Dani Barretto at Xavi Panlilio nag-celebrate ng kanilang 3rd wedding anniversary. Binahagi ni Dani sa Instagram ang kanilang bonding moments ng kaniyang mister.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Xavi and Dani Barretto 3rd wedding anniversary
- Mensahe ni Dani at Xavi sa isa’t isa sa kanilang wedding anniversary
- Paano nabago ni Dani Barretto ang buhay ng mister niyang si Xavi Panlilio
Xavi and Dani Barretto 3rd wedding anniversary
Tatlong taon nang kasal ang mag-asawang sina Xavi Panlilio at Dani Barretto. Ang kanilang wedding anniversary, ipinagdiwang ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagbabakasyon na sila lang dalawa.
Ang kanilang naging bakasyon ay ipinasilip at ibinahagi ni Dani sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account. Doon ay nagbigay rin siya ng mensahe sa kaniyang mister na si Xavi.
View this post on Instagram
Mensahe ni Dani sa mister na si Xavi
Image from Dani Barretto’s Instagram account
Ayon kay Dani, nagpapasalamat siya sa pagiging pasensyoso ng mister. Ito ay dahil kahit dalawang beses ng na-move ang bakasyon nilang dalawa ay wala itong naging reklamo at narinig mula sa asawa. Hirit pa niya maswerte siya at ito ang naging asawa niya.
“My love, my darling, thank you. Thank you for your patience. I know we had to move this trip twice, but not once did you ever complain. I’m so blessed to have such a supportive & loving Husband.”
Pagbati niya pa sa mister na itinuturing niya ring best friend at soulmate, mas naging masaya ang buhay nila ng dumating si Millie. Ito ang kanilang dalawang taong gulang na anak.
Kaya naman, ang pangako niya sa asawa mas maraming taon na masayang pagsasama at katuparan sa mga pangarap nila.
“Happy Anniversary to my absolute Bestfriend, my soulmate. Our life together with our Millie bear has been such a dream.”
“Here’s to dancing & laughing the years away & making our dreams come true together. I love you, my habibi.”
Ito ang mensahe pa ni Dani sa mister na si Xavi sa kanilang 3rd wedding anniversary.
BASAHIN:
Dani Barretto, ikinuwento na muntik nang mamatay ang kaniyang baby nang ipinanganak
LOOK: Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa, sinubukan ang surfing!
Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”
Image from Dani Barretto’s Instagram account
Anniversary message ni Xavi
Si Xavi, hindi naman pinalampas na sumagot sa sweet na mensahe na ito ng kaniyang misis. Nag-komento siya sa post na ito ni Dani na tinawag niyang ‘queen’ ng buhay niya.
Ayon kay Xavi, lahat ng ginagawa niya ay para kay Dani at sa anak nilang si Millie. Ipinarating niya rin dito ang matamis niyang “I love you” at sinabing mas maraming taon pa silang magsasama bilang mag-asawa.
“The queen of my life, I love you so much. Everything I do, and everything I attempt to do is always for you and our daughter. I love you so much. 3 years down, 87 million more to go.”
April 2019 noong magpakasal sina Dani Barretto at Xavi Panlilio sa Santuario de San Antonio Church sa Makati. Pero kahit tatlong taon ng kasal ay hindi pa rin nila nalilimutang i-celebrate ang kanilang anniversary bilang mag-boyfriend at girlfriend.
Bago pa nga ang naging anniversary get-away nilang mag-asawa sa isang resort sa Quezon ay nag-share rin si Dani ng larawan niyang may hawak na mga bulaklak na galing umano sa mister niyang si Xavi. Ito ay para naman sa anniversary nila ng magsimula ang kanilang relasyon.
“5 years together, I still get kilig when I get flowers from you @xavipanlilio.”
Ito ang caption ni Dani sa naturang niyang IG post.
Paano nabago ni Dani ang buhay ng mister niyang si Xavi
Samantala, sa mga naunang post ni Xavi tungkol sa misis ni Dani ay ibinahagi nito kung paano nabago ni Dani ang buhay niya. Tulad nalang sa kung paano napapasaya nito ang kaniyang birthday ngayong mag-asawa na sila na hindi daw nai-enjoy noon ni Xavi.
Pero ngayon, dahil sa presensya ng kaniyang misis at ng anak nilang si Millie, lahat ay nagbago na. Ito daw ang biggest inspiration niya ngayon sa buhay niya.
“Growing up, I never really liked the idea of celebrating my birthday. If I had to be honest, I just felt like I didn’t really do anything really worth celebrating. But I met my wife and she showed me the beauty of celebrating life.”
Now, things couldn’t be any better and I’m glad to be in a situation where my life is full of peace and love with you and our daughter. Thank you so much for loving me, thank you so much for making me feel appreciated, and thank you so much for all the effort you put into our relationship and to our family.
Thank you for being my biggest inspiration in life. I love you so much.”
Ito ang mensahe ni Xavi para sa misis na si Dani sa nagdaang 29th birthday celebration ng anak ni Marjorie Barretto.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!