First time mom at aktres na si Winwyn Marquez ibinahagi ang kaniyang postpartum experience 2 weeks matapos siyang manganak. Winwyn, may mensahe rin sa mga bagong ina na tulad niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Buhay ni Winwyn Marquez bilang first time mom at kaniyang postpartum experience
- Words of encouragement ni Winwyn para sa mga first time moms na tulad niya
Winwyn Marquez as first time mom and her postpartum experience
Nitong Mayo 1 ay isinilang ng former beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez ang kaniyang baby girl. Ito ay pinakilala niya sa publiko gamit ang kaniyang Instagram account bilang si Luna Teresita Rayn.
Sa pagdaan ng mga araw bilang isang first time mom ay ibinabahagi ni Winwyn ang kaniyang journey.
Nitong nakaraang linggo, 1 week after makapanganak ay ibinahagi ni Winwyn na nakakaramdam siya ng bahagyang pananakit sa kaniyang sutures o tahi dulot ng panganganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery.
Ayon naman umano sa doktor ni Winwyn ay normal lang ito at wala siyang dapat ikabahala. Masaya niya ring ibinalita na healthy baby ang anak niyang si Luna.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Tulad ng maraming first time moms ay ibinahagi ni Winwyn ang mga struggles niya sa pagbabago sa kaniyang katawan at routine ng kaniyang buhay. Kulang sa tulog, masakit na nipples ay ilan lang umano sa nararanasan ngayon ni Winwyn.
Pero laking pasalamat niya na nandyan ang partner niya at ama ng kaniyang anak para tulungan siya sa bago niyang role sa buhay bilang isang ina.
“I’m tired, no proper sleep, boobs are sore from breastfeeding. My body hurts, ‘yong sugat masakit, deadma sa itsura and adjusting uli sa madaming bagong bagay. But Thank God for Luna’s daddy kasi he has been taking care of me while I take care of our baby.”
Ito ang pahayag ng first time mom na si Winwyn tungkol sa kaniyang 1 week postpartum experience.
Ayon pa kay Winwyn, laking pasalamat niya sa kaniyang partner na ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang matulungan siya.
“He makes sure maka-nap ako kahit konti. And siya gagawa ng need gawin from palit diapers, hugas ng mga pang pump and ibang bottles lalo na pag madaling araw, fixing our food, etc. Mini-make sure niya we have what we need. Lalo na sobrang nag aadjust ako sa lahat and nahihirapan ng konti.”
Kahapon. binihagi ni Winwyn ang postpartum blues na kaniyang nararanasan.
Ayon kay Winwyn, tulad ng maraming new moms nape-pressure rin siya sa bago niyang role sa ngayon. Sa katunayan ay ilang araw rin siyang umiiyak sa hirap at pagod sa pagiging ina sa isang new born.
Gustuhin niya man daw na maging super mom sa anak niyang si Luna sa ngayon ay hindi niya pa kaya. Pero may isang bagay umano siyang natutunan sa journey niyang ito.
“There are times that I find myself fold under the pressure of it all and cry for days. Pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask for help.
Because even if I think I can do everything alone and be a super mom (like i imagined while being pregnant) with my new born- I can’t yet.”
View this post on Instagram
BASAHIN:
Winwyn Marquez ipinagdiwang ang birthday kasama ang anak: “Having you is the greatest gift of all.”
Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?”
Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”
Words of encouragement ni Winwyn para sa mga first time moms na tulad niya
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Dagdag pa ni Winwyn, para sa mga first time at new moms na tulad niya malaking bagay ang may nakakausap ka at nagpapakita sayo ng suporta.
Sa kaso niya ito ay ang kaniyang partner at ama ng kaniyang anak na nakaagapay sa kaniya sa pag-aalaga sa kanilang baby. Kahit nga daw pagod silang dalawa, makita lang nila na maayos at healthy si Baby Luna ay very happy na sila.
“Laking tulong na may kausap na kaibigan and family. Laking tulong na supportive ang partner. A simple hug and paalala na nandiyan siya malaking bagay na. Sabi nga nila it will be a little easier as days go by.”
May mensahe at words of encouragement rin na ibinahagi si Winwyn para sa mga new moms na tulad niya. Paalala niya, oo nga’t hindi madali ang pagiging isang ina pero ito naman ay iyong makakaya at higit sa lahat maraming tulad mo at hindi ka nag-iisa.
“I know a lot of new moms, na-experience din to sa unang stage and gusto ko kayo i-hug!! Hindi madali, madaming questions and fears pero please remember you are not alone. We can do this mama, para kay baby kakayanin!”
Ito ang sabi pa ni Winwyn Marquez sa mga new moms na tulad niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!