Super bacteria, hindi na napapatay ng alkohol at hand sanitizer!

Naging super bacteria na ang VRE bacteria, isang sanhi ng impeksyon. Hindi na ito napapatay ng alkohol at hand sanitizer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming ulat ang nagsasabi na nagiging mas “matalino” na ang mga bacteria at hindi na sila tinatablan ng antibiotics. Ngayon naman, napag-alaman ng mga Australian researchers na may isang superbug, ang vancomycin-resistant enterococci (VRE bacteria), na hindi na rin namamatay sa alkohol at hand sanitizer!

VRE Bacteria

Ayon sa mga researchers ng Peter Doherty Institute for Infection and Immunity sa Melbourne, ang Enterococcus faecium, isang strain ng VRE bacteria, ay karaniwang nabubuhay sa mga ospital. Hindi man daw ito nakamamatay by itself, mas nagkakasakit naman ang mga pasyente sa ospital na dapuan nito.

Kung dati-rati ay napapatay ito ng alkohol at hand sanitizer, mga paraan para maiwasan ang pagkalat nito sa ibang tao, ngayon ay resistant na ito.

Ilang taon na ang nakakaraan nang inilunsad ng gobyerno ng Australia ang kampanya sa pag-gamit ng hand sanitizer upang mabawasan ang insidente ng paglaganap ng sakit. Naging matagumpay ito sa pagpuksa sa isa pang superbug, ang methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA).

Ngunit, napansin nila na kahit kontrolado ang paglaganap ng MRSA, tumataas naman ang insidente ng impeksyon dulot ng VRE bacteria—na dapat din daw ay napupuksa din sa tamang pag-hugas ng kamay at pag-sanitize. Hindi lamang ito nangyayari sa Australia kundi pati na rin sa Europa, Amerika, at Asia, kung saan tayo kabilang.

Nagsagawa ng pag-aaral ang mga eksperto na kinukumpara ang mga nakalap nila na VRE bacteria mula 1997 at 2015. Napansin nila na kahit na lagyan ng alkohol ang bacteria na nakuha noong 2015, hindi ito namamatay, bagkus mas lumaki pa ito.

Lubos na nakakabahala ang ulat na ito. Tanong ng karamihan: kung hindi ito napupuksa ng gamot at ng disinfectant, paano ito mapapatay? Mas madaling naipapasa ang bacteria na nagiging sanhi ng mga impeksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit paalala ng mga eksperto na hindi dapat itigil ang pag-hugas ng kamay at pag-sanitize dahil epektibo pa rin ito sa pag-pigil ng paglaganap ng sakit. Kailangan lang daw na mas maging maingat sa pag-sanitize.

Narito ang ilang tips para maging safe sa sakit:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Piliing gumamit ng liquid alcohol at hand sanitizers kaysa mga foam at gel sanitizers. Mas epektibo daw ang liquid kaysa ang ibang mga klase.
  • Katulad ng paghugas ng kamay, huwag madaliin ang pag-sanitize. Hayaan na manatili ang sanitizer sa kamay ng at least 30 segundo.

Mas mainam na rin na hindi pumupunta sa mga clinic o ospital ang mga bata kung hindi kinakailangan o kung hindi sila ang pasyente. Kapag bumibisita sa may sakit na kamag-anak, huwag nang isama ang mga bata dahil mas madali silang dapuan ng mga sakit na puwedeng masagap sa mga lugar na ito. Kapag nagpapa-check-up ang anak, iwasan na isama ang ibang mga anak na wala naman sakit dahil baka mahawa rin ito sa mga sakit ng mga ibang bata na nagpapa-check-up rin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement