Yilmaz Bektas may magandang relasyon daw sa mga anak nito kay Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice.
Yilmaz Bektas sa relasyon sa mga anak kay Ruffa
Sa pinakabagong vlog ni Lorin Gutierrez sa kaniyang YouTube channel ay sinagot nito ang tanong na lagi daw itinatanong sa kaniya at sa kapatid na si Venice.
Ito ay kung nakikipag-usap pa ba sila sa amang si Yilmaz Bektas at kung maayos ba ang relasyon nila dito.
Para daw tuluyan ng maliwanagan ang mga naguguluhan ay deretsahang sinagot ni Lorin na nakikipag-usap siya sa ama. At hindi daw ni minsang natigil ang pakikipag-communicate nila dito ng kapatid na si Venice.
Ito ang kaniyang mga sinabi…
“I talk to my dad and there has never been a time when our communication stopped. I have his number. I have his WhatsApp, we call, we text.
“There’s a common misconception that we don’t have any communication, which is not true, not once has my mom ever tried to stop me from talking to him or getting to know him.”
Dagdag pa ni Lorin, maaring para sa iba ay hindi perfect o maganda ang relasyon nila sa amang si Yilmaz Bektas. Pero para sa kaniya lalo na sa mga nangyari sa pagitan ng ng mga magulang nila ay masasabi niyang perfect parin ang relasyon nila ni Venice dito.
“Me and Venice I have a really good relationship with our dad.”
“It’s not the textbook relationship of a daughter and a dad, and I’m sure a lot of people from the outside looking in would say it’s not a perfect or it is not a good relationship. But for me, underneath the circumstances that were given, I think it’s a pretty good, perfect relationship with my dad.”
Language barrier lang ang problema
Sa isang TV guesting nitong nakaraang buwan ay una naring sinagot ni Lorin ang tanong na ito tungkol sa relasyon sa ama. Hindi man nga daw madalas ang komunikasyon nila pero ito ay sapat na para masabing maganda parin ang relasyon nila sa isa’t-isa.
Nahihirapan nga lang daw sila makipag-usap sa ama dahil ang first language nito ay Turkish at sa kanila naman ay English.
Pero kahit daw may language barrier ay nararamdaman parin nila ang concern sa kanila ng ama at ng pamilya nito. Tulad nalang ng ma-ospital siya dahil sa appendicitis na kung saan lagi daw chine-check ng ama at pamilya nito ang kalagayan niya.
Matatandaang naghiwalay ang mga magulang nila na si Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez noong 2007 na kung saan ang dahilan umano ay ang pambubogbog ng ama sa kanilang ina.
Panoorin ang buong vlog ni Lorin dito:
<
Source: Inquirer, Youtube
Basahin: Ruffa Gutierrez and her daughters allegedly harassed in Malaysia
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!