Yasmien Kurdi ipinanganak na ang second baby nila ng mister na si Rey Soldevilla. Ito ay ipinangalanan nilang si Baby Raya Layla.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Yasmien Kurdi second baby na si Baby Raya.
- Birth story ni Yasmien sa kaniyang second baby.
Yasmien Kurdi second baby na si Baby Raya
Nitong April 28 ay ipinanganak na ng aktres na si Yasmien Kurdi ang kaniyang second baby. Ito ay kaniyang ibinahagi sa Instagram kalakip ang cute na mga larawan ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.
“Hello, I’m new here! My name is Raya Layla ❤️ And I’m the new ruler of the cutie pies.”
Ito ang caption ng post ni Yasmien sa Instagram.
Nagbahagi din siya ng larawan ng kaniyang panganay na si Ayesha kasama ang bago niyang kapatid. Makikitang ready na talaga ito na maging ate sa kaniyang little sister.
Larawan mula sa Instagram account ni Yasmien Kurdi
Birth story ni Yasmien sa kaniyang second baby
Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Yasmien ang birth story ng kaniyang second baby. Ayon sa aktres, ay dapat mag-nonormal delivery siya sa panganganak dito. Pero dahil sa natuklasan nilang manipis na ang cesarean scar niya sa naunang anak na si Ayesha ay mas minabuti ng kaniyang mga doktor na ma-cesarean nalang muli siya. Lalo pa’t kalaunan ay natuklasan nilang may cord coil din pala ang kaniyang second baby.
“I wanted to have VBAC or Normal delivery this time on my 2nd pregnancy. After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years – not a good indication. Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored.”
“We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC we would have ended up doing CS still.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Yasmien.
Larawan mula sa Instagram account ni Yasmien Kurdi
Makikita sa mga photos at videos na ibinahagi ni Yasmien na hindi nawala sa kaniyang tabi ang mister na si Rey Soldevilla habang hinihintay ang pagdating ng kanilang second baby.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!