Yeng Constantino ibinahaging hindi pa siya ready na magkaroon sila ng baby ng mister na si Victor Asuncion.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Yeng Constantino hindi pa ready na magkaroon ng baby.
- Dahilan ni Yeng kung bakit hindi pa buo ang loob niya na magkaroon ng anak.
Yeng Constantino hindi pa ready na magkaroon ng baby
Walong taon ang nakalipas na maikasal ang singer na si Yeng Constantino sa mister niya na ngayong si Victor Asuncion. Pero hanggang ngayon ay wala parin silang anak. Sa isang panayam ay sinabi ni Yeng na hindi pa siya ready na magkaroon ng baby. Ito daw ay na-realize niya ng minsang ma-delayed siya at imbis na ma-excite ay natakot siya sa posibilidad na maaring buntis siya. Ito daw ang naging pag-uusap nila ng mister niya noon ng minsang mag-travel sila sa Cambodia para sa kanilang second anniversary.
“’Yung sinasabi ng ibang tao na kapag naka-feel sila ng parang buntis sila, sobrang nae-excite sila. Sa akin po parang na-feel ko na natakot ako.”
“Gusto ko rin po maging honest. Ayaw ko rin po maramdaman ‘yun. Gusto ko kung sakaling totoo ito, dapat happy ako. So ako rin po nahiwagaan ako sa sarili ko, na bakit hindi ‘yung nafi-feel mo?”
“Sabi ko, ‘Love, delayed ako ilang araw na. Paano kung buntis ako?’ Tapos nakatingin siya sa akin. Sabi niya, ‘Ikaw anong nararamdaman mo?’ Sabi ko, ‘Hindi ko alam. Parang hindi pa yata ako handa.’ Tapos lumaon po ‘yung trip namin, delayed nga lang po talaga ako. Na-realize ko lang na hindi pa ako handa talaga.”
Ito ang pagbabahagi ni Yeng.
Dahilan ni Yeng kung bakit hindi pa buo ang loob niya na magkaroon ng anak
Ibinahagi rin ni Yeng ang dahilan kung bakit tila hindi pa siya ready na magkaroon ng anak. Maliban daw sa kailangan niya i-fix at i-ready ang mindset niya, sa ngayon daw ay nagte-therapy siya. Dahil sa siya ay nakakaranas ng hormonal imbalance kaya naman maliban sa mentally ay dapat physically ready rin ang kaniyang katawan sa pagbubuntis.
Pero may isa pang dahilan si Yeng kung bakit hindi pa siya ready ngayon na magkaanak. Ito ang pagbabahagi niya.
“Gusto kong ma-secure ‘yung sarili ko at sa aming mag-asawa financially lahat now para kapag dumating siya, lahat ng gusto niya mapupunta sa kanya. Ayaw ko po ‘yung mga bata pa kaming magkakapatid, medyo mahirap. Namomroblema po sa mga simpleng pangangailangan. So kaming mag-asawa, we are really working hard to prepare kung ano man ang magiging pangangailangan in the future.”
Ito ang sabi pa ni Yeng.