On Mental Health: "Yes! Anxiety is Real!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibang- iba ang pakiramdam kapag kasama ang asawa while pregnant hanggang manganak. Yon bang panatag ka, kakayanin mo ang lahat dahil alam mong nasa tabi mo siya araw- araw. May kasabihan nga “Two is better than one.

Isang OFW ang asawa ko. March 2020 nagbakasyon siya dito sa Pilipinas. Nagkataon namang umpisa ito ng pandemic kaya hindi na nakabalik agad sa Doha. Nakabalik siya one month before ipanganak ang bunso namin. Noong nanganak ako, nanay ko ang nag- alaga sakin umabot ng one month na siya ang nagluluto, nag-aasikaso sa ibang kailangan ng mga anak ko. After nyan sinabihan ko ang nanay ko na kaya ko na, total maaasahan naman ang panganay ko sa gawaing bahay. Naturuan ng asawa ko ang 9 years old na panganay ko sa paghuhugas ng plato, paglilinis sa bahay at pag- sampay at pagtiklop ng mga damit. Kabilin- bilinan niya na tulungan ang mama habang wala siya. Pero alam natin na sobrang bata pa siya sa edad niya para gawin ang lahat lalo na kung madalas.

Naawa ako sa panganay ko kaya ako na lang ang gumagawa minsan. Pero pakiramdam ko ang dami ko laging gagawin sa loob ng bahay, iniisip ko palang pagod na ako at galit ako. Mabilis akong magalit, lagi kung nasisigawan ang mga anak ko bagay na hindi ko nagagawa dati. Alam kung ito na yong sinasabi nilang postpartum deppression pero nilalabanan ko. Noong mag-eight months na si baby naramdaman kung may kakaiba sa kalusugan ko. Nagpa – check up ako at nalaman kung meron akong Hyperthyroidism at GERD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stressful ang magkaroon ng sakit na ganito lalo na sa kagaya nating may inaalagaang maliit na baby. Yon bang pakiramdam ko ang dami ko ng sakit, pakiramdam ko mamatay na ako. Yes! Anxiety is real!

Halos gabi- gabi hindi makatulog ng maayos. Dahil inaatake ako ng high acidity. Mabuti na lang at nakakapagreply si Doc kapag may concerns ako. After 5 months, naging okay na ako. Normal na ang laboratory results ko. Sinusubukan ko ng ibalik yong normal weight ko, malaki kasi ang ibinaba ng timbang ko. Totoo ang sinasabi nila na kapag nanay ka na hindi mo na iniisip ang sarili mo. Nauuna lagi ang mga anak. Sa pagkain inuuna ang mga anak, sa pagbili ng gamit, priority pa rin sila. Kapag may sakit sila, halos ayaw nating matulog para bantayan sila dahil sa pag- aalala. Pero tatandaan natin na mas kawawa sila kung tayo ang magkasakit. Hindi natin maibigay yong sapat na pag- aalaga para sa kanila. Hindi natin maibigay yong sapat na atensyon na kailangan nila kung hindi tayo masigla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sarap sa pakiramdam na ang buong pamilya ay masigla, dahil kapag masigla ang lahat sobrang likot at kulit naririnig ang ingay hanggang sa labas ng bahay! Mga kagaya kung ina na nahihirapan sa gawaing bahay dahil mag-isa lang, wag nating dibdibin, relax lang! Hindi kailangang tapusin yan buong maghapon. Magpahinga ka! Sabayan si baby sa pagtulog kung kailangan.

Sinulat ni

cristy ebrahim