Viy Cortez sa bagong bahay na ipinagagawa: “After wedding new house thankyou G! ??? dito gagawa ng pangalawa”

Kasal ni Cong at Viy papalapit na ng papalapit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV at Viy Cortez new house na ipinagagawa ipinasilip sa Instagram.

Mababasa dito ang sumusunod:

Viy Cortez new house

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Sa Instagram ay ibinahagi ng social media influencer at vlogger na si Viy Cortez na may bagong bahay silang ipinapagawa ng fiancé niyang si Cong. Ang naturang bahay malapit ng matapos at sinabi nga ni Viy na lilipat sila dito matapos silang maikasal.

“After wedding new house thankyou G! 🙏🏻🤍 dito gagawa ng pangalawa ahhahahaha”

Ito ang caption ng post ni Viy kalakip ang larawan ng kanilang ginagawang bagong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasal ni Cong at Viy

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Samantala, base naman sa pinakabagong Instagram post ni Viy ay mukhang papalapit ng papalapit na talaga ang kasal nila ni Cong. Nito nga lang nakaraang araw ay ibinahagi niya ang ilang larawan sa ginawang bridal shower para sa kaniya ng kaniyang mga high school friends.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbahagi rin si Viy ng ilang prenup photos nila ni Cong na ito ang nakasaad na caption.

“Hindi na ko makapaghintay mahal @thecongtv 🥰

#perfectCONGVIYnation”

Hindi pa ibinabahagi ni Viy kung kelan ang eksaktong date ng kasal nila ni Cong. Pero nauna naman ng nabanggit na ito ay magaganap ngayong darating na Hunyo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Samantala, patuloy naman ang paglago ng mga negosyo ng magkasintahan. At base sa isa sa mga Instagram post ni Viy higit sa tagumpay ng kanilang mga negosyo ay may isang bagay siyang tunay na pinasasalamatan ngayon. Ito ay ang masayang pamilya nila ni Cong na binuo ng anak nilang si Kidlat.

“Sa dami ng pangarap ko na natupad ito ang pinaka gusto ko.🥰

habang nag luluto ako nagkukulitan ang mag ama sa likod ko. Hindi magarbo, wala kami sa ibang bansa, pancit ang niluluto pero sobrang espesyal sobrang saya ng puso ko salamat Panginoon binigyan mo ko ng mabuting asawa at malusog at poging anak🥰.”

Ito ang sabi pa ni Viy sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement