Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: "Pag 'di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?"

Binahagi ni Winwyn Marquez ang dahilan kung bakit pinili niyang hindi muna ipakilala sa publiko ang kaniyang partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pumalag si Winwyn Marquez sa mga haka-hakang sinasabi ng ibang netizen na tinatago niya raw ang kanyang boyfriend dahil baka may iba itong anak o partner.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Tugon ni Winwyn sa mga kumukuwestiyon sa kanyang boyfriend
  • Reason kung bakit naka-blur ang mukha ng partner ni Winwyn Marquez
  • Winwyn Marquez pregnancy update

Tugon ni Winwyn sa mga kumukuwestiyon sa kanyang boyfriend

Sinagot ni Winwyn Marquez ang isang netizen na sinabing tinatago raw ng aktres ang kanyang boyfriend.

Sa isang Instagram post ni Winwyn noong nagdaang linggo, makikita ang pasilip sa kanyang maternity photoshoot kasama ang kanyang nobyo.

Nakahawak ang kanyang boyfriend sa baby bump niya. Ngunit hindi kita ng buo ang mukha ng partner ni Winwyn dahil na-crop na ito.

Hirit tuloy ng isang netizen, tila ginawa umanong 'maligno' ni Winwyn ang kanyang boyfriend dahil sa naturang picture. Patuloy pa ang patama ng netizen matapos nitong sabihin na sana ay wala raw ibang pamilya ang nagpapatibok ng puso ng aktres.

"Wyn ginawa mo naman maligno si partner, yung basta nasulpot sa mga pix. Sana 'di siya pamilyado na kaya palagi nagtatago/tinatago."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

'Yan ang sinabi ng netizen tungkol sa boyfriend ni Winwyn.

Samantala, kaagad na pumalag si Winwyn sa mga naging paratang ng naturang netizen. Aniya, hindi porke't hindi nakikita ang kanyang boyfriend ay ibig sabihin na nagtatago ito.

Wala ring makitang problema si Winwyn kung pasulpot-sulpot lang ang kanyang nobyo sa kanyang mga post.

"Pag nasulpot lang sa pics problema ba yun? Pag di naman nakikita pamilyado agad o kaya nagtatago agad??"

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa pang social media user ang nagkomento kung saan kinuwestiyon din nito kung bakit ayaw ipakita ni Winwyn ang kanyang partner.

Sinalag din ito ni Winwyn kung saan nagbigay siya ng YouTube link para mapanood ang dahilan kung bakit pinipiling maging private ng kanyang boyfriend.

"Uhm siguro kasi feed ko to. Dali nood ka muna dito para di ka lowkey nag-aassume."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gumawa ng YouTube vlog ni Winwyn na pinamagatang 'Gender Reveal Video: Our REACTION to your comments!'. Sa nasabing video ay naka-blur ang mukha ng boyfriend ni Winwyn.

Ayon sa dating beauty queen, ang nobyo niya ang nag-request na gawin ang video dahil sa mga nababasa nilang mga weird at funny comments.

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Reason kung bakit naka-blur ang mukha ng partner ni Winwyn Marquez

Isa sa sinagot ni Winwyn ay kung hindi daw ba siya proud sa kanyang boyfriend kaya hindi pinapakita ang mukha nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Proud na proud kaya ako! Hindi siya pangit, FYI (for your information). Gusto lang talaga naming naka-blur for some type of privacy."

Paglilinaw naman ng boyfriend ni Winwyn, hindi basis ng pagiging proud ang pag-blur sa kanyang mukha sa mga vlog at social media.

Aniya, kung lumalabas naman sila together ay hindi naman nakatakip ang kanyang mukha.

"Pag lumalabas kami, normal na tao lang. Ngayon, obviously, naka-mask. Pero even let's say walang pandemic, lumabas kami, I doubt naman na magma-mask kami or shades or naka-cap."

Lahad naman ni Winwyn Marquez, personal choice din niya na hindi ipakita ang mukha ng kanyang boyfriend sa kanyang mga vlog. Hindi rin niya tinatago ang kanyang partner kapag sila ay nasa public.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa detalyeng sinabi ni Winwyn tungkol sa kanyang partner ay mas matanda ito sa kanya. Ayon sa boyfriend ng aktres, dalawang taon ang tanda niya dito.

Pinabulaanan din ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno ang pahayag ng isang netizen na kaya raw binu-blur ang mukha ng kanyang nobyo ay hindi pa raw kasi ito sure sa karelasyon.

"Everyday I wake up. ang iniisip ko na sigurado ako sa kanya. Again, it is a constant choice."

Dumepensa din ang boyfriend ni Winwyn sa mga nag-iisip na baka may sabit o may anak sa iba kaya hindi nagpapakita.

"Just for the sake of clarifying, wala akong ibang anak. Wala rin akong ibang anak or partner."

Nagpapasalamat din ang partner ni Winwyn sa mga fans at followers ng nanay ng kanyang magiging anak. Ito ay dahil karamihan sa mga ito ay maayos mag-respond at hindi personal kung umatake.

BASAHIN:

LOOK: Winwyn Marquez very sexy sa kaniyang maternity photoshoot

Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Winwyn Marquez pregnancy update

Noong December 2021 binahagi ni Winwyn na siya ay nagdadalang-tao na. Pinakita niya rin ang naging reaksyon ng kanyang pamilya kung saan naging emosyonal ang mga ito.

Sa latest Instagram post ng aktres, ibinida niya ang kanyang baby bump habang sumasayaw. Malapit nang manganak si Winwyn at excited na ang kanyang mga fans at kasamahan sa showbiz industry.

"Totoo nga.. the 9th month of pregnancy has about 1,000 days. (konting kembot = higa the whole day haha)"

Nakahanda na rin ang crib ng baby ni Winwyn para sa pagsilang nito.