Walang gana sa sex? Ayon sa isang psychologist, wala ka dapat ipag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Hindi naman umano ito nakakaapekto sa masayang pagsasama. Bagama’t ang pagtatalik ay hindi pa rin umano dapat nawawala.
Pag-aaral tungkol sa mga babaeng walang gana sa sex
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Sex Research, ang mga babae ay natural na nawawalan ng gana sa sex o pagtatalik habang sila ay tumatagal sa isang relasyon. Ngunit hindi umano ito nangangahulugan na nabawasan na ang pagmamahal nila sa kanilang asawa. Sa halip ay mas tumitindi nga umano ito dahil sila ay nagkakaroon ng ibang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin gaya ng pagpapalaki sa kanilang anak at pag-aalaga sa pamilya.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na kinabilangan ng 15 na babae edad 25-59 years old na nasa loob ng isang loving long-term relationship.
Sa ginawang interview sa mga kalahok, ito ang natuklasan ng pag-aaral.
Ayon sa pag-aaral, ang kawalang gana sa sex ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagmamahal sa asawa
- Hindi naapektuhan ng kawalang gana nila sa pakikipagtalik ang pagmamahal nila sa kanilang mga partner. Wala raw nabago sa pagmamahal nila sa mga ito bagama’t hindi na sila ganoon ka-active sa pakikipagtalik katulad noong sila ay bago palang sa relasyon.
- Kalahati ng mga kahalok sa ginawang pag-aaral ang nakapagsabi na walang naging negatibong epekto sa kanilang relasyon ang kawalang gana nila sa sex. Mas naging intimate pa nga raw ang koneksyon nila sa kanilang mga partner dahil sa mga bagong activity na kanilang pinagtutuunan ng pansin kaysa sa pagtatalik. Tulad ng pagiging magulang sa kanilang anak at paano maitataguyod ang kanilang pamilya bilang isang team.
- Mayroon din namang iba sa mga kalahok ang nagsabing nagi-guilty sila dahil sila ay walang gana sa sex. Sila rin ay nag-aalala na baka sa tinuturan nilang ito ay kuwestyunin na ng kanilang partner ang pagmamahal nila.
- May mga kalahok din ang gumagawa ng excuse minsan para hindi makipagtalik sa kanilang asawa. Pero sa oras naman na gawin nila ito at sila ay nasa mood, nai-enjoy naman nila ang sex at na-sasatisfy rito.
Pero ito ay maaari pa ring magdulot ng problema
Bagama’t masasabing ang kabuuang resulta ng ginawang pag-aaral ay positibo, binigyan pansin pa rin naman ng researcher na gumawa nito ang mga negatibong epekto nito sa relasyon. Tulad ng pagdudulot nito ng frustration, conflict at pressure sa mag-partner. Kaya payo ng psychologist na si Sarah Hunter Murray upang masolusyonan ito ay kailangan umanong magkaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Ito ay upang malaman at maintidihan nila ang nararamdaman ng isa’t isa na dapat nilang pakinggan at respetuhin. Hinikayat din niya ang mga babae na gumawa ng mga bagay na maaaring makapagbalik ng gana o desire nila sa pagtatalik. Ito ay ang mga sumusunod:
Lifestyle at home remedies para bumalik ang gana sa pakikipagtalik
Mag-exercise
Ang pagsasagawa ng regular aerobic exercise at strength training ay nakakapagdagdag ng lakas ng iyong stamina. Ini-improve din nito ang iyong body image. Sine-set ang iyong mood pati ang iyong libido.
Iwasan ang stress
Iwasang ma-stress sa mga bagay-bagay. O hangga’t maaari, kung nagtratrabaho ay huwag na dalhin ang stress sa trabaho sa inyong bahay.
Makig-usap o magkaroon ng open relationship sa iyong partner
Ang mga mag-partner na mayroong open communication sa isa’t isa ay mas napapanatili ang kanilang stronger emotional connection. Bilang resulta ay mas nagiging close at intimate sila. Pagdating sa usaping sex at hindi dapat mahiyang talakayin ito sa iyong partner. Sabihin ang mga ayaw mo at gusto para malaman niya.
Magkaroon ng oras sa pagiging intimate
Sa kabila ng iyong busy schedule ay gawin pa ring priority ang pakikipagtalik sa iyong asawa. Tandaan na bilang asawa ito ay isang papel na kailangan mong gampanan.
Lagyan ng kaunting spice o excitement ang iyong sex life.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagsubok ng ibang sex positions. O kaya naman gawin ito sa umaga, tanghali kaysa sa gabi. Puwede rin namang gawin ninyo ito sa ibang bahagi ng bahay hindi lang sa kama o kuwarto. Maging honest din sa iyong partner at sabihin sa kaniya na mas magbigay ng oras sa pagsasagawa ng foreplay. Kung open ka at iyong partner ay sumubok ng mga sex toy at iba pang paraan na sa tingin mo ay gaganahan kang makipagtalik. Muli ang sekreto rito ay pagiging open o pakikipag-communicate sa asawa mo.
Alisin na ang mga bad habits o bisyo mong nakakaapekto sa sex drive mo.
Ayon sa mga health expert, ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakaapekto sa sex drive ng isang tao. Kaya para ma-boost ang sex drive mo ay alisin ang mga ito. Subukan ang healthy living. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Matulog ng sapat sa oras at paligiran ang iyong sarili ng mga taong magiging magandang impluwensiya sayo at sa relasyon ninyo ng iyong asawa.
Source:
BASAHIN:
Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak