Zeinab Harake engaged na kay Ray Parks. Tingnan dito ang naging wedding proposal ng basketbolista sa kilalang vlogger.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Zeinab Harake engaged na kay Ray Parks.
- Reaksyon ni Zeinab sa surprise wedding proposal ni Ray Parks.
Zeinab Harake engaged na kay Ray Parks
Marami ang nagulat sa bagong social media post ni Zeinab Harake kagabi, July 7, 2024. Dahil sa pinakabago niyang update si Zeinab ay engaged to be married na sa fiancé niya na ngayong si Ray Parks. Ang kuwento ng kanilang engagement story ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang YouTube channel. Doon makikita kung paano nagsimulang pagplanuhan ni Ray Parks ang wedding proposal niya kay Zeinab. At kung paano siya nagpaalam sa mga magulang nito at kapatid na aalukin niya na ng kasal ang kilalang vlogger.
Ang Lebanese father ni Zeinab botong-boto kay Ray Parks. Ito nga ang naging mensahe niya sa soon-to-be-son-in-law ng magpaalam ito na magproprose na siya ng kasal.
“You are the guy I really hope and wish for my daughter. I wish you all the best guys and I wish to see those kids full of love, full of care. I love you both children. You are my kids.”
Ito ang nasabi ng ama ni Zeinab kay Ray Parks.
Reaksyon ni Zeinab sa surprise wedding proposal ni Ray Parks
Sa video ng wedding proposal ni Ray kay Zeinab ay makikitang walang kaalam-alam ang vlogger. At hindi mapigilan nitong maiyak ng makita ang “Marry Me” sign sa likod na nakatayong si Ray na naghihintay sa pagdating niya. Lalo na ng nagsimula itong magsalita. Ito nga ang naging mensahe ni Ray kay Zeinab bago ito tuluyang sumagot ng “Yes”.
“Proverbs 18:22 says, that he who finds a wife, finds a good thing and obtains favor from the Lord. I believe God brought us together as a token for his love for us. I am truly blessed to call you my best friend, my lover and my biggest supporter. So I hope you feel the same towards me.”
“I want to continue to build a Christ centered relationship in which I will lead and serve you with the best of my abilities. Your genuine, loving, compassionate heart are the crown of your beauty. You and the kids are my home and I can imagine life with you all.”
Sa naging mensahe ni Ray ay hindi mapigilang lalong maiyak ni Zeinab. Naging mabilis rin ang pagsagot nito ng “Yes” sa basketbolista.
Matapos ang naging proposal, si Zeinab may naging paalala kay Ray.
“Wag mo kaming sasaktan ha. Hindi ako nagbabanta, nagreremind lang ako especially the kids.”
Ito ang sabi ni Zeinab kay Ray.
Nang matanong naman tungkol sa reaksyon niya sa wedding proposal ni Ray, ito ang nasabi ng kilalang vlogger.
“Hindi ako naniniwala sa kasal dahil narin sa mga pinagdaanan ko sa buhay. Pero nung dumating si Ray nakita ko yung sarili ko na mag-sesettle ako sa taong ‘to.”
“Masaya ako. Hindi ko ini-expect na matapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa buhay may lalaki pa palang handang saluhin ako.”
Ito ang sabi pa ni Zeinab.
Ang naging wedding proposal ni Ray kay Zeinab, nasaksihan hindi lang ng mga kapatid, kapamilya at kaibigan ni Zeinab. Naroon rin ang dalawa niyang anak na si Bia at Lucas na “yes” rin ang sagot sa pag-alok ng kasal ni Ray sa kanilang mommy.
Congrats Ray and Zeinab!