X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Yasmin pills: Benepisyo, side effects, presyo, at tamang pag-inom

5 min read
Yasmin pills: Benepisyo, side effects, presyo, at tamang pag-inom

Narito ang mga benepisyo at side effects ng pag-inom ng oral contraceptive na Yasmin pills.

Mga mahalagang impormasyon tungkol sa Yasmin pills bilang isang epektibong contraceptive.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Mga dapat malaman tungkol sa Yasmin pills

Ang Yasmin pills ay isang uri ng combination birth control pill na maituturing na isa sa mga pinakamahal dahil sa presyo nitong ₱905.75 kada pakete.

Ito ay nagtataglay ng drospirenone at ethinyl estradiol. Ang mga female hormones na ito ay pinipigilan ang ovulation o ang pagre-release ng egg ng ovary ng mga babae.

Nagdudulot din ito ng pagbabago sa cervical mucus at uterine lining. Pagbabagong nagpapahirap sa sperm na marating ang uterus at mahirapan ang fertilized egg na dumikit dito. Kaya naman dahil dito ay isa ang Yasmin pills sa mga oral contraceptives na inirerekumenda para maiwasan ang pagbubuntis.

Maliban rito ay may ibang benepisyo din sa kalusugan ang pag-inom ng Yasmin pills. Ito ay ang sumusunod:

Benepisyo sa kalusugan ng pag-inom ng Yasmin pills

  • Nire-regulate ng menstrual cycle
  • Pinuprotektahan ang suso mula sa pagkakaroon ng cancerous na cysts
  • Pinababa ang tiyansa ng isang babae na magka-anemia
  • Sinisigurong malusog ang mga ovaries
  • Pinababa ang tiyansa ng endometrial at ovarian cancer
  • Binabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng pelvic inflammatory disease ng isang babae
yasmin pills

Image from Flickr

Ngunit tulad ng ibang contraceptive pills ay may naitala ring side effects ang pag-inom ng Yasmin pills. Ito naman ay ang sumusunod:

Side effects ng pag-inom ng Yasmin pills

  • Nausea o pagsusuka
  • Breast tenderness o pananakit ng suso
  • Sakit sa ulo, mood changes, pagkapagod o pagiging irritable
  • Pagtaba
  • Pagbabago sa menstrul periods
  • Kawalan ng gana sa sex

Ang pag-inom ng Yasmin ay nagpapataas din ng tiyansa ng pagkakaroon ng blood clots, stroke at heart attack. Kaya para maiwasan ang mga ito ay mahalagang tandaan na hindi dapat uminom ng Yasmin pills kapag mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Severe migraine
  • High blood pressure
  • Kidney disease
  • Heart disease
  • Coronary artery disease
  • Adrenal gland disorder
  • Circulation problems tulad ng diabetes
  • Undiagnosed vaginal bleeding
  • Liver disease o liver cancer
  • Umiiinom ng gamot tulad ng Hepatitis C medications
  • Dumaan sa major surgery
  • Naninigarilyo at mahigit 35-anyos na
  • Nagkaroon na ng heart attack, stroke, blood clot o jaundice na dulot ng pagdadalang-tao o birth control pills
  • May breast, uterus, cervical o vaginal cancer
  • Buntis o kakapapanganak lang at nagpapasuso

Tamang pag-inom ng Yasmin pills

Iniinom ang Yasmin pills sa unang araw ng menstrual period. O kaya naman ay ang Linggo matapos magkaroon ng regla. Ito ay dapat iniinom isang beses sa isang araw sa parehong oras.

Ang Yasmin pills ay available sa dalawang uri, ang Yasmin 21 at Yasmin 28.

Bagamat pareho lang ng epekto, nag-iiba lang ang dalawa sa dami ng pill na taglay nito.

Ang Yasmin 21 ay may taglay na 21 active birth control pills. Habang ang Yasmin 28 ay nagtataglay ng 21 active birth control pills at 7 placebo pills.

Sa mga gumagamit ng Yasmin 21 ay mayroong 7 araw na pahinga matapos maubos ang 21 na pills bago mag-simula sa panibagong pakete.

Samantalang sa Yasmin 28 ay kailangan ubusing inumin ang laman ng pill pack bago mag-simula ng panibagong pakete. Ngunit tandaan na kailangan inumin ang isang pill araw-araw sa tamang pagkakasunod-sunod nito.

Paano kapag nalimutang uminom sa tamang oras?

Ang pagkalimot ng pag-inom ng Yasmin pills sa tamang oras ay nagpapataas ng tiyansa ng isang babae na mabuntis.

Kaya naman kung nalimutang uminom ng pill sa tamang oras ay agad na inumin ito sa oras na iyong naalala. At saka inumin ang sumunod na pill sa regular na oras na iniinom ito. Kahit pa ito ay nangangahulugan ng pag-inom ng dalawang pills sa isang araw. Saka ipagpapatuloy ang pag-inom ng isang pill kada araw.

Kung nalimutan namang uminom ng 2 active pills na magkasunod sa unang linggo o pangalawang linggo ng paggamit nito ay uminom ng 2 pills ng 2 araw na magkasunod. Saka bumalik sa regular na pag-inom na 1 pill per day.

Para makasigurong hindi mabubuntis ay gumamit ng back-up birth control method tulad ng condom.

Kung makakalimot namang uminom ng 2 active pills ng magkasunod sa pangatlong linggo ng paggamit nito ay itapon na ang natitirang pills at magsimula na sa panibagong pill pack. Ito ay para sa mga Day 1 starter o sa mga nagsimulang uminom ng pills sa unang araw ng kanilang regla.

Para naman sa mga Sunday starter o ang sinimulan ang pag-inom ng pills ng unang Linggo matapos ang kanilang regla ay ipagpatuloy ang pag-inom ng natitirang pills hanggang sa araw ng Linggo saka itapon at magsimula ng panibagong pakete.

Kung sakali namang makalimot ng 3 active pills na sunod-sunod sa Week 1, 2 o 3 ay agad na itapon ang natitirang pills at magsimula ng bagong pakete para sa Day 1 starter. Habang mag-hintay ulit ng araw ng Linggo ang mga Sunday starter para makasimula sa panibagong pakete.

Ang pagkalimot ng pag-inom ng 2 o higit pang pills ay maaring magdulot ng missed period.

Kung sakali namang hindi nagkaregla ng 2 buwan ng magkasunod habang gumagamit ng pills ay agad na magpunta sa iyong doktor dahil baka ikaw ay buntis na.

Pinapaalala na dapat bago uminom ng Yasmin pills o kahit anong birth control pills ay dapat munang magpakonsulta sa doktor dahil sila ang mas nakakaalam ng pills na hiyang para sa iyo.

 

Source: WebMD ,Drugs.com ,Birth control ,Watsons 

Basahin: Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

Partner Stories
Summer’s on Us: Escape with Samsung’s TV and Soundbar bundles
Summer’s on Us: Escape with Samsung’s TV and Soundbar bundles
Namnamin pa rin ang Pasko with Eden Cheese
Namnamin pa rin ang Pasko with Eden Cheese
NIVEA PHILIPPINES Debuts Limited Edition Philippine-inspired Care Products
NIVEA PHILIPPINES Debuts Limited Edition Philippine-inspired Care Products
Turn your good buys into best buys with PayMaya this PayDay
Turn your good buys into best buys with PayMaya this PayDay

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Yasmin pills: Benepisyo, side effects, presyo, at tamang pag-inom
Share:
  • Diane pills: Benepisyo, side effects, presyo at paano inumin

    Diane pills: Benepisyo, side effects, presyo at paano inumin

  • Trust pills: Benepisyo, side effects at presyo

    Trust pills: Benepisyo, side effects at presyo

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Diane pills: Benepisyo, side effects, presyo at paano inumin

    Diane pills: Benepisyo, side effects, presyo at paano inumin

  • Trust pills: Benepisyo, side effects at presyo

    Trust pills: Benepisyo, side effects at presyo

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.