Yasmien Kurdi, bumili ng painting na gawa ng isang preso

Ang aktres na si Yasmien Kurdi ay bumili mula sa mga preso na nagbebenta ng painting upang mayroong pang tustos sa kanilang pang piyansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang aktres na si Yasmien Kurdi ay nagbahagi sa kanyang Facebook ng nangyari sa taping nila para as Beautiful Justice. Labis ang naging saya ng aktres sa tulong na kanyang naiparating sa nangangailangan.

Ayon sa kanyang post, sila ay nagta-taping sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in Tagaytay City. Napansin niya rito na maraming iba’t ibang art works at paintings ang nasa paligid nila. Nalaman niya na ang mga ito pala ay gawa ng mga preso.

Ibinibenta ng mga preso ang gawang paintings upang magkaroon ng pang piyansa. Kailangan nila ito upang sila ay makalaya mula sa pagkaka-bilanggo.

Sa kwento ng aktres, ang kanyang binili ay gawa ng isang Kuya Jason. Pinuri ng aktres ang ganda ang nagawang painting.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kanyang pagbili ng naturang painting, kanyang nabigyan ng pang piyansa si Ms. Maricris Estrada. Masaya ang aktres na makikita na ng preso ang kanyang mga anak sa labas ng kulungan. Nagbilin pa si Yasmien na alagaan ni Maricris ang kanyang mga anak.

Nagpasalamat din si Yasmien sa warden ng BJMP Tagaytay na si Warden Aris Villaester. Sila raw kasi ng buong grupong nagta-taping ay tinanggap nang maayos ng warden.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Yasmien Kurdi’s Facebook

Basahin: Ina, nag-shoplift para raw buhayin ang 6 na anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement