Kung tutuusin, isang tunay na milagro ang panganganak. Ngunit kapag nalaman niyo ang kwento ng inang nanganak habang nasa coma, talagang masasabi itong tunay na milagro!
Isang ina mula sa Hanoi, Vietnam ang nanganak habang nasa coma. Nangyari ito dahil noong 5 buwan pa lang ang kaniyang pagbubuntis, siya ay naaksidente sa sasakyan. Dahil dito siya ay naging comatose.
Inalagaan ding mabuti ng mga doktor ang ina, hanggang umabot na siya sa 38 na linggo ng pagbubuntis. Ang mas nakakabilib pa rito ay matapos ang C-section, mukhang bumubuti na ang kalagayan ng ina.
Ina nanganak habang nasa coma
Source: Pexels
Ayon sa mga ulat, naging kritikal ang kondisyon ng babae matapos siyang masama sa aksidente.
Sa kabutihang palad, walang masamang nangyari sa bata. Ngunit nag-aagaw buhay ang ina dahil nagkaroon siya ng brain damage matapos ang aksidente.
Dahil dito, napilitang operahan ng mga doktor ang babae upang masagip ang kaniyang buhay. Naisagawa naman nila ito ng maayos, at ligtas rin ang kaniyang sanggol.
Tinutukan ng mga doktor at nars ang kalagayan ng sanggol. At sa ika-38 na linggo ng pagbubuntis, nagsagawa sila ng C-section at ipinanganak na ang baby.
Nakakagulat na walang naging problema ang sanggol. Ito ay matapos siyang masama sa isang aksidente, operahan ang kaniyang ina, at lumaki sa sinapupunan habang comatose ang nanay niya.
Ayon sa mga doktor, 3.2 kg ang naging timbang ng bata pagkapanganak. Ito kaya ang milagro ng pagmamahal at pag-aalaga ng isang ina? Umaasa kaming gigising na ang kaniyang ina upang masilayan na niya ang kaniyang napakagandang anak.
Hindi ito ang unang beses na may nanganak habang nasa coma
Bihira mangyari ang ganitong insidente, at mas bihira ang mga inang nanganak habang sila ay nasa coma.
Ayon kay Dr Timothy Lee, isang nuerosurgeon, kapag ang isang buntis na nasa coma ay nasa mabuting kalusugan, walang masamang mangyayari sa kaniyang anak. Kaya’t mahalagang alagaan mabuti ang mga inang nasa coma upang manatiling malusog ang baby.
Paano ito nangyayari?
Kinausap din namin si Dr Peter Chew, na isang obstetrician at gynecologist sa Singapore, para sa kaniyang opinyon. Heto ang kaniyang pahayag:
- Kahit comatose ang pasyente, posibleng magtuloy-tuloy ang daloy ng dugo papunta sa sanggol.
- Ang mahalaga ay magkaroon ng normal na blood pressure, at magtutuloy-tuloy pa rin ang daloy ng dugo sa placenta.
- Ibig sabihin nito, lalaki pa rin ang sanggol kahit comatose ang nanay, at puwede itong ipanganak.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!