X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Zeinab Harake on body after pregnancy: "Hiyang-hiya akong ipakita ang itsura ko..."

4 min read
Zeinab Harake on body after pregnancy: "Hiyang-hiya akong ipakita ang itsura ko..."

Postpartum is real ayon kay Zeinab kaya hangga’t maari sana ay mag-ingat umano sa mga sasabihin sa mga babaeng bagong panganak.

Zeinab Harake body shaming should stop!

Sa artikulong ito ay mababasa ang sumusunod:

  • Zeinab Harake on body shaming: WRONG!
  • Mensahe ni Zeinab sa mga mahilig mag-body shaming.

Zeinab Harake on body after pregnancy

Ang pinakabagong vlog post ng vlogger at first time mom na si Zeinab Harake ay patungkol sa body shaming na natatanggap ng mga ina habang buntis at matapos makapanganak.

Ayon kay Zeinab, tulad ng maraming mommies siya rin ay nakakaranas ng body shaming. Ito ay mula sa mga fans at followers niya na pinupuna ang pangangayayat niya ngayon. May isa pa siyang fan na sinabihan siyang pumanget simula ng magkaanak.

Pagbibiro ni Zeinab ay maaring siya lang umano ang ginagawang pagpapagan ng stress ng fan niyang iyon. Pero pagseseryoso niya hindi dapat ginagawang katatawanan o kinukutya ang itsura ng tao.

Lalo ng mga inang tulad niya na dumadaan sa matinding pagbabago ang katawan bago at matapos makapanganak.

“Marami akong chismis na tinatago as in 'yong likod punong-puno rin ng pimples dahil din sa hormones ko siguro hindi ko maintindihan. 'Yong underarm ko hindi ganoon ka-perfect, nagkaroon ako ng cellulites.”

Zeinab Harake: “Hiyang-hiya naman akong ipakita 'yong itsura ko noong mga panahong manas ako!”

Zeinab Harake body shaming Image from Zeinab Harake's Facebook account

Ilan lamang umano ito sa naging pagbabago sa katawan ni Zeinab ng magkaanak. Dagdag pa niya ay may time pa nga umano noon na hiyang-hiya siyang lumabas dahil sa itsura niya.

Dagdag pa rito, ang gulo sa utak niya kung saan siya lulugar. Dahil noong mataba siya ay may mga negative comments na siyang natatanggap. Kahit ngayong payat na siya ay may nasasabi pa rin ang mga tao sa kaniya.

“Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kasi noong mataba ako hiyang-hiya naman akong ipakita 'yong itsura ko noong mga panahong manas ako. Kasi ang dami kong narereceive na comment na "Ang taba mo na.!","Losyang ka na!", ganito, ganyan.”

Kaya pakiusap ni Zeinab sa mga nagbobody shame sa kaniya, tigilan na ito. Dahil hindi nila alam kung anong pinagdadaanan ng katawan niya ngayon. Kahit siya mismo ay hindi ito maipaliwanag dahil gustuhin man niyang kumain ng kumain ay hindi niya magawa.

“Hindi ninyo naman kasi alam kung anong pinagdadaanan ng katawan ko ngayon. Gustuhin ko mang kumain, walang nagpipigil.

Gusto ko pero hindi ko magawa. Kasi nga kakapanganak ko lang. Limang buwan palang akong nanganak. Huwag ninyo pong madaliin kung anong dapat kong gawin.”

BASAHIN:

New mom Kylie Padilla responds to body shaming

Mom with postpartum panic disorder: “I cry every time I’m scared. My baby suffered from my situation.”

15 na pagkain na dapat kainin ng bagong panganak na babae

Zeinab Harake on body shaming: Tigilian ninyo na 'yan!

Zeinab Harake body shaming Image from Zeinab Harake's Facebook account

Pakiusap pa ni Zeinab sa mga taong mahilig mag-body shame wala itong naitutulong. Lalo na sa mga taong may pinagdadaanang depresyon na maaaring lumala pa dahil dito.

“Hindi dapat sine-set yung utak ng tao na kapag namayat si ganito sasabihan mong nag-adik na siya o wala ng makain.

Kapag nanaba pinapabayaan yung sarili, laging nakatambay sa kusina. Tigilan ninyo 'yan! Stop body shaming. Hindi siya nakakatulong kasi hindi ninyo alam kung anong pinagdaanang depresyon ng ibang tao.”

Para naman sa mga may kilalang buntis o babaeng bagong panganak, pakiusap pa ni Zeinab ay dapat mas lalong maging maingat sa mga sasabihin sa kanila.

Sapagkat hirit niya totoo ang postpartum at hindi dapat maliitin. At bawat salitang binibitawan sa kanila ay maaring makasakit ng hindi sinasadya sa kanilang damdamin.

“Ingat sa mga sasabihin kasi konti lang masabi ninyo, minamasama namin lahat. Iyon yung postpartum. Postpartum is real.”

Zeinab may sagot sa mga nagsasabing hindi niya inaalagaan ang anak na si Bia

Zeinab Harake on body after pregnancy: Hiyang-hiya akong ipakita ang itsura ko...

Image from Zeinab Harake's Facebook account

Sinagot rin ni Zeinab ang mga comments na hindi niya umano inaalagaan ang anak niyang si Bia. Paliwanag niya kahit busy umano sila ng boyfriend na si Daryl sa kanilang mga career ay hindi umano nila ito pinapabayaan.

“Kailangan bang may camera kapag aalagaan ko iyong anak ko? Kailangan ba everytime hahawakan ko 'yong anak ko, i-popost ko i-vlovlog ko?”

“Nagwo-work kami para sa anak namin. Hindi rin ibig sabihin nun na napapabayaan namin 'yong pag-aalaga sa anak namin.

Dahil in the first place hindi ninyo naman kami kasama sa bahay so hindi niyo nakikita kung ano nangyayari sa loob ng bahay.”

Para naman sa mga followers niya na patuloy na inuungkat ang isyu nila ng boyfriend na si Daryl Ruiz o Skusta Clee noon. Ito ang masasabi ni Zeinab.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“'Yong mga isyu ko noon, ibaon niyo na yan kasi ako ayoko na talaga siyang alalahanin.”

 Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Zeinab Harake on body after pregnancy: "Hiyang-hiya akong ipakita ang itsura ko..."
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.