X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Zeinab Harake ipinanganak na ang baby girl nila ni Skusta Clee!

5 min read

Zeinab Harake, isinilang na ang kaniyang baby girl!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga detalye ng kapanganakan ng baby girl nina Zeinab at Skusta Clee.
  • Mensahe ng bagong daddy na si Skusta Clee sa kaniyang baby girl na si Bia.
  • Pagbati ng mga netizen sa pagdating ng anak nila Skusta Clee at Zeinab Harake.

Skusta Clee at Zeinab Harake baby, ipinanganak na!

Noong May 1 ay ibinahagi ng vlogger na si Zeinab Harake at nobyo nitong si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee sa social media na ipinanganak na ang kanilang baby girl noong April 28, 2021.

Tinawag nila ang kanilang unica hija na si baby Bia. Bagamat walang masyadong detalyeng ibinahagi ang dalawa, pareho nilang sinabi na sa pagdating ng kanilang anak ay parehong nabago ang buhay nila.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Skusta Clee ♒️ (@extraordinaryl)

Makikita nga ang mga reaksyon nilang ito sa birth story vlog na ibinahagi ni Skusta sa kaniyang YouTube account.

Nagsimula ang video na ipinapakita ang masaya at relax pang si Zeinab at Skusta na papunta sa ospital para sa nalalapit ng paglabas ni baby. Masaya pa nga nitong nasabi sa mga kaibigan nila bago umalis na, "Pagbalik ko tatay na 'ko, men."

Ngunit pagdating sa ospital ay tila nabago na ang pakiramdam ng dalawa na kung saan pareho nilang nasabi na kinakabahan sila. Pagpasok sa delivery room, nasabi ni Zeinab na natatakot siya.

Habang naghihintay sa pagdating ng kaniyang anak, ibinahagi ni Skusta na halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Subalit mas nangingibabaw ang pagpapasalamat niya sa Diyos nang marinig na ang iyak ng kanilang anak ni Zeinab. Ito ay nga ay tinawag niya ring pinakamagandang biyayang ibinigay sa kanila ng Panginoon.

“Sa gitna ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon, biglang tumigil ang mundo.”

“Pinaka-magandang biyaya na binigay sa'min ng panginoon.”

Ito ang mga nasasabi ni Skusta si video habang ipinapakita ang pagsilang ng kaniyang unica hija.

Zeinab Harake baby

Image screenshot from Skusta Clee's YouTube video

Mensahe ni Skusta sa kaniyang baby Bia

Nang makita na nga niya ang anak niya, hindi maipinta ang saya sa mukha ni Skusta na pinuri ang ganda ng kaniyang anak. Pabiro pa nga nitong sinabi na nagmana ito sa kaniya.

“Gandang bata, manang-mana sa daddy," ang sabi pa niya.

Samantala, nanganak man sa pamamagitan ng cesarean section delivery, fresh at maganda pa rin si Zeinab. Masayang-masaya rin ang bagong mommy sa pagdating ng anak niyang si Baby Bia.

Bakas sa mukha ni Zeinab ang pagkakuntento at nagagawa pang makipagbiruan kay Skusta sa kabil ng pagod at sakit na dulot ng kaniyang kakatapos lang na operasyon.

“Ang hirap tumawa hindi puwede, sobrang sakit.”

Magkaganoon man makikita sa video kung paano tila nag-mature si Zeinab na ngayon ay isa nang ganap na ina. Habang si Skusta naman ay may inihandog na makabagdamdaming mensahe para sa kaniyang baby girl na si Bia.

Zeinab Harake baby

Image screenshot from Skusta Clee's YouTube video

“Dati, ang mga bagay na mahalaga lang sakin ay pera, kasikatan, bisyo. Hindi nga sumagi sa isip ko na magkakapamilya pa ko eh.

Kasi hindi talaga ito 'yong buhay na nakasanayan ko dati. Sabi ko nga bahala na kung saan na lang ako dalhin ng kapalaran."

Dagdag pa ni Skusta Clee, mapalad umano siya sapagkat may isang taong hindi siya sinukuan sa mga panahong kahit siya mismo'y sumuko na sa kaniyang sarili.

Dati kasi umano wala siyang pagmamahal sa kaniyang sarili, pero nang dumating umano si Zenaib at ang kanilang baby, nabalot na siya ng pagmamahal. "Kasi bakit? Life-changer talaga ang baby, men, sa totoo lang.” ani ng makatang daddy.

“Mas lalo mong naiintindihan 'yong halaga ng buhay. Kaya hangga't kaya ko, at hanggang sa huling hininga namin ng mama mo, pangakong hinding-hindi ka namin pababayaan. Maligayang pagdating sa mundo, anak.”

Zeinab Harake baby

Image screenshot from Skusta Clee's YouTube video

BASAHIN:

Vlogger Camille Co opens up about her “breaking point” while taking care of her newborn

Jennica Garcia’s open letter: “There is nothing you can do to change your spouse heart.”

LIST: 7 best pacifiers to soothe your newborn

Pagbati at reaksyon ng mga netizens

Samantala, labis din naman ang saya ng mga kaibigan, fans at followers nila Zeinab at Skusta sa pagdating ng baby nila. Narito nga mensahe ng ilang netizen na naantig sa ginawang mensahe ni Skusta para sa anak niya. “Nung una, I doubted Zeinab's decision on getting back with her ex na nakasiraan niya. I thought change is not applicable sa kanila but that proved me wrong. I see how Daryl can change for the better para sa magiging anak nila. Congrats sa inyo!!” “This is the most romantic video Skusta had ever posted. Years from now, teenager Bia will watch this how she first cried,how her father cried, and how the whole Zeiryl fam and fans smiled and welcomed her very much❤️. Congrats po sa inyo Mommy Zebby and Daddy Sauce.” "Daryl, I appreciate your effort on consistently proving to Zeinab that you are worthy of the chances she have given you. I can only imagine the pain both of you have been through and I will never know the depths of the love you have for each other." Ilan lamang ito sa mga mensahe ng pagbati ng mga netizens sa pagdating ng baby nila Skusta Clee at Zeinab Harake.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Taong 2018 nang magkakilala sina ang YouTube content creator na si Zeinab at si Skusta, na isang rapper at songwriter. Naging on and off ang relasyon ng dalawa, subalit noong July 2020, naging maugong ang balita na nagkabalikan na sila. December 2020 nang inanunsyo nila ang pagbubuntis ni Zeinab sa kanilang baby.

Masayang-masaya ang mga tagasuporta ng dalawa sa bagong blessing sa kanilang buhay.

Congrats, Zeinab at Skusta!

Partner Stories
The Secret to Faster Fever Recovery
The Secret to Faster Fever Recovery
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls
Ermenegildo Zegna Group redefines masculinity
Ermenegildo Zegna Group redefines masculinity
Danone Specialized Nutrition inspires healthier nutrition choices with its first regional campaign
Danone Specialized Nutrition inspires healthier nutrition choices with its first regional campaign

Source:

Youtube 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Zeinab Harake ipinanganak na ang baby girl nila ni Skusta Clee!
Share:
  • LOOK: Zeinab Harake and Skusta Clee having a baby girl!

    LOOK: Zeinab Harake and Skusta Clee having a baby girl!

  • Zeinab Harake: “Hindi ito mistake (pagbubuntis). Hindi ito karma, blessing ito galing kay God.”

    Zeinab Harake: “Hindi ito mistake (pagbubuntis). Hindi ito karma, blessing ito galing kay God.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • LOOK: Zeinab Harake and Skusta Clee having a baby girl!

    LOOK: Zeinab Harake and Skusta Clee having a baby girl!

  • Zeinab Harake: “Hindi ito mistake (pagbubuntis). Hindi ito karma, blessing ito galing kay God.”

    Zeinab Harake: “Hindi ito mistake (pagbubuntis). Hindi ito karma, blessing ito galing kay God.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.