LOOK: Zeinab Harake and Skusta Clee having a baby girl!

Ano kaya ang magiging pangalan ng kanilang baby?

Zeinab Harake baby girl ang unang baby! Mommy Zeinab naging very emotional at happy ng malaman ang gender ng kaniyang magiging anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Zeinab Harake baby gender reveal
  • Mensahe mula sa mga kaibigan nina Zeinab Harake at Skusta Clee
  • Pagbubuntis ni Zeinab Harake

Zeinab Harake baby gender reveal

Sa pinaka-latest vlog ni Zeinab Harake ay ibinahagi niya ang naging baby shower at gender reveal ng ipinagbubuntis niyang anak nila ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee. Ang event ginawa sa isang resort sa Subic na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Present sa very special event na ito ni Zeinab, ang mga kaibigan at kapwa vlogger niya na sina Donnalyn Bartolome at Jelia Andres kasama ang mister nitong si Jon Gutierrez. Hindi rin nawala sa event sina Loisa Andalo at Awra Briguela na malalapit na kaibigan rin nila Zeinab at Skusta.

Image from Erika Lee

Ayon nga kay Zeinab ay very happy siyang makasama ang mga ito sa isa sa pinaka-special na event sa buhay niya. Very excited rin siyang malaman na kung ano ang magiging gender ng baby niya.

“Nakaka-excite itong content na ito at isa ito sa pinakamagandang magiging content ko.”

Ito ang pahayag pa ni Zeinab.

Makikita sa ginanap na baby shower ni Zeinab na talaga namang ginastusan ito. Lalo na ang gender reveal na ginawa sa pamamagitan ng fireworks at pinanood nila Zeinab habang sila ay nasa isang yate. Dahil ayon kay Zeinab ay mahilig siya sa dagat kaya naman ito ang naisipan niyang theme para sa kaniyang baby shower at gender reveal.

BASAHIN:

WATCH: Alex Gonzaga at Mikee Morada, ikinasal na!

10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann

#TAPfluencer: Dra. Gellina Ann Suderio – Maala

Message from friends

Maliban kay Zeinab ay hindi rin maitago ang excitement ng pamilya at mga kaibigan niya sa gender ng kanilang magiging baby ni Skusta Clee. May kaniya-kaniya nga silang hula sa magiging gender nito. Isa na ang aktres na si Loisa Andalo na nagsabing babae ang ipinagbubuntis ni Zeinab dahil sa kapansin-pansin nitong ganda at glow,

“Feeling ko babae kasi ang ganda niya. Ang ganda niyang nagbuntis.”

Maliban nga sa pustahan at hulaan ay nagbahagi rin ng magagandang mensahe ang mga kaibigan ni Zeinab at Skusta sa bagong yugto na ito ng kanilang buhay. Majority nga sa kanila ay napansin ang pagbabago sa dalawa at umaasang maitatama na nila ang lahat sa pagdating ng baby nila.

“Actually, I'm happy for you guys. Lalo na kay Daryl (Skusta) kasi ang laki ng pinagbago niya.”

Ito ang pahayag ni Jon Gutierrez, mister ni Jelai Andres at miyembro rin ng grupong Ex-Battalion.

“Feeling ko kapag lumabas na si Baby Z, lahat ng maling nagawa ninyo siya magtatama noon.”

Ito naman ang pahayag na malapit na kaibigan ni Zeinab at vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Image from Zeinab Harake's Facebook account

Zeinab Harake’s baby girl

Mas nagiging madamdamin pa nga ang lahat ng malaman na ang gender ng baby nina Zeinab at Skusta sa pamamagitan ng kulay ng fireworks na pinanonood nila. Kulay blue para sa boy at kulay pink para sa girl. Nang makita nga ang kulay pink na fireworks ay napaiyak at napayakap si Zeinab sa boyfriend niyang si Skusta. Dahil nagkakatotoo nga ang wish niya at sa wakas magkaka-baby girl na siya.

“Hala. Gabi-gabi ko pinagprepray to na sana girl. Thank you, Lord. First time ko nagkaroon ng wish na natupad.”

Ito ang maiyak-iyak na pahayag ni Zeinab ng malaman ang gender ng kaniyang magiging anak.

Sa ngayon ay wala pang naiisip na pangalan sina Zeinab at Skusta sa magiging anak nila. Bagamat marami ng suggestions ang mga fans nila. Tulad nalang ng pinagsamang pangalan ng dalawa na Zeiryl.

Zeinab Harake’s pregnancy

Image from Zeinab Harake's Facebook account

Matatandaang Disyembre 10 nitong nakaraang taon ng i-reveal ni Zeinab ang kaniyang pagbubuntis. Ginawa niya ito kasabay ang pagdiriwang niya ng kaniyang ika-22 kaarawan. At ang pagsasa-publiko na sila ni Skusta o Daryl Ruiz sa totoong buhay ay nagkabalikan na. Hindi man naging maganda noong una ang takbo ng relasyon nila Zeinab at Skusta na sinubaybayan ng marami sa social media, ayon kay Zeinab isang napaka-gandang blessing ang pagbubuntis niya. Sa katunayan, sa buong buhay niya, ngayon lang daw siya naging sobrang saya at excited.

“Hindi ito mistake. Hindi ito karma, blessing ito galing kay God. Ito 'yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Nag-ienjoy ako. Tumatalon yung puso ko kapag nag-lolook forward ako sa mga mangyayari. Kasi at least ngayon magkakaroon na ko ng sariling pamilya ko na matatawag kong akin.”

Ito ang pahayag ni Zeinab ng ibahagi niya sa publiko ang kaniyang pagbubuntis.

Sa ngayon si Zeinab ay nasa pang-limang buwan na ng kaniyang pagbubuntis. Tulad ng maraming buntis ay naglihi rin siya. Isa nga daw sa pinaglihian niya ay ang boyfriend na si Skusta Clee na ayaw niyang nawawala sa tabi niya.