Ibinahagi ng aktres at StarStruck alumna na si Yasmien Kurdi na siya’y nagdadalang tao sa kaniyang 2nd baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Yasmien Kurdi buntis sa kaniyaang 2nd baby
- Safety tips para sa mga pregnant moms
Yasmien Kurdi buntis sa kaniyaang 2nd baby
Sa isang Instagram post ibinahagi ng aktres at StarStruck alumna na siya’y nagdadalang tao sa kanilang 2nd baby ng asawang si Rey Soldevilla. Masayang ibinalita ng aktres na sila’y magkakaroon na ng new member sa kanilang pamilya.
“We’ve been keeping a little secret for a while. #BabyNo2 🔜 this 2024! The 3rd Dragon in the family.”
Nagbahagi rin si Yasmien ng ilang mga litrato na makikita ang ultrasound picture ng kanilang baby no. 2 ng kaniyang mister na si Rey Soldevilla at family picture nila kasama ang panganay nilang anak na si Ayesha.
Dagdag pa rito ipinakita rin ni Yasmien Kurdi ang kaniyang baby bump sa ilang mga larawan sa kaniyang Instagram post.
Sa pagbabahagi naman ng Bandera, ibinahagi ni Yasmien Kurdi na hindi pa niya alam umano na siya’y buntis noon at takbo pa siya ng takbo nang naka-high heels sa isang eksenang kinukuhaan nila sa GMA afternoon series na “The Missing Husband”. Pero ayon sa kaniya ayos naman daw ang kaniyang ipinagbubuntis na baby.
Safety tips para sa mga pregnant moms na nasa early pregnancy
Narito ang ilang mga safety tips para sa mga buntis na nasa early pregnancy:
1. Magpa-checkup sa doktor
Mag-schedule agad ang prenatal check-up mo sa iyong OB-GYN para sa masiguro ang inyong healthy pregnancy. Mahalaga ang pagkakaroon na regular na pagpa-check up sa iyong OB-GYN para mabantayan ang iyong pagbubuntis at masigurong healthy ka at ang iyong baby.
2. Balanseng nutrisyon
Kumuha ng sapat na nutrisyon mula sa balanseng pagkain. Siguruhing may kasamang folic acid, iron, at iba pang mahahalagang bitamina at mineral para sa tamang paglaki ng iyong sanggol.
3. Iwasan ang alak at sigarilyo
Huwag uminom ng alak at iwasan ang sigarilyo. Ang alak at nicotine ay maaaring magdulot ng malubhang epekto sa iyong sanggol.
4. Limitahan ang caffeine intake
Bawasan ang pag-inom ng kape, tsaa, at iba pang inumin na may caffeine. Ang mataas na caffeine intake ay maaaring magdulot ng ilang kumplikasyon sa pagbubuntis. Kaya naman huwag munang uminom ng kape o tsaa.
5. Proper hydration
Uminom ng sapat na tubig para mapanatili ang iyong hydration, lalo na at maaaring madaling makaramdam ng uhaw ang mga buntis.
6. Mag-ingat sa pag-akyat at pagbubuhat ng mabigat
Maging maingat sa pag-akyat at pagbubuhat ng mabibigat. Ito ay upang maiwasan ang pagod at posibleng injury.
Tandaan na bawat buntis ay magkakaiba, kaya’t mahalaga ang pag-uusap sa iyong doktor para sa personal na payo at suhestiyon.
Ang maagang pagkonsulta sa iyong doktor ay magbibigay daan upang mabantayan ang iyong kalusugan at ang kalusugan ng iyong sanggol mula sa simula ng pagbubuntis.