Ano ang working mom guilt? At bakit nga ba ito nararamdaman ng isang ina?
Image from Freepik
Ano ang working mom guilt?
Ang mom guilt ay ang pagdududa, pagkabalisa at pag-aalala na tipikal na nararamdaman ng mga working moms. Ito ay nagsisimula kapag pakiramdam nila ay hindi na nila nagagampanan ang kanilang tungkulin o nagkukulang sila sa ibang paraan. Maraming bagay ang nagiging sanhi nito.
Noong magsimula akong bumalik sa trabaho pagkatapos magpahinga ng 3 buwan, hindi ko pa ring mapigilang makaramdam ng mom guilt. Guilt dahil kailangan kong iwanan ang aking baby araw-araw para pumasok sa trabaho. Andiyan din iyong pakiramdam na parang mas matagal pa akong nasa labas kaysa nasa bahay. Madalas ay nararamdaman ko rin ito kapag may mga gusto ako para sa aking sarili. Ngunit alam ko naman na bawat ina ay iba-iba, minsan ay nararamdaman ko na para bang nagagawa nila ito nang madali, habang ito ako.
Image from Freepik
Para sa mga hindi nakakaalam, ako ay single mom at dalawa ang aking anak. Para sa akin, challenging pero fulfilling ang pagiging ina. Totoo na walang makapaghahanda sa iyo sa trabahong ito at matututunan mo lang ito habang ito ay ginagawa mo na. Aaminin ko, noong dumating ang aking 2nd child matapos ang 10-year gap, nangangapa pa rin ako. Masaya naman ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon at kung nasaan ako. Pero madalas ay napapaisip ako kung nagiging mabuting ina ba ako sa aking mga anak.
Image from Freepik
How to deal with mom guilt
1. Be present wherever
Para mabawasan ang iyong iniisip, magkaroon lang ng presence of mind kahit nasaan ka pa. Mag-focus muna sa mga bagay na kailangan mong gawin at ‘wag nang isipin kung ano ang mga hindi pa naman nangyayari. Isa-isahin lang ang mga dapat mong gawin at iwasang i-overthink ang mga ito. Ngayon, kapag ako ay nasa bahay, sinisikap ko na i-off ang aking phone. Dahil gusto kong mas makasama ang aking mga anak at maging present para sa kanila.
2. Be deliberate with your schedule
Noong nagsimula akong magtrabaho, lagi kong naririnig ang mga katagang “work-life balance”. At naisip ko, paano nga ba ito nangyayari? Ang sagot, na ngayon ay alam ko na, magkaroon ng maayos na schedule. Matuto kang mag-balanse ng iyong oras at tasks. Malaking tulong ang journaling sa akin, at puwede mo ring subukan ito.
3. Be generous to yourself
Mahalaga ang self-care. Bilang mga nanay, lagi nating naririnig na dapat ay magsakripisyo tayo para sa ating mga anak. Pero nagbago na ang panahon. Ang mga nanay ngayon ay maaring provider na rin o breadwinner ng pamilya. At dahil sa bigat ng mga responsibilidad na ito, deserve naman natin na magpahinga. Kahit ‘yan pa ay ang mga simpleng bagay lang tulad ng pagpapa-manicure at pedicure, o di naman kaya ay pagtulog lang nang walang umiistorbo.
Noong sinusulat ko ito, naisip ko na gumamit ng mas matitinding salita tulad ng “pag-kontrol” o “pagtalo” sa mom guilt. Pero na-realize ko na kilala ko ang sarili ko. Hindi ko kayang alisin lang basta-basta ang mom guilt sa isip ko. Matagal-tagal na panahon ang aking tatahakin para maabot iyon. Maaring makaya ko itong makontrol balang araw. Pero sa ngayon ito lang ang mga paraan na aking ginagawa para maging kalmado sa sitwasyon. Pero syempre, nais ko pa ring sa dulo nito ay maging mas mabuting ina pa ako sa aking mga anak.
Translated with permission from The Wander Mom Blog
The Wander Mom Blog is by War (yes, that’s really her name), also known as The Wander Mom.
More about the author:
I am a full-time single mom of 2, and a sales & marketing employee for most of my waking hours. I enjoy long walks, repetitive music, a warm cup of coffee with my daily drag, and great conversations with non-strangers. I’m a neophyte blogger and creative, but I started writing when I was 8. All notes gone and destroyed, left as memories I could no longer get back, I have decided to reclaim my long lost love for writing and life. This is my continued attempt to write and create memories and make a positive impression on this world, one article at a time.
Join me in my crazy amazing journeys and evolutions and explorations into food and travel, culture and the arts, prose and poetry, and motherhood and adulting through my writing.
BASAHIN: Ang mga anak ng working moms ay lumalaking masaya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!