Isang bukas na liham ngayong Mother's Day para sa mga anak na lumaking walang Nanay

Alamin ang kwento ng isang writer na lumaking walang ina. Paano ba niya ipinagdiriwang ang Mother's Day? Basahin ang kaniyang kwento rito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa karamihan isang masayang selebrasyon ang “Araw ng mga Ina” o “Mother’s Day” pero paano na lamang ang mga anak o batang lumaki nang walang ina? Paano ipinagdiriwang ng isang anak ang Mother’s Day kung wala siyang Nanay na nag-aruga sa kaniya?

Maliit pa ako noon nang mangyari ang paghihiwalay ng aking mga magulang. Sabi ng Tatay ko kakadalawang-taon gulang ko lamang noon nang iwanan kami ng aking Nanay.

Ang totoo wala akong maalala sa mga nangyari, siguro kung may naalala ako iyon ang minsan kong nakita ang Tatay ko na lasing at iniiyakan ako. Noon, hindi ko pa maunawaan ang mga luha na iyon.

Subalit ngayon, nauunawaan ko na, ang luhang iyon ay luha ng lungkot at pag-aalala. Paano na kami? Paano na ako na anak niya na lalaking walang ina?

Totoong mahirap lumaki na hindi kumpleto ang magulang, lalo na kapag walang ina. Wala kang maiiyakan o mayayakap kapag malungkot ka. Dumating ako sa punto na tinanong ko ang Panginoon noong nasa highschool ako kung bakit ganito ang buhay ko, at sa dinami-dami ng bata ako pa ang walang Nanay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa author

Nakakainggit ang mga kaklase ko noon dahil kapag family day, mayroon silang nanay at tatay na kasama. Samantalang ako, Tatay lang tapos sinasama minsan ang Lola o Tita ko.

Hindi naman talaga maiiwasan iyon. Pero ngayong malaki na ako. Naunawaan ko, na ang pagiging ina minsan ay higit pa sa dugo. Wala roon ang pagiging ina o isang magulang.

Marami pala akong ina, marami akong naging nanay. Iniwan man ako ng tunay kong ina ay mas dumami pa ang naging nanay ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para sa mga katulad kong lumaking walang ina, ito ang liham ko para sa atin.

Isang bukas na liham para sa mga anak na lumaking walang ina

 Alam kong mahirap, lalo na siguro kung bata pa lamang ay wala kang Nanay na umaaruga sa iyo. Walang kang nayayakap kapag sobrang lungkot mo o kaya naman pakiramdam mo wala kang kakampi.    Nagtataka ka kung bakit pa kailangan humantong sa ganitong sitwasyon. Kinukuwestyon mo ang Diyos kung bakit ganito ang buhay mo. Pero tandaan mo may dahilan lagi ang lahat ng bagay sa daigdig.    Kahit mahirap alam kong kinakaya mo, at lagi kang nagpupursigi para maging maligaya sa kabila ng laging pagtataka at lungkot. Tandaan mo na hindi ito sumpa o kamalasan, huwag mo rin sisihin ang Diyos o Tatay mo kung naghiwalay sila ng iyong nanay.   Ngayong Araw ng mga Ina o Mother’s Day, alam kong nahihirapan ka at maaari pa ngang bitter ka pa rin hanggang ngayon. Sapagkat ang iba ang may mababating nanay sa araw na ito, o kaya naman mayayakap o mabibigyan ng regalo. 

 

“Pero hindi ibig sabihin na hindi tayo kinalinga ng ating tunay na mga nanay, ay wala tayong ina. Marami tayong mga nanay, na higit pa ang ipinapakitang pagmamahal kaysa sa ating mga tunay na nanay. ” – K. Rosales

Ang mga Tita kong naging tunay kong ina. | Larawan mula sa author   Ang ating tatay, na tumayong nanay para sa atin, na sa kabila ng hirap sa paggampan ng dalawang tungkulin ng pagiging magulang ay nagawa niya. Mapapalad tayo dahil kahit papaano’y may mga Tatay tayo na hindi tayo pinapabayaan.    Maaaring nariyan din ang ating mga lola, at mga tita, na kahit hindi nila inuluwal sa mundo. Minahal nila tayo ng buong-buo kagaya ng isang tunay na anak.

BASAHIN:

#TAPMAM 2021: Ley Almeda – Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

Child Custody Law: Ang mga dapat malaman ng single parents

Nanay: “Kailangan mong maging matatag kung magiging single parent ka”

Mapalad pa rin tayo, ngayong Mother’s Day hindi totoo na wala tayong mapagsasabihan ng Happy Mother’s Day. Maraming nakapaligid sa atin na minamahal tayo, na naging nanay para sa atin. 

 

Tandaan mo rin na hindi ka nag-iisa, marami tayong lumaki nang walang nanay. Iniwan man nila tayo sa pisikal na mundo o pinagpalit sa ibang pamilya. 

Ang mga Lola kong naging tunay ko ring mga nanay. | Larawan mula sa author.   May nakakaintindi sa ‘yo. Naiintindihan kita. Ayos na lang na minsan sa ating mga buhay ay magtanong o magalit sa mundo. Pero alam ko na mauunawaan mo rin kagaya ko ang dahilan kung bakit ito nangyari sa atin.    Maraming depinisyon ang pagiging Nanay, sabi nga ni K. Rosales na kagaya ko rin na iniwan ng nanay basta’t ramdam mo ang kalinga niya, ang pagmamahal niya. Sapat na iyon para ituring natin nanay ang mga nag-aaruga sa atin.    Ngayong Mother’s Day, batiin natin ang mga babaeng kahit hindi sila ang nagluwal sa atin sa daigdig minahal tayo ng buong-buo bilang tunay nilang mga anak.    Batiin natin ang mga Tatay natin, na tumayong nanay at tatay pa sa atin. Pati na rin ang ating mga lola at mga tita na tinuring din tayong mga anak.    “Laban lang, hindi lamang ang nagluwal na nanay mo ang dapat mong makita bilang nanay mo. Dapat makita mo rin ang mga ibang nanay na nagpapakaka-nanay para sa atin.” – K. Rosales   Laban lang! Tuloy lang! Maraming nagmamahal sa ‘yo, marami kang nanay. Saka hindi ka nag-iisa.    Nagmamahal, Marhiel
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa author

Pinagdiriwang ko na ang Mother’s Day kahit wala ang tunay kong nanay. Sapagkat marami akong mga nanay kahit hindi nila ako iniluwal sa daigdig naging tunay na ina sila para sa akin. Kahit noon sobrang bitter ako. Pero ngayon nauunawaan ko na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman Happy Mother’s Day sa aking Tatay na naging nanay ko rin, sa lahat ng mga ina, at sa mga Tatay na naging nanay! Happy Mother’s Day sa ating mga Tita at Lola na tumayong ating mga Nanay.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote