Ikaw ba ay isang meticulous mom? Yung tipong maingat sa lahat ng bibilhing pagkain na ihahain sa iyong kids? Well mommy, isang magandang attitute ‘yan. Dahil importanteng ugaliin ang kalinisan upang maiwasan ang mga sakit. Narito kung paaano ang wastong paghahanda ng pagkain.
Saan dapat mamili? Supermarket o palengke?
Kung tatanungin ang iba’t-ibang mommy kung saan sila kadalasang bumibili ng kanilang goods, masasabi mong hati ang kanilang kasagutan.
May ibang nanay kasi na mas gustong mamili sa supermarket dahil gusto nila na siguradong malinis ang kanilang bibilhing mga pagkain. Kadalasan rin na maramihan ang kanilang binibili para may sapat silang stock sa susunod.
Wastong paghahanda ng pagkain | Image from Pressfoto on Freepik
Pero iba naman ang stand ng mga ibang nanay rito. Mas magandang mamili ng goods sa palengke o yung tinatawag nating wet market. Mas mura raw kasi rito at mas accesible rin dahil hindi mo na kailangang tumungo ng malayo para supermarket. Kaya nga lang, hindi mo maiiwasan na hindi na fresh ang mga paninda rito katulad ng gulay, isda o karne.
Mga dapat tandaan sa wastong paghahanda at pagpili ng pagkain:
‘WAG bibilhin ang:
- Sira na ang packaging ng isang product (canned goods etc)
- Frozen foods na matagal nang wala sa ref
- Ready to eat na pagkain na iniwang walang taklob
- Malapit na ang expiration ng isang pagkain
- May basag at maduming itlog
Wastong paghahanda ng pagkain | Image from Racool Studio
Mga pagkaing sensitibo:
Ang mga pagkaing ito ay kadalasang tinitirahan ng bacteria kung mapapabayaan. Madali din silang mapanis at masira. Mahalagang malaman kung ano ang mga ito!
- Raw meat
- Fruit salads
- Lutong kanin o pasta
- Mga pagkaing may dairy products katulad ng leche flan, cheesecake at iba pang dessert
- Hams
- Seafoods
Ang mga pagkaing ito ay dapat nasa tamang temperatura na 5 °C to 60 °C.
Mga dapat tandaan sa pagpili ng mga bibilhin:
- Suriing mabuti ang expiration dates ng mga pagkain
- Kung bibili ng frozen foods, ihuli na ito sa pagkuha. Unahin muna ang iba pang bibilhin. Ito ay para mapanatili ang lamig nito.
- Hugasan ang mga shopping bags lalo na kung natuluan ito ng mga food liquids.
- Bumili ng mga karne o seafoods sa mga mapagkakatiwalaang stores. Suriin rin ang mga mata ng isda kung ito ba ay red. Kung sakaling red na ito, hindi na ito sariwa.
- Ihiwalay ang karne sa isda sa plastic bags.
- Ilagay at ihawalay ang mga prutas at gulay sa ibabaw ng shopping cart.
- ‘Wag bibili ng gulay o prutas kung may makikita kang hiwa, pasa o bulok dito.
- Bumili lamang ng mga pagkain ng pang isang linggo. ‘Wag damihan dahil maaari lamng itong masira.
- Tignan ang isang pagkain kung natanggal o sira na ang safety seals. Kung sakaling sira na ito, ‘wag na itong bilhin dahil pwedeng contaminated na ito.
Ayon sa karamihan, nakadepende pa rin kung saan ka mamimili base sa iyong kailangan. Kumbaga, choice mo na kung saan ba talaga. Ngunit, ang pinaka importante sa lahat ay dapat tandaan kung paano ang tamang paghahanda ng pagkain para sa pamilya.
Hindi na mahalaga kung sa palengke o supermarket mo ‘yan binili. Ang mahalaga rito ay kung paano mo ito hinanda bago kainin sa hapag.
Wastong paghahanda ng pagkain | Image from Pressfoto on Freepik
Wastong paghahanda ng pagkain
Sa paghahanda naman ng pagkain, kailangan panatilihin ang kalinisan rito. Katulad na lamang ng paglilinis ng kamay bago maghiwa o humawak sa lulutuing pagkain.
Mas maganda kasi na ikaw mismo na nanay ang gumawa ng pagkain na ipapakain sa iyong anak. Ito ay para maiwasan ang pagbili nila ng mga street foods sa labas na hindi tayo nakakasiguro kung malinis ba ito.
Ayon kay Engr. Roland Santiago ng Department of Health,
“Mothers should prepare food for their kids so they won’t have to buy from street food vendors. Food should maintain a temperature less than 5 degrees when served cold. When it should be served hot, dapat hot talaga,”
Bago maghanda ng pagkain, mahalagang tandaan ito:
- Panatilihin ang kalinisan. maghugas muna ng kamay na may sabon bago humawak sa mga lulutuing pagkain.
- Hugasang mabuti ang mga pagkain lalo na kung ito ay hilaw. Katulad na lamang ng karne ng baboy, manok o isda.
- Kung ilalagay sa ref, ihiwalay sa magkakaibang container ang isda sa karne.
- Siguraduhing luto na ang isang pagkain bago ihain sa iyong pamilya.
Source: Philstar
BASAHIN: 15 na pagkain na makakapag-paboost ng immune system
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!