Isang nakakaantig na post sa Instagram account ang ibinahagi ng aktres na si Winwyn Marquez kasama ang anak na si Luna kasabay ng pagdiriwang ng aktres ng kaniyang birthday.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Winwyn Marquez nag-celebrate ng birthday kasama ang kaniyang anak
- Pregnancy journey ni Winwyn
Winwyn Marquez nag-celebrate ng birthday kasama ang kaniyang anak
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Marami ang natuwa nang magpost ang Reina Hispanoamericana 2017 at aktres na si Winwyn Marquez ng larawan niya habang niyayakap ang kaniyang baby girl na si Luna Teresita Rayn sa araw ng kanyang 30th birthday.
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat siya sa Panginoon dahil daw sa blessings na ibinigay nito na hindi niya inaasahan katulad na lang ng kanyang anak na kumumpleto ng kanilang pamilya.
“Things you are praying for will show up when you are most ready for them and happens in the most unexpected way. God’s timing is indeed everything.. HE gave me a love story better than I could ever dream of and an adorable baby girl to complete our little family.”
Labis din siyang nagpasalamat na dumating sa buhay nila si Luna, dagdag pa ni Winwyn Marquez siya raw ang pinakamagandang regalo na natanggap nila ng kanyang karelasyon,
“Thank you for coming into our lives Luna! having you and your dad in my life is the greatest gift of all.”
HIndi niya rin kinalimutang pasalamatan ang lahat ng nagpaabot ng bati sa kanya at sa anak niya,
“Thank you for the well wishes for my baby girl and sa lahat na nag greet ng happy birthday sa akin. Sending you all virtual hugs.”
Sa kanyang mga IG stories ay makikita naman ang bati ng kanyang mga malalapit na pamilya, kaibigan at maging ng network na kinabibilangan ang GMA Network.
Samantala, isang greeting ang nagkaroon ng goosebumps si Winwyn nang maalalang ‘Luna’ rin ang pangalan ng kaniyang adoptive daughter sa seryeng ‘Encantadia’. Gumanap bilang si Helgad si Winwyn sa naturang fantasy-serye.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
BASAHIN:
Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad”
Angeline Quinto kinailangang i-CS para maisilang si Slyvio: “Nakatagilid ang ulo ni baby.”
Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: “Hindi kami ready!”
Pregnancy journey ni Winwyn
Taong 2021 nang unang i-reveal ni Winwyn Marquez na magkakaroon na sila ng unica hija ng kanyang non-showbiz partner. Sa pamamagitan ng pagbavlog dito niya ikinwento at ibinahagi sa mga subscribers ang balita ng pagbubuntis,
“I am so happy. Me and my partner, we’re both so happy. My family, everyone. Super saya namin. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start.”
Dito niya rin niya sinabi na mas gusto muna nilang gawing pribado ang ilang mga bagay tungkol sa kanyang pagbubuntis.
“I may not share much information about my pregnancy yet as I still want to keep some things private for us and I hope you understand, I want you all to know that I am super happy for this blessing at this special time in my life.
I am still getting used to the changes in my body, but I am excited that in a few months, we will meet our little baby. Please pray for our little family and pray that everything will be safe.”
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Habang nagbubuntis din tinamaan ng virus na COVID-19 ang beauty queen na si Winwyn Marquez. Sa Instagram post niya noong buwan ng Enero sinabi niyang nasa home isolation siya na kaunan ay inamin niyang nagpositibo siya sa coronavirus.
“It’s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na.. lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabaliwala lang.”
Sa kabila ng mga pagsubok na ito na naranasan ni Winwyn Marquez habang nagbubuntis, healthy naman niyang isinilang ang anak. Binungad niya sa unang araw ng Mayo ang pagbabahagi ng larawan ng baby girl niyang si Luna Teresita Rayn.
Tila naging birthday gift na maituturing ang paglabas ng sanggol dahil ilang araw lang bago ang birthday ng aktres. Labis naman ang tuwa ng ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Winwyn.
MJ Lastimosa: “Omg so precious congratulations mommy wyn.”
Rochelle Pangilinan: “Congratulations, Wyn!”
Ruby Rodriguez: “Congratulations”
Rodjun Cruz: “Congratulations sa inyo WYN! Hello baby girl!”
Carla Abellana: “Congratulations!!!”
Jackie Lou Blanco: “Aww!!! Congratulations!!!!!!”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!