Binuweltahan ng OPM singer-song writer na si Ogie Alcasid ang isang netizen na nagsabing simula nang pakasalan niya si Regine Velasquez ay nawalan na siya ng sariling identity sa industriya.
Mababasa sa artikulong ito
- Ogie Alcasid proud husband sa ‘kindest and most loving’ na si Regine Velasquez
- Regine Velasquez mabuting kaibigan sa anak ni Ogie Alcasid
Ogie Alcasid proud husband sa ‘kindest and most loving’ na si Regine Velasquez
Isang netizen nga ang nagpakalat ng malisyosong komento sa relasyong Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Saad ng netizen, simula nang pinakasalan ni Ogie ang kaniyang asawa ay naging kawawa na siya.
Nalimitahan na lang umano sa pagiging “asawa ng Asia’s Song Bird” si Ogie Alcasid. Nawalan pa umano ito ng sariling pangalan sa showbiz industry.
Proud na buwelta ni Ogie sa kaniyang Twitter,
“Hey my bro, just want to let you know that I take pride of being husband to the kindest and most loving human one can ever meet. Peace.”
Larawan mula sa Instagram ni Ogie Alcasid
Nagkomento naman si Regine Velasquez sa tweet ng kaniyang asawa, “I love you morest, baba,” kasunod ay heart emoji na sinagot din ni Ogie Alcasid ng “I love you morestest.”
Kinaaliwan ng mga fan ang palitan ng komento ng mag-asawa. Anila ‘wag na lang pansinin ni Ogie ang mga negatibong sinasabi ng iba.
Nagkomento rin ang asawa naman ni Mega Star Sharon Cuneta na si Kiko Pangilinan sa naturang tweet ni Ogie Alcasid. Saad ni Kiko,
“When you love your wife with all your heart, comments like that one do not matter at all.”
Nagpasalamat naman si Ogie Alcasid sa komento ni Kiko.
Unang nagkakilala sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid noong baguhang singer pa lang ang huli noong late 80’s. Naging magkaibigan at kalaunan ay naging magkasintahan noong 2002. Ngayon nga halos 12 taong kasal na sina Ogie at Regine mula noong 2010.
BASAHIN:
Regine Velasquez sa pagiging third party: “If I could bring back the time, I love my husband but siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan.”
Karylle to Yael on their 8th wedding anniversary: “Love u clean or dirty! Only people who have to sort the laundry will understand!”
Chesca Kramer on secret to a long-lasting marriage: “There is no such thing as luck”
Regine Velasquez mabuting kaibigan sa anak ni Ogie Alcasid
‘Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon nang mga anak si Ogie Alcasid bago naging asawa si Regine Velasquez.
Nagsimula man umano sa hindi magandang pangyayari at naging mahirap ang sitwasyon nila noong una. Magkasundo naman ngayon sina Regine at ang anak ni Ogie Alcasid sa dating asawa na si Michelle Van Eimeren.
Matatandaang sa YouTube vlog ni Regine noong 2019 ay pinag-usapan nila ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila ang relasyon nila sa isa’t isa.
Sa nasabing vlog, ipinaliwanag ni Leila ang dahilan kung bakit ginusto nitong manatili sa Manila kasama ang stepmom na si Regine habang nasa Australia ang mommy nito at nakababatang kapatid.
Aniya, bukod sa career na gusto nitong tahakin ay ang step-brother na si Nate ang isa pa sa mga dahilan ng kaniyang desisyon. Gusto ni Leila na makasama ang bunsong kapatid kay Ogie Alcasid at maging malapit dito.
Larawan mula sa Instagram ni Ogie Alcasid
Masaya na rin ang kaniyang mommy kasama ang asawa nito sa Australia at ang kapatid niyang si Sarah. Maganda rin naman ang relasyon nina Regine at Michelle at pangako nga ng songbird na hindi niya ipagkakait sa mga anak nito kay Ogie ang panahon at pagmamahal ng ama.
“I promised her that kahit ano pa, kahit ano pang mangyari dito basta kailangan ka ng mga anak mo, you will go to them and that would be okay with me,” saad ng singer.
Ipinaliwanag din nina Regine sa mga anak na mayroon silang two sets ng mom and dad na palaging magtutulungan para sa ikabubuti ng mga ito.
Sa naturang vlog, inamin ni Leila Alcasid na may pagkakataon na sumama ang loob niya kina Regine at Ogie Alcasid na dahilan kung bakit noong una ay ayaw niyang mag-settle sa Manila. Ngunit dahil na rin sa effort at pagmamahal ni Regine ay naging maayos din ang kanilang relasyon.
Screenshot mula sa vlog ni Regine Velasquez
Paliwanag ni Regine, ang approach niya sa magandang relasyon nila ni Leila ngayon ay ang maging kaibigan nito.
“Actually, we had a conversation about this, na ayokong maging nanay niya kasi meron na siyang nana. Parang she didn’t really need me to be her mom kasi she already has her mom.”
Para naman kay Leila, napaka-special ng bond na mayroon sila ni Regine dahil palagi nitong ipinararamdam sa kaniya na mahalaga siya at importanteng pahalagahan niya rin ang kaniyang sarili.
“She said that to me, and I’d never had anyone say it to me. And then, because she was also crying, I was like, ‘Oh my gosh, she really cares about me!’ And it was a defining moment for me because I’ve never forgotten that…” saad ni Leila Alcasid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!