Ria Atayde sa engagement sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo: “Forever sounds good ??”

Si Zanjoe may sagot sa post na ito ni Ria: “And tastes even better. ❤”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zanjoe Marudo and Ria Atayde engagement ikinatuwa ng malalapit na tao sa kanilang buhay.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Zanjoe Marudo and Ria Atayde engagement.
  • Relasyon nila Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Zanjoe Marudo and Ria Atayde engagement

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Nitong February 20 ay ibinahagi nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang engagement. Ito ay ginawa nila sa Instagram kalakip ang mga larawan nilang magkasama. At syempre habang ibinibida ni Ria ang kaniyang singsing.

“Forever sounds good ??.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Ria.

Agad namang kinumentuhan ito ng fiancé niya na ngayong si Zanjoe. Ito naman ang sabi ng aktor.

“And tastes even better. ❤”

Ang mga celebrity friends nina Zanjoe at Ria masaya para sa dalawa. Ilan nga sa mga bumati at very happy sa kanilang engagement ay sina Angelica Panganiban, Loisa Andalio, Sofia Andres, Vhong Navarro at Maris Racal. Syempre bumati rin sa dalawa ang sister-in-law ni Ria na si Maine Mendoza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yaaaay love you guys! ❤”

Ito ang naging reaksyon ni Maine sa engagement ni Ria na kapatid ng mister niyang si Arjo Atayde.

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Relasyon nila Ria at Zanjoe

Enero ng 2023 ng ibahagi ni Zanjoe at Ria na sila ay magkarelasyon. Una ng ibinahagi ni Ria, na nagsimula ang relasyon nila ni Zanjoe sa magandang pagkakaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"We really started as friends. I believe that being friends is always a good foundation for any relationship. Getting to know each other at that level and then moving forward is always a beautiful story.”

Ito ang pagbabahagi noon ni Ria sa isang panayam.

Sabi pa niya, pinili nilang isapribado sana ang relasyon nila ni Zanjoe. Pero dahil sa pareho silang artista, alam nilang hindi nila ito maitatago. Kaya naman minabuti nilang i-enjoy nalang ang kanilang relasyon at pagmamahalan sa isa't-isa. At sa ngayon nga ay pinaplano nilang itaas ito sa different level at panghabang-buhay na.

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement