X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#ParentalGuidance: "Tumamlay ang sex life namin after magka-anak—dati 4 times a day, ngayon 4 times a month na lang!"

4 min read
#ParentalGuidance: "Tumamlay ang sex life namin after magka-anak—dati 4 times a day, ngayon 4 times a month na lang!"

Alam kong hindi basihan ang pagtatalik ng madalas para masabing mahal mo ang isang tao. Ang mas mahalaga naman ngayon ay kung paano naipapakita ng taong mahal mo ang pagmamahal nya sa maraming paraan.

“‘Yong dating 4times a days, ngayon 3 to 4 times a month na lang, “

Marami sigurong nakakarelate sa sitwasyon ko ngayon. After few years marami nang pagbabago sa pagsasama namin partner ko.
Nakilala ko ang live in partner ko 10 years ago, gwapo, mabango, mabait, maalaga at maraming babaeng humahabol. Naging on and off ang relasyon namin, hanggang sa nagkabakikan kaming tuluyan 2018.

Nabuntis din agad ako nang taon na ‘yon. Masaya naman kaming magkasama araw-araw dahil may maliit na negosyo, kaya nagagawa namin lahat ng gusto namin sa buong maghapon. Walang pagbabago, malikot pa rin ang imahinasyon namin pareho.

2020 nagsimula kaming maging busy, kailangan na namin magsipag para sa anak namin, kayod dun, raket dito sa mga paninda. Bago matapos ang taon, sunod-sunod ‘yong mga pagsubok sa amin, lalo na sa financial.

Sobrang na-busy kami at wala ng time sa sex

wala ng time sa sex

Wala ng time kaming time sa sex mag-asawa. | Larawan mula sa Shutterstock

December nabuntis ulit ako. Lalo kami na-pressure na magsumikap lalo. Pumasok na siyang Sevice Driver at ako naman nagbebenta online. Busy ako maghanap ng ititinda, sa pag-aasikaso ng anak namin, at sa pinagbubuntis ko.

Nang manganak ako nitong August 2021, makalipas ang ilang buwan. Damang-dama ko pa rin na ang dami-dami naming dapat gawin para sa pamilya namin. Umaga’t gabi salitan kami sa telepono para makahanap nang mairaraket.

Dun ko napansin na “teka, parang may mali” halos hindi na pala kami nag-uusap o nakakapag-usap man lang. Bakit parang ‘di na namin kilala ang isa’t isa, nakatira lang kami sa iisang bahay pero parang hindi kami nagkakaroon ng komunikasyon.

Isang gabi, habang abala pa rin sa mga gawaing bahay at pag-aalaga nang mga bata at nag-iingayan talaga sila, napaupo na lang kami pareho at natawa.

Siguro kung wala pa sila tulog na tayo ngayon! ” Pabiro niyang sinabi. Bigla ko naramdaman ‘yong pagkapagod niya sa lahat ng bagay na ginagawa niya para sa aming pamilya.

wala ng time sa sex

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

“My husband is a sex addict and I only just found out!”

This is what happens to you when you have sex every day for a year

Mom confession: “I never say no to my husband—pagdating sa sex”

Napansin ko na hindi na pala kami madalas mag-usap kasabay ng hindi na rin madalas na pagtatalik. Nawala na ‘yong dating nag-aalab na apoy tuwing magkatabi kami, bigla nalang nabalot ng malamig ang paligid pati ang pagsasama namin.

Ibig bang sabihin nun wala na kaming pagmamahal sa isa’t isa? Ubos na ba ‘yong kasabikan namin? Nasaan na ‘yong dati ? Bakit ganun? Anong nangyari?

Isang gabi, habang tulog na ang mga bata at ang mister ko, naiwan akong mulat at nagiisip, ng paulit ulit. “Sino ba ang may mali? Sino ba ang may kulang? Pangit na ba ako? May iba na ba siyang pinagiinitan? Ano? Bakit?”

Tumamlay ang sex life namin after magka-anak—dati 4 times a day, ngayon 4 times a month na lang!

Naisip ko rin na ba’t ba inaaway ko siya lagi kahit wala naman siyang masamang ginagawa sa ‘kin. Alam kong namimiss niya rin ‘yong dati na wala kaming iniisip at iniintindi kundi ‘yong mga sarili namin pero ngayon, hindi na kami makapagtabi maliban na lang kung “lights off” na at tulog na ang mga bata.

Palagi pa rin niya ko inaalagaan, inaasikaso kapag may sakit at nilalambing. Walang nagbago sa kanya o samin. Nadagdagan lang ang responsibilidad namin dahil magulang na kame.

wala ng time sa sex

Larawan mula sa Shutterstock

Alam kong hindi basihan ang pagtatalik ng madalas para masabing mahal mo ang isang tao. Ang mas mahalaga naman ngayon ay kung paano naipapakita ng taong mahal mo ang pagmamahal nya sa maraming paraan.

At maling hanapin mo din ito sa iba. Maaari pa rin naman kayo mag usap at bumalik sa dati. ‘Wag na ‘wag mo papatayin ang apoy sa pagsasama niyo.

Higit sa lahat importante na kayong mag-asawa ay gustong ayusin at ibalik sa dati ang lahat, pero hindi naman totally mababalik na sa dati ang inyong pagsasama. Sapagkat iba na ang inyong buhay lalo na may anak na kayo. Pero ang mahalaga naroroon pa rin ang respeto niyo sa isa’t isa at inyong pamilya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

VIP Parent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • #ParentalGuidance: "Tumamlay ang sex life namin after magka-anak—dati 4 times a day, ngayon 4 times a month na lang!"
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • REAL STORIES: "Sinabihan kami na may 36% chance lang kaming makabuo dahil sa kundisyon na ito ng asawa ko"

    REAL STORIES: "Sinabihan kami na may 36% chance lang kaming makabuo dahil sa kundisyon na ito ng asawa ko"

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • REAL STORIES: "Sinabihan kami na may 36% chance lang kaming makabuo dahil sa kundisyon na ito ng asawa ko"

    REAL STORIES: "Sinabihan kami na may 36% chance lang kaming makabuo dahil sa kundisyon na ito ng asawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.