Yasmien Kurdi at ang kaniyang mag-ama, nagpositibo na rin sa sakit na COVID 19.
Mababasa sa artikulong ito:
- Yasmien Kurdi at kaniyang pamilya COVID journey
- Guidelines sa pinaikling home quarantine mula sa DOH
Yasmien Kurdi at kaniyang pamilya COVID journey
Tila wala talagang sinasanto ang panibagong variant ng COVID na Omicron. Pami-pamilya ang tinatamaan, kasama na rito ang pamilya ng aktres na si Yamien Kurdi.
Kamakailan lamang ay nagdiwang si Yasmien at ang kaniyang ika-tatlumpu’t tatlong kaarawan kasama ang kaniyang malapit na pamilya.
Samantala, dalawang araw bago iyon, ibinahagi ni Yasmien ang naging COVID journey niya kasama ang kaniyang asawa’t anak. Makikita sa youtube channel ng aktres ang kanilang naging karanasan mula sa sakit na COVID.
Ilang linggo matapos magdiwang ng bagong taon ay nakaramdam ang anak ni Yasmien na si Ayesha ng ilang sintomas ng COVID. Gaya na lamang ng lagnat, fatigue, at sipon.
Makalipas lamang ang isang araw ay napagkita na rin ng sintomas ang kaniyang asawa, gaya ng lagnat, sipon, sakit sa ulo, at pagkakaroon ng plema. Sumunod na ring nagkaroon ang aktres.
Ayon sa kaniya,
“Iba na ‘yong pakiramdam ko, na parang kailangan natin pa-test”
Dahil dito ay sinubukan nila mag-self test gamit ang Antigen test kits, at ang lumabas na resulta ay negative. Ngunit upang higit na makasigurado ay nagpa-swab test na rin ang mag-anak.
“Para sure at mayroon kaming peace of mind, we’ll get ourselves tested! Hopefully hindi siya COVID, hopefully it’s negative”
Siya at ang kaniyang buong pamilya ay nagpa-test sa Drive-thru Swab Bldg. sa Philippine Airport Dignostic Center.
Higit na mapapanatag umano ang aktres kung negative rin ang magiging resulta ng kanilang swab test na isinagawa ng authorized na tao para gawin ito.
“Let’s pray na negative tayo,” umaasang sambit ng aktres matapos sumailalim sa drive tthru swab test.
Subalit makalipas ang labindalawang oras ay lumabas na ang resulta,
“Tatlo tayong positive. Oh my, together forever.”
Buong pamilya ni Yasmien ang lumabas na positibo sa resulta ng test kaya naman mas naging ma-ingat ang mag-anak. Sinimulan nila ang kanilang quarantine sa kanilang tahanan nang sama-sama.
View this post on Instagram
Bilang panlaban sa sakit na COVID, ibinahagi ni Yasmien ang mga bitamina na araw-araw nilang iniinom. Gaya na lamang ng vitamin C, vitamin D, at Zinc tuwing umaga at Melatonin naman tuwing gabi.
Sinulit ng pamilya ni Yasmien ang pagkakataong ito upang magkaroon ng bonding time kasama nag buong pamilya.
Hindi naging mahirap ang quarantine experience ng mag-anak. Dahil noong 7th day ng kanilang isolation, makikita at bakas sa mukha ng aktres ang pagkatuwa at pasasalamat.
BASAHIN:
Danica Sotto: “I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot.”
Pagbabahagi ng aktres,
“So far, we’re okay. Wala naman po kaming nararamdaman na malubhang sakit tulad nung expectations namin, ‘yong mga nakikita namin sa TV regarding COVID.”
Nabanggit din niya ang ilang mga bagay na kanilang ginawa habang sila ay sama-samang nagpapagaling sa kanilang tahanan.
Ayon sa kaniya, naging magandang pagkakataon ito pa sa kanilang pamilya na makapag-bonding. Regular umano silang umiinom ng vitamins. Sinisigurado rin nila na kahit nasa bahay ay nakakapagpakonsulta rin sila sa kanilang doktor.
Bukod pa rito ay palagian silang nagpapa-araw, bilang vitamin D na makakatulong upang higit na lumakas ang kanilang resistensiya. Ang pagkain ng maayos at nasa oras din ang isa sa mga naging susi sa kanilang mabilis na paggaling.
Isa sa mga tips ni Yasmien ay buksan ang mga bintana ng bahay. Upang mag-circulate ang at makalanghap sila ng sariwang hangin.
Wala nang nararamdaman na sintomas ang mag-anak. Inaantay na lamang nila ang approval ng IATF para sa panibagong guidelines ng DOH. Ito ay ukol sa pagpapa-ikli ng quarantine isolation para sa mga nabakunahan na.
Bago pa man wakasan ang video, sinabi ng asawa ni Yasmien ang kaniyang napagtanto sa kanilang naging karanasan mula sa sakit.
“With what we have experienced, talagang mahina na ‘yong virus”
Sinang-ayunan naman ito ng aktres at sinabing:
“Oo, dahil vaccinated na tayo, boosted pa. So, ayun!”
Sa karanasan nilang ito makikita ang naging malaki at magandang epekto ng bakuna sa katawan ng tao. Maaaring ito ang dahilan kung bakit mild lamang o hindi naging malala ang sintomas ng virus sa kanila.
Huling paalala ni Yasmien Kurdi sa mga viewers,
“Kailangan talaga, you have to wear your mask all the time. At kapag nagkasakit ka, kahit hindi mo pa alam yung result niyan, i-isolate mo na agad yung sarili mo.”
Guidelines sa pinaikling home quarantine mula sa DOH
Noong nakaraang Enero 7, 2022 lamang ay naglabas ang Department of Health ng panibagong home quarantine guidelines para sa mga taong nagpositibo sa sakit na COVID-19.
Para sa mga pasyente na may malala at mapanganib na sintomas, kailangan nilang sumailalim sa 21 araw na isolation. Maaaring higit pa sa nabanggit na bilang ng araw at nakadepende sa payo ng doctor.
Samantala, kung ang tao ay asymptomatic at nakakaranas lamang ng mild na sintomas, 1 araw na lamang ang kanilang isolation period kung sila ay fully vaccinated.
Kung nagkataong hindi fully vaccinated, kailangang mag-antay ng hanggang 10 araw pa para sa kaniya isolation period.
Ang panibagong IATF Guidelines na ito ay mula sa DOH at rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).