Nanorpresa sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang vlog matapos ibahagi na mistulang nanganak na ang aktres noong Abril. Maraming fans ang bumati agad sa mag-asawa.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Jennylyn Mercado nanganak na
- Jennylyn Mercado on her pregnancy journey: “Baka talagang mahirapan ako”
- Paano magiging healthy ang pregnancy?
Larawan mula sa YouTube video ni Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado nanganak na
Nanggulat sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo matapos nilang ibahagi ang biglaang panganganak ng aktres.
Sa Episode 13 ng vlog ni Jennylyn Mercado, una niyang pinasilip ang magiging nursery room ng kaniyang unang baby kay Dennis Trillo.
Ngunit sa dulo ng vlog ay may pahiwatig ang celebrity couple na isinilang na ni Jennylyn ang kanilang baby.
April 25 nang matungo sa ospital sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ayon sa aktres ay magpapa-check up lang sana siya ngunit sasalubungin na pala niya ang kaniyang baby sa araw na iyon.
“Check up lang dapat kami ngayon eh, bigla na lang kaming… hindi kami ready!”
Ayon kay Dennis, kinabahan siya habang naghihintay sa nanganak na misis na si Jennylyn Mercado. Pinakita rin nila ang isang tagpo kung saan ilang nurses at doktor ang nakatutok kay Jennylyn habang nasa hospital room.
Sa nakalipas na vlog ni Jennylyn, hinayag nila ng kaniyang mister na si Dennis Trillo na girl ang gender ng kanilang anak.
Jennylyn Mercado on her pregnancy journey: “Baka talagang mahirapan ako”
Sinalubong ng aktres na si Jennylyn Mercado ang taong 2022 sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang mirror selfie na kita ang kanyang growing baby bump.
Bago matapos ang taong 2021, inilabas din ni Jennylyn Mercado ang vlog nito sa kanyang YouTube channel tungkol sa kanilang kagustuhang magkaroon ng anak ng asawang si Dennis Trillo.
Ayon kay Jennylyn, plano raw ni Dennis na magkaroon ng baby girl dahil lalaki na ang panganay nitong si Alex Jazz Mercado na ngayon ay teenager na.
Binanggit niya rin na hindi siya sigurado kung kakayanin niya pa dahil sa hirap siyang mag-produce ng egg cells at sa kalagayan ng kaniyang puso.
“Naisip ko na baka talagang mahirapan ako.”
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Sa vlog, sinorpresa ng mag-asawa ang pamilya sa pamamagitan ng pag-abot ng brown envelope na laman ang ultrasound ng 6 weeks old na tiyan ni Jennylyn Mercado. Tuwang-tuwa naman pamilya sa balitang ito.
Inalala ni Jennylyn ang panahon kung kailan nila nalamang siya ay buntis. Ito ay sa kasagsagan ng series na Love, Die, Repeat.
Tila raw nag-iiba ang ugali niya noong mga panahong iyon, naalala niyang sensitive siya sa nakapaligid sa kanya. Kahit maliit na bagay ay ikinagagalit niya. Naiiyak din daw siya kahit wala namang dahilan.
Dito na-realize ni Jennylyn na pamilyar sa kaniya ang ganitong karanasan. Kinabahan daw siya ng mga panahong ito kaya ang una niyang ginawa ay kunin ang kanyang mga tarot cards.
Ang tatlong nakuha niya raw ay ‘major cards’ na nangangahulugang may magandang mangyayari.
Kinabukasan, nagpabili na raw si Jen ng pregnancy test kit kay Dennis. Buong akala raw ng kanyang mister ay nagbibiro lang ang aktres. Si Dennis din daw ang unang binalitaan ni Jennylyn tungkol sa balitang siya ay nagdadalang-tao na.
Sinubukan niya raw itago ito sa mga tao sa paligid niya. Nahirapan daw siya dahil maraming kailangang gampanan ang role niya sa series na ito. Ayon din kay Jen, nagsimula na raw niyang maramdaman ang morning sickness at pagsusuka noong panahong iyon.
Sinabi na rin niya ito sa mga taong kasama sa set at hindi raw siya pinabayaan ng mga ito. Dumating ang panahong nag-bleed daw ang aktres dahil sa maraming mabibigat na eksena at iba pang gawain sa kanilang taping.
Labis na nag-alala ang mag-asawa at ang production kaya nagpasya silang pauwiin na lang siya.
Matatandaang unang pinlano ng mag-asawa na magpa-surrogate noong taong 2018 ngunit hindi natuloy. Ang surrogacy ay ang proseso ng pagdadalang-tao ng isang surrogate mother.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
BASAHIN:
Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: “Love at first sight.”
Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”
LOOK: Winwyn Marquez isinilang na ang kaniyang baby girl!
Paano magiging healthy ang pregnancy?
Maselan ang pagbubuntis. Kinakailangan ng extrang pag-iingat at pag-aalaga sa katawan para maging healthy si baby at the same time pati na rin si mommy. Here are some tips para mapanatiling healthy ang iyong pagbubuntis:
- Uminom ng mga vitamins na para sa buntis
- Regular na mag-ehersisyo araw-araw
- Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat
- Kumain ng healthy foods gaya ng gulay at prutas
- Umiwas sa kahit ano mang bisyo
- Limitahan ang caffeine in-take
- Bigyan ng tamang calories ang katawan
- Tanggalin ang lahat ng toxins sa iyong katawan
- Baguhin ang ilang nakasanayang gawaing bahay
- Iwasan ang pagpupuyat at tiyaking may sapat na tulog
- Alamin ang mga pagkaing hindi dapat kainin
- Stay hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig
- Mag-research at i-educate ang sarili tungkol sa mga kailangan malaman sa pagbubuntis
- Regular na i-monitor ang iyong timbang kung ito ay normal pa ba
- Kumain ng balanced meals araw-araw
- Iwasan ang mga bagay na nagbibigay stress at porblema sa iyo
- I-maintain pa rin ang healthy diet
- Huwag kalimutan ang mga pre-natal check-up
- Alamin kung kailan dapat kontakin ang doktor tungkol sa iyong kalagayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!