Winwyn Marquez ikakasal na sa kaniyang childhood sweetheart!

Magiging husband na ni Winwyn Marquez ang kaniyang childhood sweetheart. Alamin sa article na ito ang buong istorya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ng aktor na si Joey Marquez ang exciting news tungkol sa kaniyang anak. Engaged na si Winwyn Marquez at magiging husband na ang kaniyang childhood sweetheart.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Childhood sweetheart ni Winwyn Marquez nag-propose na
  • Winwyn sa pagiging first time mom: It’s not easy but it's fulfilling

Childhood sweetheart ni Winwyn Marquez nag-propose na

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Isinalaysay ni Joey Marquez sa naganap na media conference ng teleseryeng “Bolera” na nag-propose na ang childhood sweetheart ni Winwyn Marquez. Inaasahan naman niya na raw ito dahil matagal nang nagmamahalan ang dalawa.

"Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman 'yon dahil childhood sweetheart niya."

Sa naturang press conference, natanong din si Joey kung ano ang maipapayo nito sa magiging husband ni Winwyn Marquez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ng comedy actor, ang masasabi niya lang daw sa husband-to-be ni Winwyn Marquez ay ang bawat desisyon ng mga ito ay dapat sa dalawa mismo manggaling. Hindi aniya madaling pumasok sa pag-aasawa kaya mahalagang pag-usapan palagi ang mga dapat gawin.

Iginiit nito na maayos na komunikasyon ang kailangan at pantay na desisyon ng mag-asawa. Aminado rin ang aktor na wala raw siyang moral ascendancy sa usapin ng pagiging asawa.

"Puwede kong maipayo 'yung pagiging ama sa mga anak. Sa pagiging asawa, wala akong moral ascendancy, eh… Sa akin na lang, 'Lahat ng gagawin ninyo, kailangang pag-usapan. Dapat pantay kayo ng desisyon.”

Ayon pa kay Joey, ikakasal ang anak na si Winwyn Marquez sa childhood sweetheart nito ngayong taong 2022. Subalit hindi pa aniya tiyak kung kailan ang final date ng magaganap na kasalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Nito lang May 1, 2022 ay isinilang ni Winwyn Marquez ang first baby nila ng kaniyang non-showbiz husband-to-be. Ipinost ng aktres sa Instagram ang larawan ng anak. Pinangalanan nila itong Luna Teresita Rayn.

Matatandaang ibinunyag ng actress-beauty queen na siya ay buntis sa press conference ng kaniyang Metro Manila Film Festival movie noong December 2021.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Winwyn Marquez ilang araw umiyak matapos manganak: “I find myself fold under the pressure.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

LOOK: Zeus Collins engaged na sa kaniyang girlfriend na si Pauline Redondo!

Winwyn sa pagiging first time mom: It’s not easy but it's fulfilling

Gumawa ng YouTube vlog si Winwyn Marquez tungkol sa pregnancy journey niya sa anak na si Luna. Ibinahagi ng aktres ang teaser ng vlog sa kaniyang Instagram.

Aniya sa caption, “Being a first-time mom is not easy. Our little family is still adjusting but even with all the worries and fears, I know I am not alone.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nariyan daw ang pamilya, mga kaibigan, at husband-to-be ni Winwyn Marquez para sumuporta sa kaniya.

“I am always reminded to cherish every moment, day by day with our greatest blessing, Luna."

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Ibinahagi nga ni Winwyn Marquez ang mga nararanasan bilang first time mom. Madalas aniyang wala siyang tulog dahil sa pagbabantay ng anak. Ikinuwento rin nito ang karanasan bago lumabas ang anak na si Luna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging magastos daw sila sa RT-PCR test dahil ilang beses nag false-labor si Winwyn. Tuwing babalik sa ospital ay kailangang magsagawa ulit ng nasabing COVID-19 test.

In-advice daw ng doktor na maglakad-lakad siya sa mall para makatulong sa mabilis na pagle-labor. Nang manganganak na raw si Winwyn, habang nasa delivery room ay nakaramdam siya ng takot. Kaya naman maya’t maya niya hinahanap ang kaniyang partner.

Masakit man daw ang panganganak ay naging smooth naman ang kaniyang delivery dahil sa tulong ng mga doktor. Nahirapan man sa pag-push sa bata, ay naging successful pa rin ang normal delivery. Nang makasama na raw ni Winwyn ang kaniyang anak, ibang klase aniya ang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

“But all the pain, noong nakita ko si Luna and I heard her cry, iba talaga ‘yong feeling. When I looked at her, nong sumilip ako, parang biglang nawala ‘yong sakit.”

Lahat daw ng naramdaman niyang sakit ay nawala at napangiti na lang siya habang tinitingnan ang anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Iba rin daw ang sayang naramdaman ni Winwyn Marquez nang makitang karga-karga ng kaniyang husband-to-be ang anak nila.

Nang medyo makabawi na raw ng lakas si Winwyn at makita muli ang anak na nakaayos na, tila magical daw ang naramdaman ng first time mom.

Hindi naman daw pinabayaan at iniwan ng kaniyang partner si Winwyn mula simula hanggang matapos ang panganganak. Ito na rin daw ang nagproseso ng mga mahahalagang dokumento ng anak.

Nagpasalamat din si Winwyn sa mga kapatid nila ng kaniyang partner, maging sa mga doktor na sumuporta sa kaniya. Malaki raw ang naitulong ng mga ito para mabawasan ang nararamdamang anxiety habang siya ay nanganganak.

Sobrang mahirap man daw ang pinagdaraanan ni Winwyn sa postpartum stage ng motherhood ay nakadarama pa rin siya ng sense of fulfillment.

Sinabi ng aktres sa kaniyang fans na ibabahagi niya rin ang mga karanasan sa postpartum sa mga ito kapag siya ay handa na. Tinapos ni Winwyn ang kaniyang vlog sa pag-iiwan ng mensahe sa mga mommy na nasa postpartum stage din ng motherhood.

“It’s not easy but please do remember, you are not alone. It’s okay to cry and breakdown sometimes.”

Ipinaalala rin nito na walang masama kung hihingi ng tulong sa mga kaibigan at pamilya tuwing hindi na kaya ang nararamdaman nang mag-isa.

Sinulat ni

Jobelle Macayan