Winwyn Marquez at kaniyang boyfriend pinabinyagan na ang anak nilang si Luna, ipinakita na rin ang mukha ng kaniyang non-showbiz partner.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Winwyn Marquez na-reveal na ang mukha ng boyfriend niya.
- Relasyon ni Winwyn at kaniyang boyfriend.
- Pagbabago sa buhay ni Winwyn Marquez ng siya ay maging isang ina na.
Winwyn Marquez ini-reveal na ang mukha ng boyfriend niya
Nitong weekend ay kumalat ang larawan ng binyag ng anak ni Winwyn Marquez na si Luna. Ang naging event ay ibinahagi ng aktor na si Rodjun Cruz sa kaniyang Instagram account. Si Rodjun ay ang napiling maging isa sa mga ninong ng anak ni Winwyn.
“Welcome to the Christian world my inaanak baby Luna! God bless you always .”
Ito ang caption ng post ni Rodjun tungkol sa binyag ni Luna. Sa post niyang ito ay makikita ang ilang larawan na kasama niya si Winwyn at karga nito ang kaniyang baby girl. Pero maliban sa cute photos ni Luna may isang larawan na ibinahagi si Rodjun na agaw pansin ng marami. Ito ay ang family photo nila Winwyn, kaniyang boyfriend at ang anak nilang si Luna.
View this post on Instagram
Sa kaniyang IG stories ay nag-share rin si Winwyn Marquez ng mga larawan. Isa na nga rito ay ang mula sa IG story ni Ben Chan na ninong rin ng kaniyang anak. Sa naturang larawan ay makikitang muli na katabi ni Winwyn ang parehong lalaki mula sa IG post ni Rodjun. Ito ay karga-karga ang anak nilang si Luna.
Ang mayor ng Muntinlupa na si Ruffy Biazon ngayon ay ninong rin sa binyag ng anak ni Winwyn. Nagbahagi rin siya ng ilang larawan kung saan makikita ang mukha ng boyfriend ni Winwyn ng mas malinaw.
Ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ni Winwyn ang itsura ng kaniyang boyfriend at ama ni Luna.
Relasyon ni Winwyn at kaniyang boyfriend
Matatandaang noong i-anunsyo ni Winwyn ang kaniyang pagbubuntis ay pinili niyang itago ang mukha ng kaniyang partner. Kahit noong nag-gender reveal party sila ay naka-blur parin ang mukha nito.
Sa description ng YouTube vlog ng gender reveal party ng ipinagbubuntis ni Winwyn ay nagbigay siya ng hint kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.
Ayon sa aktres, ito ay isang tao na nakasama niya na pagkabata at kilala niya sa loob ng maraming taon. Sa nasabing video description ay pinasalamatan rin ni Winwyn ang mga blessings na natanggap niya nitong taong 2021. At kung gaano siya ka-excited na maisilang na ang anak noon..
“2021 gave me the best things despite our situation now. God gave me a partner who gives me infinite love and support and I cannot stress enough how thankful I am for him.”
“We have a love story only a few can relate to and after 24 years of knowing each other, growing up together, achieving goals on our own – we finally meet in the middle (it’s like destiny brought us together at the perfect time) now we’re finally starting our little family. We just can’t wait to meet our daughter next year!”
Ito ang nasabi ni Winwyn tungkol sa ama ng ipinagbubuntis niya at sa magiging anak nila.
Samantala, nitong nagdaang Father’s Day ay hindi na pinalampas ni Winwyn na batiin ang ama ng kaniyang anak. Sa kaniyang Instagram ay nagbigay siya ng mensahe para dito. Bagamat ang mukha nito nakatago parin at sinadya niyang hindi ipakita.
“I admire you more than you realize and one day just isn’t enough to tell you how much you mean to us. Thank you for everything that you do for our family.. Luna is very very lucky to have you as her dad. We love you! Happy 1st Father’s day My Love.”
Ito ang mensahe ni Winwyn para sa ama ng kaniyang anak na si Luna.
Pagbabago sa buhay ni Winwyn Marquez ng siya ay maging isang ina na
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Makikita naman na enjoy na enjoy si Winwyn sa bagong role na ginagampanan niya ngayon. Bagamat unti-unti na siyang bumabalik sa buhay artista ay very hands-on pa rin si Winwyn sa pag-aalaga ng anak niya. Sa isa niya ngang IG post ay nagbahagi ng cute na picture ni baby Luna si Winwyn. Ibinahagi rin ng aktres ang ilan sa naging pagbabago sa buhay ng maging isang ganap ng ina.
“Paano mo naman maiiwan yung ganyan?! haay.. at ganun pala talaga noh? Wala na ako photos of myself sa phone ko puro na si Luna at si Luna kasama dada niya.. taga picture nalang talaga ata pag ikaw ang mama.”
Ito ang realization ng first time mom na si Winwyn Marquez.
Pagdating sa pag-aalaga sa kaniyang anak ay breastmilk ang napiling ibigay ni Winwyn kay baby Luna. Pero ang beauty queen may mensahe sa mga mommies lalong-lalo na sa mga first time moms na gaya niya.
“Breast Milk is still the best milk you can give your little one but there are many factors involved to its possibility and supply. So whether you give breast milk, formula, or combination – know that as long as you’re trying your best to be a good mother.. you’re already doing a great job. Don’t be too hard on yourself mama,” sabi pa ni Winwyn.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!