Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae at ang mga maaring gawin para ganahan siyang muli.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae.
- Mga maaring gawin para bumalik ang gana ng isang babae sa pakikipagtalik.
Dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae
Hindi pare-pareho ang behavior ng mga babae pagdating sa pagtatalik. May ibang very active at laging palaban na gawin ito. Habang may iba naman na walang kagana-gana at interes na gawin ito.
Sa katunayan, base sa isang pag-aaral, 1 out 3 sa mga babaeng edad 18 to 56 years old ang nakakaranas ng low sex drive. May iilang itinuturing itong problema lalo na kung sila ay may karelasyon na very active pagdating sa usaping sex.
Ayon pa rin sa mga eksperto, iba-iba ang depinisyon ng low sex drive para sa mga babae. Pero madalas ito ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas.
- Walang interes sa kahit anong uri ng sexual activity kabilang na ang masturbation.
- Hindi o bibihira na nagkakaroon ng sexual fantasies o thoughts
- Nagiging concerned o nababahala na sa kawalan ng sexual activity o fantasies.
Maraming posibleng dahilan o paliwanag o kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Madalas ang mga ito ay ang sumusunod, ayon sa integrative medicine specialist at book author na si Dr. Deb Matthew.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
1. Stress
Ang unang dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae ay ang stress. Kapag palaging stress ang isang babae ay mataas ang level ng cortisol o main stress hormone sa kaniyang katawan.
Ito ay nagdudulot ng labis na pagkabahala o fight-or-flight response sa katawan. Nakakaapekto ito sa sexual arousal, dahil para maging arouse ang isang babae ay kailangang maging kalmado o relax ang katawan niya.
2. Fatigue
Ang labis na pagod na nararamdaman ng isang babae ay maari ring makaapekto sa gana niyang makipagtalik. Kaya naman mahalaga na makakuha ng sapat na pahinga at tulog ang isang babae para maka-relax ang katawan niya at ganahan na siyang makipagtalik na.
3. Medications
Ang pag-inom ng birth control pills, anti-depressants, gamot sa high blood pressure at anti-histamines ay maaaring magdulot ng vaginal dryness sa mga babae at kawalan niya ng gana sa pagtatalik.
4. Depression
Ang depression ay isa pang dahilan ng kawalan ng hilig sa sex ng isang babae. Lalo na kung dadagdagan pa ito ng pag-inom niya ng mga anti-depressants.
Kung nakakaranas ng sintomas ng depression tulad ng hirap sa pagtulog, walang gana sa pagkain, at pagkaramdam na labis na kalungkutan ay mabuting magpatingin na sa isang espesyalista upang ito ay malunasan na.
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
5. Hormonal problems
Ang problema sa hormones ay isa pang dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Partikular na ang mababang testosterone level sa kaniyang katawan na nagdudulot ng increase blood flow na mahalaga sa sexual arousal at vaginal lubrication.
Ang mga babaeng gumagamit ng birth control pills ay madalas na nakakaranas ng mababang testosterone level. Ito ang dahilan kung bakit sila’y nawawalan din ng gana sa pakikipagtalik.
Maliban dito, ang problema sa hormones ay maaari ring maranasan ng babaeng pa-menopause na o kaya naman ay may kondisyon na tinatawag hypothyroidism na nakakaapekto rin sa kaniyang sex drive.
BASAHIN:
Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!
Bakit nangangaliwa ang isang tao – Hindi laging sex ang dahilan!
Ang iba pang posibleng dahilan ng kawalang gana o hilig sa sex ng babae ay ang sumusunod ayon naman sa Mayo Clinic.
6. Surgery
Ang pagsailalim sa surgery sa suso o sa ari ay maaring makaapekto sa body image at sexual desire ng isang babae. Ito ay maaaring dahil sa ikinahihiya niya ang mga sugat na dulot ng surgery o dahil natatakot siya na maaring maapektuhan ng pagtatalik ang mga tahi o sugat niya.
7. Lifestyle habits
Ang lifestyle habits tulad ng labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo o paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakaapekto rin sa social desire ng isang babae. Dahil sa nakakaapekto ito sa blood flow na mahalaga sa pagiging sexually arouse niya.
8. Buntis o nagpapasuso
Dahil pa rin sa hormonal changes maari rin mawalan ng hilig sa sex ang babaeng buntis o nagpapasuso.
9. Relationship issues
Ang mga relationship issues tulad ng kawalan ng connection sa asawa, trust issues at hindi na-solusyonang away o hindi pagkakaintindihan ay maaaring magdulot rin ng kawalang gana sa pakikipagtalik ng isang babae. Dahil pinangingibabawan ng negatibong nararamdaman niya ang sexual desire niya.
10. Self-esteem
Kung nag-aalinlangan rin ang babae sa kaniyang body image ay maaring maapektuhan rin ang sex drive niya. Dahil sa nawawalan siya ng self-esteem at confidence ay iniisip na nakakahiya ang katawan niya at hindi na siya kaakit-akit.
Woman photo created by freepik – www.freepik.com
11. Negative sexual experience
Ang pagiging biktima ng sexual abuse o negative na sexual experience ay maari ring maging dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Dahil ang paggawa nito ay nagpapaalala ng kaniyang karanasan at nagdudulot ng pag-alala o worry sa kaniyang katawan.
Ano ang maaaring gawin?
Upang malunasan o mag-improve ang sexual desire ng isang babae ay mahalaga na matukoy ang ugat o dahilan nito. Pero ipinapayo ni Dr. Matthew, na ang numero uno na dapat gawin ng isang babae ay ang matulog ng maayos at iwasan ang ma-stress.
Makakatulong din ang deep breathing exercises, meditation at iba pang relaxing exercises para mabawasan ang nararanasang stress ng isang babae at ganahan siya sa pagtatalik.
Para naman makakuha ng maayos na tulog ay makakatulong ang pag-babawas ng caffeine pati na ang pagtulog ng maaga.
Kung ang kawalan ng hilig sa sex ay dulot naman ng gamot o medication na iniinom ng babae ay makakatulong ang pakikipag-usap sa iyong doktor.
Ito ay upang mai-adjust ang dosage ng gamot na iyong iniinom. Kung nag-premenopausal na, ay may gamot na maaring ireseta ang doktor na makakatulong para maibalik ang sexual desire ng isang babae.
May tinatawag namang hormone replacement therapy o HRT para sa mga babaeng nakakaranas ng hormonal problems. Mayroon ring laser treatments para sa vaginal rejuvenation.
Higit sa lahat, makakatulong rin ang pakikipag-usap sa isang espesyalista sa sex para magabayan ka at manumbalik muli ang iyong gana sa pakikipagtalik.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.