Ang aktres na si Yasmien Kurdi ay nagbahagi sa kanyang Facebook ng nangyari sa taping nila para as Beautiful Justice. Labis ang naging saya ng aktres sa tulong na kanyang naiparating sa nangangailangan.
Ayon sa kanyang post, sila ay nagta-taping sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in Tagaytay City. Napansin niya rito na maraming iba’t ibang art works at paintings ang nasa paligid nila. Nalaman niya na ang mga ito pala ay gawa ng mga preso.
Ibinibenta ng mga preso ang gawang paintings upang magkaroon ng pang piyansa. Kailangan nila ito upang sila ay makalaya mula sa pagkaka-bilanggo.
Sa kwento ng aktres, ang kanyang binili ay gawa ng isang Kuya Jason. Pinuri ng aktres ang ganda ang nagawang painting.
Sa kanyang pagbili ng naturang painting, kanyang nabigyan ng pang piyansa si Ms. Maricris Estrada. Masaya ang aktres na makikita na ng preso ang kanyang mga anak sa labas ng kulungan. Nagbilin pa si Yasmien na alagaan ni Maricris ang kanyang mga anak.
Nagpasalamat din si Yasmien sa warden ng BJMP Tagaytay na si Warden Aris Villaester. Sila raw kasi ng buong grupong nagta-taping ay tinanggap nang maayos ng warden.
Source: Yasmien Kurdi’s Facebook
Basahin: Ina, nag-shoplift para raw buhayin ang 6 na anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!