Tila sunod-sunod ang mga nababalitang videos sa YouTube Kids na hindi angkop sa mga bata. Ngayon naman ay mayroong isang magulang na nakahanap ng mga videos na “pambata” ngunit ang laman ay hindi angkop para sa mga bata.
Dahil sa kaniyang mga nakita, nagdesisyon siyang ibahagi ito sa ibang mga magulang upang maging mas maingat sila sa pinapanood ng kanilang mga anak.
Alamin kung paano makakaiwas sa mga ganitong videos sa pamamagitan ng aming mga YouTube Kids safety tips.
Ano ang meron sa mga videos na ito?
Ayon sa inang si Rachel McGregor, marami raw siyang nahanap na videos na nagkukunwari lang na pambata. Gumagamit raw ang mga videos na ito ng mga sikat na characters tulad ni Peppa Pig, at Paw Patrol.
Aniya, hinahaluan raw ng suicide, murder, sex, pati na paggamit ng droga, ang mga videos na ito. Kaya raw ito nakakapasok sa YouTube Kids ay dahil mukha itong pambata sa unang tingin, pero sa gitna ng video ay mayroon itong hindi tamang content.
Ngunit ang pinakanakakatakot ay ang laman ng mga ilang videos na tinuturuan magpakamatay ang mga bata. Kabilang na rin dito ang ilang mga nag-viral na online “challenge” kung saan sinasaktan ng mga bata ang kanilang mga sarili.
Madalas rin daw magpalit ng mga thumbnails ang video, kaya’t madalas ay hindi ito nairereport. Madalas, kasama rin daw ito sa Autoplay sa YouTube. Kaya minsan kahit galing sa tamang video ang isang bata, posibleng mapunta ang kanilang pinapanood sa mga masasamang videos na ito.
Sabi pa ni Rachel, kailangan raw na i-report agad ng mga magulang ang mga ganitong klaseng videos. Kapag nakita nila ay dapat i-flag nila ang video upang malaman ng YouTube na hindi ito pambata.
Mayroong statement ang YouTube Kids tungkol sa insidente
Nakapanayam namin ang YouTube Kids spokesperson na si Tu Nguyen, at heto ang kanilang statement tungkol sa ganitong mga videos:
“We work to make the videos in YouTube Kids as family-friendly as possible and take feedback very seriously.”
We appreciate people drawing problematic content to our attention, and make it possible for anyone to flag a video. Flagged videos are manually reviewed 24/7 and any videos that don’t belong in the app are removed.”
“We’ve also been investing in new controls for parents including the ability to hand pick videos and channels in the app. We are making constant improvements to our systems and recognize there’s more work to do.”
YouTube Kids safety tips para sa mga magulang
Kahit na pambata na website ang YouTube kids, mahalaga pa rin na sumunod ang mga magulang sa safety tips para sa kanilang mga anak. Siyempre, hindi dapat ibigay ng mga magulang ang responsibilidad ng pagbabantay sa isang website, o kaya sa computer.
Mahalaga na sila mismo ang nakatutok at nakabantay sa kanilang mga anak. Heto ang ilang mga YouTube Kids safety tips na dapat tandaan:
- Maging mapanuri sa mga videos na pinapanood ng iyong anak, at hangga’t-maaari alamin muna kung safe ito panoorin.
- Huwag silang hayaang manood ng videos mag-isa. Palaging dapat mayroong nakabantay sa kanila.
- Hindi dapat sila palaging nanonood ng mga videos sa YouTube, mahalaga rin na maglaro ang mga bata sa labas at lumayo sa gadgets nila.
- Siguraduhin na age-appropriate ang kanilang mga pinapanood, at galing lang sa mga legitimate na YouTube channels.
- Gumamit ng parental control upang malimitahan ang mga pinupuntahang websites ng iyong anak.
Source: Facebook
Basahin: YouTube Kids video, tinuturuan raw magpakamatay ang mga bata