Emosyonal na hinatid ni Buboy Villar sa airport ang kaniyang anak na si Vlanz papuntang Amerika.
Mababasa sa artikulong ito:
- Buboy Villar naging emosyunal sa pag-alis ni Vlanz Villar papauntang Amerika
- Buboy bilang Tatay sa kaniyang mga anak
Vlanz Villar papuntang Amerika, Buboy Villar naging emosyonal
Sa vlog ni Buboy Villar na in-upload nitong Biyernes, November 26, ibinahagi niya ang moments kasama si Vlanz Villar at ang kaniyang emosyon sa pag-alis ng anak papuntang Amerika.
Sa Amerika nakatira ang kaniyang ex-girlfriend na ina ni Vlanz na si Angillyn Goren. Isang taon na mula nang sila ay naghiwalay.
Ayon kay Buboy, pupuntang Amerika si Vlanz para maayos ang kaniyang citizenship.
“Ngayong araw ihahatid ko ang aking anak papunta sa Amerika kasi kailangan siya para ayusin yung citizenship for their future.”
Hindi pa ika niya sigurado kung kailan makakabalik si Vlanz sa Pilipinas.
“Hindi ko alam kung kailan ulit siya babalik, kailan siya uuwi galing Amerika papunta dito kasi kailangan ayusin yung citizenship niya doon para maging dual [citizen] din siya.”
Ayon pa sa kaniyang vlog, sinusulit na niya ang oras na magkasama sila ni Vlanz
“Sinusulit ko na ‘yong moment na nagkukulitan kami dahil mukhang matagal kaming hindi magkikita.”
Malungkot man para kay Buboy, nagpapasalamat naman siya sa Dios na mayroon ng mga paraan tulad ng social media para makausap ang anak kahit pa ito ay nasa malayo.
“Nakakalungkot lang kasi hindi ko na siya makikita. I’m sure mabilis lang naman ‘yon. Thank God mayro’n na tayong mga social media, mayro’n na tayong messenger. Puwede na tayong tumawag. One call away lang.”
Si Vlanz ay isang aktibong bata kaya naman sabi ni Buboy na namimiss niya ang kadaldalan nito gayon na rin ang kaniyang amoy.
Makikita rin sa vlog ni Buboy ang pagpipigil na umiyak sa harap ng anak habang sila ay nagkukulitan.
“Ayokong mapakita na parang naiiyak ako sa anak ko. Ang hirap na malayo sa bata. Although hindi naman kami nasa iisang bahay, actually hindi ko na lang vinlog no’ng nakaraang araw. Sa akin natulog si Vlanz, sa akin siya nag-stay. Pero ngayon mas matindi kasi mas matagal.”
Para naman sa ikabubuti naman ito para sa kaniyang anak para kay Buboy
Sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman, ayon kay Buboy, ang pagkawalay panandalian sa anak ay para rin sa kanilang ikakabuti.
“Syempre kailangan natin na tignan yung future nila. Kailangan nating isipin yung future nila. Hindi yung para sa ngayon lang, hindi ‘yong para bukas, hindi ‘yong para sa next year or next week.
Kailangan ‘yong future na yung pinag-uusapan siyempre hindi naman normal din ‘yong magpalaki ng bata so kailangan nating tignan ‘yong para sa ikabubuti nila.”
Para kay Buboy, isang pribilehiyo ang maging isang ama at nagpapasalamat siya sa Dios dahil sa responsibilidad na ito.
“Sobrang pasalamat ko Diyos na binigay niya sa akin yung ganitong responsibilidad na talagang grinab ko, walang dalawang isip.”
Sa huling parte ng vlog, nag iwan ng mensahe si Buboy kay Vlanz.
“Papa will miss you anak. Always remember to pray. Mahal na mahal ka ni papa.”
Isa sa pinakamasakit bilang magulang ay ang malayo sa tabi ng anak mo. Ngunit kung ito ay para sa kanilang ikakabuti, titiisin na lang natin ang lungkot na nararamdaman dahil sa umpisa pa lang ay ang future na nila ang ating iniisip.
Maagang pag-ibig at pagiging batang ama
Sa unang ulat ni Camille Eusebio mababasa ang kwento ng pagiging batang ama ni buboy. Basahin ang buong kwento rito.
Inamin naman ni Buboy na ang pagiging isang batang ama ay biglaang nangyari sa kaniyang buhay.
Taong 2015 nang makilala niya si Angiellyn Gorens, ang kaniyang naging long-time partner at nanay ng kaniyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Kwento ni Buboy,
“Love at first sight, tapos gusto ko talaga siya. Hindi namin talagang plano mag-anak noon. Plano lang namin was mag live-in kasi partners kami.”
Aniya, si Angiellyn ang kaniyang first true love. At noong bumalik si Angiellyn sa Amerika, nahirapan ang batang aktor kaya inaya niya ang kasintahan na mag-live in.
“Nilakasan ko ‘yong loob ko. Sabi ko, ‘Uwi ka na lang kaya dito sa Pilipinas, magsama na lang tayo.’”
Batid naman ng dalawa na mali ang kanilang ginawang pagsuway sa kanilang magulang.
“Alam namin na mali ‘yon. Ginawa namin ‘yong gusto lang namin. Hindi namin pinakinggan ‘yong mas nakakatanda sa amin,” ani Buboy.
Subalit naging mali man ang simula ng kanilang pagkakaroon ng pamilya, hindi ito pinagsisisihan ng aktor dahil nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak.
“Sa lahat ng laban ko sa buhay na ito, isa lang ang masasabi ko: Isa ‘yon sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, ‘yong mga anak ko.”
Inamin ni Buboy na hiwalay na sila ni Angiellyn, subalit nananatili naman silang may maayos na pakikitungo sa isa’t isa para sa kanilang mga anak.
Sa kasalukuyan, sa mga magulang ni Angiellyn nakatira ang dalawang bata habang nasa America si Angiellyn at si Buboy naman ay abala sa kaniyang taping at kaniyang negosyo.