Kailan katanggap-tanggap ang wife sharing at iba pang dapat malaman tungkol dito

Narinig mo na ba ang konsepto ng wife sharing o pagbabahagi ng iyong asawa sexually? Alamin dito kung ano nga ba ito at kung normal lang ba ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang dental surgeon ang nagbahagi ng kaniyang kwento tungkol sa tinatawag na “wife sharing” o ang kagustuhan ng kaniyang asawa na ibahagi siya sa ibang lalaki sexually. Bakit nga ba nagkakaroon ng wife sharing sex, at ano ang epekto nito sa relasyon?

Wife sharing story

“My husband wants to share me sexually,” ito ang ibinahagi ng dental surgeon na si Melanie Chan (hindi niya tunay na pangalan).

Ayon sa kanya, 32 years old na siya at kasal sa kaniyang college sweetheart. 9 years na silang kasal sa isa’t isa at maayos naman umano ang kanilang pagsasama. Kaya lamang, may isang problema. Ito nga ay ang kagustuhan ng kaniyang mister na ibahagi siya sexually sa ibang lalaki.

Larawan mula sa iStock

Kwento ni Melanie, “I decided to have sex with our common college friend. It wasn't special at all, but my husband was turned on by it. I try to understand this, but I fail to.” "Weirdly enough, this didn't stop there. We even had a swapping episode with another couple. I thought this would be the end. But he asked to persuade another friend of ours just months after this. I reluctantly did.”

Dagdag pa ni Melanie, mayroon na silang dalawang anak ng kaniyang husband. At hindi aniya maunawaan kung bakit gusto ng asawa niya na ibahagi siya sa iba sexually. May pagkakataon umano na gusto na niyang iwan ang asawa kung wala lamang silang mga anak.

"If it wasn't for my kids, I would've left. I don't see how my husband's desire to share me sexually is 'normal.' I want him to stop. What should I do?"

Ano nga ba ang wife sharing sex?

Sa mga nagdaang panahon, naging usap-usapan sa social media ang terminong “wife sharing.” At syempre, naging kontrobersyal ang usapin na ito. Ano nga ba ang wife sharing?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

As the word implies, ang wife sharing sex ay tumutukoy sa pagbabahagi ng iyong asawa sa ibang tao para sa sexual pleasure. Pero tandaan na ito dapat ay may consent ng iyong asawa. Ibig sabihin, dalawa dapat kayong sang-ayon sa set-up ng wife sharing.

Bakit may mga lalaking gusto ang ganitong set-up?

Maraming dahilan kung bakit may mga lalaking mas ginaganahan sa kanilang sex life kung ibabahagi nila ang kanilang asawa sa iba. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto ng ibang lalaki ang wife sharing practice.

Para ma-fulfill ang desires

May mga lalaki kasing nanonood ng pornography para ma-satisfy ang kanilang voyeuristic desires. Karamihan sa mga ito ay sila ring tumuturing sa wife sharing practice na normal. Sa umpisa, ang desire ng lalaki ay makita lamang ang sarili sa salamin habang nakikipagtalik sa kaniyang asawa. Na maaaring humantong sa pagrerecord ng video o sex tape. Hanggang sa umabot na ito sa kagustuhang makita ang kanilang asawa na makipag-sex sa ibang lalaki.

Sa ganitong paraan kasi, tulad ng panonood ng porn, nakakukuha ng sexual pleasure ang lalaki habang pinanonood ang asawa katalik ang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Para mapatunayan ang kanilang pagkalalaki

Ayon sa author na si Christopher Ryan, mayroon umanong biological response sa lalaki ang panonood sa kaniyang asawa na katalik ang iba. Nakapagtri-trigger umano ito ng sexual drive ng ibang lalaki. Dahil dito, mas gagalingan umano ng lalaki sa sarili nilang sex life ng kaniyang asawa.

Mayroong bisexual desires si hubby

Posible rin umano na mayroong bisexual desires ang iyong asawa kung bakit gusto nito ng wife sharing. Hindi naman kasi natatapos sa panonood lamang sa iyong asawa na nakikipagtalik sa iba ang konsepto ng wife sharing. Pwede rin itong humantong sa kagustuhan ng iyong asawa na makipag-threesome sa iyo at sa ibang lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para ma-satisfy ang asawa

Mayroon din namang mga kaso kung saan ay nakararanas ng underlying health issue ang lalaki tulad ng impotence o iba pang health complications na nakaaapekto sa sex drive nito. Dahil dito, nagre-resort sila sa wife sharing para ma-satisfy ang sexual needs ng babae na hindi nila kayang ibigay rito.

Misogyny

Pwede ring ang dahilan ng lalaki ay misogyny. Ibig sabihin, maliit o mababa ang tingin sa iyo ng iyong asawa. At ang paraan niya para iparamdam sa iyo ang pangmamaliit niya ay ang pagpasok niyo sa wife sharing practice. Sa ganitong sitwasyon, mabuting i-check kung paano ka itrato ng iyong asawa.

Paano naman kung ang babae ang may gusto ng wife-sharing?

Oo, tama. Mayroon ding mga babae na sila mismo ang may gusto ng practice na ito. Ilan sa mga rason ay ang mga sumusunod:

Para patunayan ang kanilang independence

Na-eenjoy din ng ibang lalaki kapag ganito ka-assertive ang kanilang asawa. Mas tumataas ang sexual desire sa pagpapakita ng indepence at confidence ng babae. May mga couple pa nga na handang makipag-threesome pati na rin ang practice na wife-swapping.

Para sa sexual fulfillment ng babae

Minsan ay kinukumbinse ng babae ang kaniyang asawa sa wife sharing practice para ma-satisfy ang sariling sexual needs. Hindi naman nangangahulugan ito na nakukulangan siya sa kaniyang asawa. Sadyang may mga babae lang din na highly sexual beings at ang wife-sharing ang nagbibigay sa kanila ng sense of fulfilment at satisfaction.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Okay lang ba ang practice na ito?

Kung ethics ng wife sharing ang pag-uusapan, importanteng isaalang-alang ang perspective ng lahat ng parties na involved. Consent ang pinakaunang dapat na mangibabaw sa ganitong practice. Mayroon mang iba na sa palagay nila ay nakapagpapainit lalo ito ng kanilang sex life, mayroon din naman na hindi komportable sa ganitong sitwasyon. Kapag hindi sumang-ayon sa iyo ang iyong partner at itinuloy mo pa rin ito, maaari itong mangahulugan ng infidelity o pangangaliwa.

Alalahanin na mahalaga rin ang impact nito sa primary relationship at emotional well-being ng lahat ng involved. Ang bottomline, ang ethics ng wife-sharing ay nakadepende sa boundaries, communication at mutual respect ng mga taong involved sa practice na ito.

Tandaan na hindi okay ang wife-sharing kung pinilit lamang ang karelasyon na gawin ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan