Viy Cortez to son Kidlat: “Akala mo anak ikaw ang pinapasaya namin, ang hindi mo alam kami ng daddy ang pinapasaya mo ?”

Viy at Cong enjoy rin sa second honeymoon nila sa Korea.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Viy Cortez at Cong TV son na si Kidlat nagdiwang ng kaniyang second birthday.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Viy Cortez and Cong TV son Kidlat second birthday.
  • Mensahe ni Viy sa anak na si Kidlat.

Viy Cortez and Cong TV son Kidlat second birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Nitong July 5 ay nagdiwang ng kaniyang second birthday ang anak nila Viy Cortez at Cong TV na si Kidlat. Ang kanilang pamilya kasalukuyang nasa South Korea at doon sinalubong ang birthday ni Kidlat.

Makikita nga sa mga Instagram post ni Viy kung paano nila inenjoy ang quality time nila bilang isang pamilya sa Korea. Maliban nga sa birthday ni Kidlat ay doon rin daw ginawa ni Viy at Cong ang second honeymoon nila.

“Second honeymoon and birthday celeb ni kidlat🥰 anak pang anim na bansa mo na ito✈️.”

Ito ang caption sa isa mga post ni Viy sa naging bakasyon nila sa Korea.

Mensahe ni Viy sa anak na si Kidlat

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Sa mismong araw ng birthday ni Kidlat ay may maikling mensahe ring ginawa si Viy para sa anak. Ito ang sabi niya kalakip naman ang pagpapakita ng naging simpleng birthday celebration nito.

“Happy Birthday anak ko🥰 mahal na mahal ka namin ni daddy, di ka na namin ginising dahil maaga tayo mamaya. Sana magustuhan mo ang pupuntahan natin♥️ iloveyou anak ko 🥰.”

Ang post na ito ni Viy sinundan ng naging pamamasyal nila sa Lotte World Adventure. Si Kidlat makikitang masaya sa mga nakikita niya sa kaniyang paligid. Si Viy may sweet na mensahe pa nga sa anak na alam niyang nag-enjoy sa pamamasyal nila sa Korea.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Akala mo anak ikaw ang pinapasaya namin, ang hindi mo alam kami ng daddy ang pinapasaya mo 🥰.”

Pero maliban kay Kidlat, kitang-kita rin na nag-enjoy si Viy at Cong sa naging second honeymoon nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Happy birthday Kidlat!