TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

REAL STORIES: "Ilang ang asawa ko na hawakan ako—minsan naiisip ko na baka bading siya"

5 min read
REAL STORIES: "Ilang ang asawa ko na hawakan ako—minsan naiisip ko na baka bading siya"

"Bakit hindi niya ako mahawakan ng matagal sa ibaba sa tuwing may nangyayari sa amin at ni hindi nga rin niya magawang bumisita sa ibaba?"

Madalas humahapdi ang aking ari sa tuwing nagtatalik kami ng asawa ko. Pansin ko rin na hindi siya komportable sa tuwing hinahawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan. Pakiramdam ko’y napipilitan at walang gana ang asawa ko, kaya sobrang bilis lang niya iyon hawakan madalas nga, ni hawak ay wala.

Mag-aapat na taon na kami at may dalawang anak kaya pilit kong isinasantabi sa isip ko na baka bading siya. Iyan ang laging pumapasok sa isip ko sa tuwing ganun ang pinapakita niya sa oras na kami ay nagtatalik.

Sapagkat nakwento niya noon na may mga naging kaibigan din siyang bading. Naisip ko na baka inanakan niya lang ako at kalaunay iiwanan lang din.

Noon pa man ay hindi na siya mahilig sumisid sa alam niyo na. Hindi rin siya mahilig mag-foreplay gamit ang daliri. TAKE NOTE nasa 20’s pa lang kaming dalawa paano na lang kung mas tumanda pa kami?

Palaisipan na sa akin noon pa kung bakit hindi mahilig ang asawa ko sa ganitong paraan ng pagtatalik. Iyon bang may extra foreplay.

Laging pumapasok sa isip ko ang tanong na ito,

“Bakit hindi niya ako mahawakan ng matagal sa ibaba sa tuwing may nangyayari sa amin at ni hindi nga rin niya magawang bumisita sa ibaba?”

Ang nangyayari tuloy ay kahit hindi pa gaano basa ay pinagpipilitan nang maipasok. Kaya naman minsan ay talagang mahapdi ito sa pakiramdam.

walang gana ang asawa

Tila walang gana ang asawa ko sa pagkikipagtalik sa akin. | Larawan mula sa Shutterstock

Ayaw ko naman siyang ikumpara

Ayaw ko man siyang ikumpara ngunit sa mga dati kong nakarelasyon, tumatagal naman sila sa paghawak at pagsisid nito. Kaya talagang nagtataka ako at paminsan minsan nga ay naghihinala tungkol sa kasarian niya.

Kaya naman iyon ang sumasagi sa isip ko ay dahil nga nakuwento niya noon na may kabigan siyang bading at may nabasa rin ako sa dating convo nila. Pakiramdam ko na may iba talaga sa pag-uusap nila. Obvious na obvious na type siya nito.

Hindi ko kayang tanungin ang asawa ko kung bakit tila walang gana siya sa pakikipagtalik sa akin

Tinanong ko naman ang patungkol roon sa asawa ko, pero ang sabi niya wala raw ‘yon. Pero lumalim itong pag-o-overthink ko nang nakapanood ako ng kuwento ng dating mag-asawa na may tatlong anak pero nung lumaki na ‘yong mga anak nila ay saka naman nagladlad ang asawa nitong lalake ng totoo nitong kasarian.

Sumama sa lalake at tuluyan nang nagpakababae. Ayan ang eksaktong naiisip ko na pwedeng mangyari. Kaya natatakot ako at lagi ko siyang kinakausap kahit minsan pabiro. Pero sa loob-loob ko ay gusto ko talaga malaman ang totoo.

BASAHIN:

#ParentalGuidance: “Tumamlay ang sex life namin after magka-anak—dati 4 times a day, ngayon 4 times a month na lang!”

“My husband is a sex addict and I only just found out!”

Mom confession: “Nagkaroon ako ng vaginal tear dahil sa rough sex with my husband.”

walang gana ang asawa

Ilang ang asawa ko na hawakan ako—minsan naiisip ko na baka bading siya. | Larawan mula sa Shutterstock

Pero bago pa man maging kami ay nagkaroon naman siya ng longtime girlfriend at inamin niyang may mga nangyari rin sa kanila.

Kung pwede nga lang ay tatanungin ko ‘yong babae kung ganun din ba sa kanya ‘yong asawa ko para mapanatag ako. Kaso hindi kayang kahihiyan ko at madadamay pa ang asawa ko at ending ay issue pa.

Hindi ko na alam kung sadyang kakaiba lang siya at ayaw niya sa mga ganung bagay o nasa akin ang mali. Ngunit sa pagkakaalam ko naman ang mga babae ay talaga namang matagal mag-orgasm kaysa sa lalaki. Kaya nga kailangan may foreplay muna bago ang bakbakan.

Pero lagi ko ring iniisip ang pinagsamahan naming dalawa

Gayunpaman, laging sumasagi sa isip ko lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Pinapakita at pinaparamdam naman niya na mahal niya kami ng mga anak namin at araw-araw niya kaming pinagsisilbihan.

Iniisip ko na lang rin na tuwing ganun ang nangyayari ay baka pagod siya sa trabaho, takot na siyang makabuo, o  naiilang siya sa ibang bagay na ‘di niya masabi sa akin.

Isa pa, ay hindi naman kami ganito dati, kung ano-ano rin ang mga nasubukan namin para mag-alab ang aming mga gabi.
Limang buwan pa lang ang nakakalipas nang nanganak ako sa pangalawa kong anak. Baka iyon ang dahilan kung bakit kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko kahit malayo naman ito sa katotohanan.

walang gana ang asawa

Larawan mula sa Shutterstock

Nito lang mga araw ay may nag trending na palabas o pelikula. Sabay namin itong pinanood at nagkaroon kami ng munting oras na siya namang dahilan upang mas malinawan ako na mali ang mga negatibong iniisip ko tungkol sa asawa ko.

Napakaimportante talaga ng tiwala sa isa’t isa bilang mag-asawa. Hindi natin maituturing ang sex bilang natatanging batayan ng tunay na pagmamahal. Sapagkat marami pang bagay na pwedeng isaalang-ala at ika nga baka hindi ‘yon ang kanilang love language. Kung hindi mas higit pa doon tulad na lamang ng pagsisilbi, pagyakap o ‘di kaya naman ay pagbibigay ng regalo at marami pang iba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

VIP Parent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • REAL STORIES: "Ilang ang asawa ko na hawakan ako—minsan naiisip ko na baka bading siya"
Share:
  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko