YouTube parental control settings na dapat mong malaman

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maitatanggi na karamihan sa mga bata ngayon ay babad sa panonood ng videos sa YouTube. Noong 2015, nag-launch ang YouTube ng isang app. Ito ay ang YouTube Kids at ito ay ginawa specifically para sa mga bata. Apat na taon na mula nang ito ay na-launch, pero marami pa rin ang hindi marunong mag-customize ng YouTube parental control.

Parental control settings sa YouTube Kids app na dapat mong malaman

1. Maaari mong piliin ang mga video na lalabas sa kanilang suggestions

Noong pumutok ang issue na may mga naliligaw na suggested videos sa YouTube Kids app na naglalaman ng violent content, gumawa ang YouTube ng aksyon para ito ay malinis. Isa dito ay ang paglalagay ng “handpick suggestions” settings. Hinahayaan nito ang mga magulang na pumili ng mga videos na lalabas sa homepage ng YouTube Kids app.

 

2. Pwede ka ring maglagay ng time limit sa app gamit ang auto-lock tool

Dahil madalas ay nabababad sa gadgets ang iyong anak at minsan ay mahirap silang disiplinahin sa oras, mayroon na ngayong time limit sa app kung saan pwede mong i-auto lock ang mismong app depende sa oras na iyong i-seset.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

3. Pag-turn off ng search button

Ang pag-turn off ng search button ay katulad din ng pag-handpick ng suggested content. Ito ay makakatulong sa pagfilter ng mga lumalabas na video sa app ng iyong anak. Kapag in-off mo ang search button sa app, hindi na makakanood ng ibang videos ang bata kundi ang mga videos lang na iyong pinili.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Pwede mo rin i-hide ang watch history para hindi makapag-suggest ng new videos ang app

Bukod sa pag-turn off ng search button, ang pag-hide ng watch history ay importante rin para hindi ma-manipulate ang algorithm ng app. Ibig sabihin nito ay hindi na makakapag-recommend ang app ng kahit anong videos o channels na hindi mo pinili para sa iyong anak.

 

5. Pag-block ng videos na sa tingin mo ay inappropriate para sa iyong anak

Kung mayroon pa ring mga videos na sa tingin mo ay hindi akma para sa bata, pwede mo nang i-block ang mismong video. Ito ay para hindi na talaga lumabas sa app ang mga ganoong videos. Dahil nga sa mga misleading content na naliligaw sa app, minsan ay mas maigi pa rin na bantayan ang iyong anak palagi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming parental control settings na ang available sa app. Ngunit mas makatitiyak ka pa rin kung ikaw mismo ang nakakakita ng mga ginagawa o pinapanood ng iyong anak. Importante rin na magkaroon ng disiplina ang bata. Ang pagbababad sa gadgets at sa mga app tulad ng YouTube ay hindi rin nakabubuti kung palagi.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCES: The Verge, Wired, YouTube Kids

BASAHIN: 8-year-old youtuber, kumikita ng $26million sa isang taon, YouTube Kids videos, ginagamit ang sikat na characters para turuan ang mga bata ng suicide, 7-anyos, naimpluwensiyahang mag-suicide dahil sa Youtube at Roblox

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie