Boy na si Vien Iligan. Si Vien kitang-kita napakasaya sa sopresa na inihanda para sa kaniya. Sa caption ng kaniyang post ay labis nga na na-touch si Viy sa tinuran na ito ng mga kaibigan niya.

“Hindi ko inakala na ganito ako ka halaga sainyo para surpresahin dito sa Thailand at mag bridal shower.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Viy na sinabi ring naging emosyonal siya sa saya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ilang beses ako umiyak sa saya! Mahal na mahal ko kayo sobrang sobrang saya ko.♥️”

Ito ang sabi pa ni Viy sa Instagram post niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Kasal nila Cong at Viy

Samantala, mukhang papalapit na talaga ng papalapit ang kasal ni Viy at Cong. Muli itong nagbahagi ng mga prenup photos nilang dalawa sa Instagram. At ang hashtag #PerfectCongViynation 💍. Ang mga netizens puring-puri ang dalawa sa napakaganda nilang itsura ngayon. Bunga ito ng kanilang paggygym hindi lang para maghanda sa kasal nila. Kung hindi para narin daw maging healthy at fit para sa anak nilang si Kidlat.

Si Viy naman patuloy ang pagbubukas ng mga bagong negosyo. Sa isa sa kaniyang mga Instagram post ay ibinahagi niya rin na nagpapagawa sila ng bagong bahay ni Cong. Ito ang tutuluyan nila sa oras na sila ay maikasal na. Hindi man sinabi ni Viy kung saan banda ang pinapatayong bahay, ayon sa kaniya ay malapit lang ito sa mga business nila ni Cong.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement