LOOK: Wilma Doesnt at long-time partner niyang si Gerick Parin ikinasal na!

Wilma masayang matapos ang paghihintay niya sa loob ng 15 years, sa wakas sa ngayon ay naikasal na sila ng long-time partner na si Gerick.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang highlights ng ginanap na Gerick Parin and Wilma Doesnt Wedding kahapon sa Tagaytay. Wilma may nakakaaliw na wedding vow sa kaniyang mister.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Highlights of Gerick Parin and Wilma Doesnt wedding
  • Nakakaaliw na mensahe ni Wilma Doesnt sa ngayon ay mister ng si Gerick.

Highlights of Gerick Parin and Wilma Doesnt wedding

Image from Anna Rabtsun's Facebook account

Ikinasal na kahapon ang model at comedian na si Wilma Doesnt sa kaniyang long-time partner na si Gerick Parin. Ang kanilang kasal ginanap sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay.

Sa kaniyang Instagram ay nag-share si Wilma sa kaniyang naging preparasyon sa masayang araw na iyon ng kaniyang buhay. Ang caption ng kaniyang post ay “This is it!!!!” Dahil ayon kay Wilma napakatagal niyang hinintay na maikasal na sa wakas ay naisakatuparan na.

Sa kaniya namang IG story ay may larawan si Wilma na tila sumasayaw ng steps mula sa viral na Paru-Paro G dance. Ito naman ay may caption na “Ako masaya” na makikita naman sa mga ngiti at tawa ng kilalang model at komedyante.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga dumalo sa kasal ni Wilma at mister na si Gerick

Base naman sa larawan ng mga dumalo sa kasal ni Wilma Doesnt gaya ng malapit niyang kaibigan na si Myrza Sison ay present sa kasal niya ang fashion director na si Robby Carmona, hair stylist at make-up artist na si Jing Monis at ang fashion designer na si Randy Ortiz na nag-disensyo ng wedding gown ni Wilma.

Image from Myrza Sison's Instagram account

Present rin sa kasal niya ang aktres na si Angelu de Leon. Pati na ang model na si Phoemela Baranda na parehong kabilang sa kaniyang mga bridesmaid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Myrza Sison's Instagram account

Pero maliban sa kilalang mga personalidad na dumalo sa kasal ni Wilma at kaniyang mister na ngayong si Gerick, kumuha sa atensyon ng maraming netizen ang Facebook Live video ng kasal ng dalawa.

Ito ay napanood sa mismong FB page ni Wilma na kung saan natunghayan ang lahat ng kaganapan sa naging seremonya ng kaniyang kasal.

Wedding vows ni Wilma at mister sa isa’t isa

Sa naturang video ay makikita at maririnig kung paano nagpalitan ng wedding vows sina Wilma at Gerick na bagamat may pagka-comedy ay nakakainlove parin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Gerick nagpasalamat sa 15 years na nakasama niya si Wilma at sa pag-aantay sa araw na ito na maikasal sila. Sabi pa niya, wala man ang mga magulang nilang dalawa para masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib, sigurado raw siyang masaya ang mga ito dahil natupad na ang pangarap nila.

“Hindi man nila nasaksihan kung gaano ka kaganda ngayong araw na ito, sigurado ako na sila ay maligaya dahil natupad na ang isang pangarap, pangarap na matagal na nating pinangarap.

At sigurado ako, wala man silang tatlo, marami silang nagmamahal, silang lahat magmamahal sa atin at titingin sa atin.”

Ito ang sabi ni Gerick na tumutukoy sa mga dumalo sa kanilang kasal ni Wilma.

Pinangako niya rin sa lahat ng dumalo sa kasal nila ni Wilma na hindi niya ito iiwan at sasamahan sa oras man ng hirap o ginhawa.

“Sigurado din ako, at pinapangako sa harap nilang lahat, na sasamahan kita habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita sa hirap at ginhawa.

Tatapusin natin ang buhay na ibinigay sa atin nang masaya at may pagmamahalan. Kung may dumaan mang lungkot, sisiguraduhin ko rin na matatapos din natin ’yon. Mahal kita, I love you at walang iba.”

Ito ang pangako pa ni Gerick kay Wilma.

BASAHIN:

Ogie Alcasid: “I take pride in being husband to the kindest and most loving human one can ever meet”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Erich Gonzales, ikinasal na nga ba?

After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

Wilma sa mister na si Gerick: “Aminin mo minsan gusto kitang ilagay sa sako. Pero pipiliin ko pa ding makasama ka sa araw-araw.”

Si Wilma naman noong oras niya na para magsalita ng kaniyang wedding vow ay hindi napigilang magbiro.

Sa unang bahagi ng kaniyang vow ay pinasalamatan niya ang pagiging pasensyoso ng mister na si Gerick. Pati na ang pagiging maalalahanin nito at mapagmahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama't pag-amin ni Wilma may mga araw na nabubuwisit siya dito pero ito parin daw ang pipiliin niya magkaganoon pa man.

“Thank you dahil lagi ka lang kalmado. Dahil dyan, ikaw talaga ang tunay na paka-bongga. Kaya talaga ako ay laging sa’yo. Hindi man kita mahal araw-araw.

Aminin mo may mga araw na gusto kitang isauli sa tatay mo. Aminin mo minsan gusto kitang ilagay sa sako. Pero pipiliin ko pa ding makasama ka sa araw-araw. Ayiiii!!!”

Ito ang sabi ni Wilma na tinawanan naman ng mga dumalo sa kanilang naging kasal.

Pangako niya rin sa mister na hindi siya titigil sa pagpapasaya dito. Dahil ayon kay Wilma, ang mister at mga anak nila ang tanging tamang bagay na nagawa niya sa kaniyang buhay.

“I cannot promise you the heaven, the sun and the moon. But one thing for sure, my love is everlasting. Iba ang dating nito.

Isa lang ang sigurado na lagi kong maipapangako sayo. Lagi kitang pasasayahin sa lahat ng kagagahan ko, sa kasabawan ko sa buhay dahil iyon ang nagiging dahilan para ikaw ay mapasaya ko.”

“Sa dami nang maling nangyari sa buhay ko, ikaw at ang mga anak natin ang tanging tama.”

Naidaan rin ni Wilma sa biro ang 15 years niyang paghihintay na mag-propose ang mister na si Gerick at maikasal sila. Pati na ang naging pagloloko nito na ayon kay Wilma ay dapat niya ng ingatan sa ngayon.

Dahil dalawa sa ninong ng kanilang kasal ay si Cavite Governor Jonvic Remulla at Senator Bong Revilla Jr. Ito umano ang mga taong maaring pagsumbungan ni Wilma sa oras na hindi gumawa ng maganda ang mister niya. Sa huli ay naging seryoso si Wilma at sinabi kung gaano niya kamahal ang asawa.

“Fifteen years, Beb! Totoo ang kasabihang patience is a waiting. Mahal kita. Alam mo iyan. Sa dami ng pinagdadaan nating dalawa, auto pass na ang pambababae mo.

Lumingon ka doon sa likod mo isusumbong kita sa mga ninong ko at mukhang sila naman ang bahala sayo. Lagot ka.”

“I love you to the moon and back. Ikaw lang wala ng iba.”

Ito ang sabi pa ni Wilma.

Sa kasal ni Wilma at Gerick ay present din ang kanilang mga anak. Ang panganay niyang si Asiana ay tumayong kaniyang maid of honor at veil sponsor. Ang pangalawa niyang anak na si Svetlana ay candle sponsor. Habang ang bunso niyang anak na si Orion ay bible bearer.

Si Asiana at Svetlana ay anak ni Wilma sa mga nauna niyang naka-relasyon. Si Orion naman ay ang nag-iisang anak nila ni Gerick sa ngayon.