X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Viy Cortez nagmukhang Greek goddess sa kaniyang maternity shoot

4 min read

Viy Cortez at Cong TV nagkaroon ng kakaibang maternity photoshoot. Ayon kay Cong TV, ginagawa niya ito para pagbigyan ang kaniyang soon-to-be misis sa kaniyang kagustuhan.

Ito ang mababasa sa artikulong ito:

  • Maternity photoshoot nina Viy Cortez at Cong TV
  • Pagbubuntis ni Viy at magiging pangalan ng kanilang anak ni Cong TV

Maternity photoshoot nina Viy Cortez at Cong TV

viy cortez maternity shoot

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Nagmistulang real-life na dyosa ang sikat na social media influencer na si Viy Cortez para sa kaniyang maternity photoshoot.

Suot ang long dress at may nakaputong pa sa kaniyang ulo na tila sinag ng araw, buong giting na pinasilip ni Viy ang kaniyang baby bump.

Caption pa ng YouTuber, ang kaniyang pinagbubuntis ang tiyak na pinakamagandang pangyayari sa kaniyang buhay.

“Ikaw ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko, anak.”

Ayon kay Viy, ang photographer at nag-asikaso para sa set design para sa kaniyang maternity shoot ay si Miguel Alomajan.

Habang ang kaniyang stylist naman ay si Ica Villanueva, na nabihisan na rin ang iba’t ibang sikat na vlogger at mga artista.

Ang kaniya namang tinapik para sa kaniyang hair and makeup ay si Krystle Bonus-Domingo.

Samantala, hindi lang si Viy ang present sa kaniyang maternity photoshoot. Dahil hindi rin nawala doon si Cong TV, ang kaniyang boyfriend na isa sa pinakasikat na YouTuber sa Pilipinas.

Sa vlog ni Cong na ‘EEEKAY’, pinasilip niya ang ilang behind the scenes sa pictorial niya at ni Viy. Hindi rin siya nagpahuli dahil nagsuot din siya ng Greek costume para makasama sa photoshoot.

“Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasikat natin kay Viviys, dahil nandito tayo ngayon sa maternity shoot para pagbigyan siya sa kaniyang trip.”

Sa kanilang mga vlog, madalas biruin ni Viy Cortez si Cong TV (Lincoln Velasquez ang tunay na pangalan) na hindi raw siya ipapakilalang ama nito sa kanilang anak.

Kaya naman todo kung um-effort si Cong TV sa kaniyang soon-to-be misis para hindi raw siya ipakilala bilang kapitbahay sa kanilang baby.

“Kahit ano pa ‘yong ipagawa ni Viviys, guys, hindi tayo aayaw diyan. Kasi gusto natin makuha ulit ang trono bilang isang ama. Hindi tayo aayaw!”

viy cortez at cong tv

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Samantala, matapos ang kanilang photoshoot ay dinala naman ni Cong TV sa simpleng date si Viy. Hindi kasi naging madali ang kanilang buhay noon, ahente ng kotse si Viy habang hindi pa kumikita bilang vlogger noon si Cong.

Kaya naman kanilang binalikan ang dating karinderya na kanilang kinakainan noong sila ay nasa ligawan stage pa lamang.

Natuwa naman si Viy sa naging effort ni Cong para mapasaya siya sa kanilang naging simpleng date. Ayon kay Viy, naalala niya ang kaniyang nakaraan noong siya ay dalaga pa lamang.

“Parang pinaalala niya ‘yong mga panahon na dalaga pa ako.”

BASAHIN:

Viy Cortez ipinasilip ang itsura ni baby Kidlat sa ultrasound scan: “Anak ko asan po leeg natin.”

Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: “Mother of two na ako.”

Kryz Uy kapag nahuling nag-cheat si Slater Young: “I’m gonna be super praning.”

Pagbubuntis ni Viy at magiging pangalan ng kanilang anak ni Cong TV

Sina Viy Cortez at Cong TV ay isa sa pinakasikat na couple sa vlogging world. Kaya naman noong lumabas ang balitang buntis na si Viy noong Disyembre ay marami ang natuwa.

Ayon kay Viy, hindi siya makapaniwala na siya ay nagbuntis, na matagal na nilang hinihintay. Masaya ang dalawa ngunit may halong pangamba dahil dati na silang nawalan ng anak.

Matatandaan na noong 2020 ay nakunan si Viy sa kanilang unang anak ni Cong TV.

Partner Stories
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

“Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako kasi nalulungkot ako. Kasi paano kung mawala na naman or paano kung hindi pala talaga.”

Sa gender reveal party ay napag-alaman na lalaki ang magiging baby nina Viy Cortez at Cong TV. Papangalan nila ang kanilang anak na si Abraham Kidlat.

viy cortez maternity shoot

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Ayon kay Cong TV, kaya Abraham ang gusto niyang ipangalan sa kanilang anak ay dahil Lincoln ang tunay niyang pangalan.

Kilalang political figure si Abraham Lincoln sa America, kung naging pangulo ito ng Estados Unidos ng apat na taon.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Cong TV para sa kanilang magiging anak ni Viy. Ayon sa kaniya, sana ay makita ni Kidlat ang effort nila ni VIy para malaman nito kung gaano nila ito kamahal.

“Kidlat, nakikita mo naman siguro anak napaka-espesyal mo kasi mapapanuod mo ‘to 10 years or 15 years, 20 years. Hindi ko alam from now, makikita mo tong video na ito at makikita mo kung paano namin ipinagdiwang ikaw.”

Ilang buwan na lang ang hinihintay nina Cong TV at Viy Cortez, kasama ang buong Team Payaman, para sa pagsilang ni Baby Kidlat.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Viy Cortez nagmukhang Greek goddess sa kaniyang maternity shoot
Share:
  • Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby: “The best birthday gift ever.”

    Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby: “The best birthday gift ever.”

  • Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

    Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

  • Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

    Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

  • Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby: “The best birthday gift ever.”

    Diego Loyzaga nag-post ng picture kasama ang isang baby: “The best birthday gift ever.”

  • Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

    Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

  • Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

    Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.