Why moms are inspiring?
Dumating na ba sa punto ng buhay mo na bigla mo na lang titignan ang iyong nanay habang nagluluto o naglilinis ng inyong bahay? At masasabi mo na lamang sa sarili mo na ‘What did i do to deserve you like this mom? I’m very blessed to have you.’
Well, isa-isahin natin ang mga bagay kung bakit inspiring maging isang ina.
Why moms are inspiring? Here’s the list!
-
Isa siya sa mga taong bumuhay sa’yo
First of all, siya ang nanay mo at ang dahilan kung bakit ka nasa mundo. Sa loob ng 9 months, pinalaki at unti-unit ka niyang binigyan ng buhay. Wala siyang pakialam kung tumaba, lumaki ang tyan, maging haggard o mag-iba ang kulay ng kili-kili. Basta ang mahalaga, nasa tamang landas at kalagayan ang baby nadala niya, at ikaw ‘yon.
Hindi man natin naramdaman ang hirap ng kanyang sakripisyo sa panganganak at pagdadala sa atin sa kanyang sinapupunan, sapat na ang iparamdam natin sa kanya ang appreciation sa lahat ng kanyang sakripisyong kanyang ginagawa para sa atin araw-araw.
-
She sacrifices a lot just for you
Paggising ng maaga para ipagluto na ng baon at paghahatid sa’yo sa school, pagtitipid ng pera para mabili ang nais mong damit sa iyong kaarawan, pagpupuyat sa gabi masigurado lang na nakauwi ka ng maayos. Ito ang ilan sa mga sakripisyong hindi tayo aware na pinakakita ng ating mga nanay.
Kahit nakakapagod at mahirap, basta para sa’yo, gagawin ‘yan ni inay. Makita ka lang niyang nakangiti.
-
Hindi niya pinapakitang nasasaktan siya
Hindi araw-araw ay nasa good days ang iyong nanay. May times rin talaga na nagkakaroon siya ng down moments. Dala na rin ito ng halo-halong frustration at stress. Dahil nga nanay, likas sa kanila na maglihim sa kanilang mga nararamdaman. Ayaw kasi nila itong mapasa sa kanilang mga anak. Kinikimkim nila para hindi ka masaktan.
-
She’s always at your side
Kahit na may ginawa kang kasalanan, nariyan pa rin sila sa iyong tabi hindi para pagalitan ka. Ngunit para ipaalala sa’yo na everyone commits mistake. Aalalayan ka kapag ikaw ay nadapa. Hahawakan ang iyong mga kamay at sabay na maglalakad patungo sa nais na direkyon. Nariyan siya para sayo, lagi.
-
“Mama! Nawawala yung medyas ko!” “Sandali hahanapin ko.”
Naalala mo ba ang mga moments na hindi mo makita ang isang bagay na hinahanap mo? Yung tipong halos baliktarin mo na ang inyong bahay para makita lang ang bagay na ‘yon. Ngunit kapag si nanay ang naghanap, wala pang isang minuto ay nandyan na. Actually, isa pa rin itong misteryosong bagay sa’kin. Is it a magic?
-
She’s your fuel when the tank space out
Mababang score sa test, hindi nakapasa sa entrance exam at sangkatutak na rejections. Nakakalunod at nakakaubos ng positive hormones diba? Ngunit lahat ng ito ay mapapalitan ng isang presensya ng ina. Isang yakap at tap lang niya sa iyong likod, malilimutan mo na agad ang araw mong puno ng negative vibes.
-
She’s a Wonderwoman in disguise
Maaaring nag eexist talaga si wonderwoman. At ito ang iyong nanay!
Naalala mo ba noong hindi mo mabuksan ang iyong tubigan? Sino ang iyong tinawag upang tulungan kang buksan ito? Ang iyong nanay.
O kaya naman ay mabilis na proseso ng mga gawaing bahay! Nagagawa niyang pagsabayin ang pagluluto, paglilinis, paglalaba o kaya naman ang pagpaplantsa ng damit!
-
“Kumain kana ba? Nagluto ako ng favorite mo.”
Wala namang perpektong pamilya. Nagkakaroon rin minsan ng hindi pagkakaintindihan ang bawat nanay at anak. Ngunit alam mo ba na parating lumalambot agad ang puso ng mga nanay? At ang keyword para makipagbati sa’yo ay “Tara na dito. Kakain na.”
Syempre, walang humihindi sa pagkain. Lahat itinataas ang kanilang white flags para lang sa pagkain. Lalo na kung luto ito ni nanay!
-
Paghatid sa’yo sa school
Paano naman ang unang pag-iyak mo sa school sa first day ng class mo dati? Isa na yata ‘yon sa pinaka memorable happenings sa isang bata. Ang makita ang kanyang nanay na hindi papasukin sa classroom at mag-isa sa apat na sulok ng kwardradong silid.
Source: Inspiring Tips
BASAHIN: Hindi mo dapat kalimutan ang sarili mo kahit mommy ka na