Zeinab Harake: “Hindi ito mistake (pagbubuntis). Hindi ito karma, blessing ito galing kay God.”

Boyfriend ni Zeinab na si Skusta excited narin sa pagiging ama!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zeinab Harake excited ng maging ganap na mommy sa baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pregnancy ni Zeinab Harake
  • Announcement ni Zeinab Harake sa kaniyang pagbubuntis
  • Relasyon ni Zeinab Harake at Skusta Clee

Zeinab Harake buntis sa kaniyang first baby!

Nitong Disyembre 10 ay isang rebelasyon ang ibinunyag ng vlogger na si Zeinab Harake sa kaniyang YouTube channel. Ayon kay Zeinab na nagdiriwang din ng kaniyang ika-22 kaarawan noong araw na iyon, sila ng kaniyang boyfriend na rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa totoong buhay ay nagkabalikan na. Ang mas ikinagulat na balita ng marami’y sila’y magkakaanak na. Sapagkat ipinagbubuntis ni Zeinab ang kanilang unang anak.

Image from Zeinab Harake’s Facebook account

Pahayag ng dalaga, ito ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa kaniyang kaarawan; pati na rin sa buong buhay niya, ngayon lang umano siya naging sobrang saya at excited.

“Hindi ito mistake. Hindi ito karma, blessing ito galing kay God. Ito ‘yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Nag-ienjoy ako. Tumatalon ‘yung puso ko kapag naglo-look forward ako sa mga mangyayari. Kasi at least ngayon magkakaroon na ko ng sariling pamilya ko na matatawag kong akin.”

Ito ang pahayag ni Zeinab sa kaniyang vlog.

Paano niya nalaman na siya’y buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahapon sa vlog ng TV host na si Toni Gonzaga ay mas nagbigay pa ng detalye si Zeinab tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ayon kay Zeinab, siya ngayon ay nasa pang-4 na buwan na ng kaniyang pagbubuntis. Nalaman niya ang magandang balita nitong Oktubre na akala niya noong una ay dahil lang sa sumpong ng acid niya.

“Akala ko kasi nung time na ‘yun may acid ako. Niresetahan na ako ng antibiotics para sa acid ko. Pero sabi ko parang may something talaga e.”

“Ang masakit sa ‘kin ‘yung balakang ko. Para akong natatae na hindi ko maintindihan. Tapos parang times 10 ‘yung sakit ng puson ko.”

Ito ang pagkukuwento ni Zeinab kay Toni. Kaya para makasigurado ay kumuha umano ng second opinion si Zeinab. Dito niya na nga nakumpirma ang kaniyang pakiramdam na siya nga’y nagdadalang-tao. Dahilan kung bakit nanakit ang kaniyang puson ay mababa ang kaniyang dinadalang sanggol.

“Kumuha ako ng 2nd opinion. Nagpunta ako sa OB pagpasok palang ng ultrasound. “Oh you’re pregnant”, sabi ng doktor. Iyak na ako”, pagkukukwento pa ni Zeinab.

Paano niya sinabi ang balita sa boyfriend na si Skusta Clee?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Skusta Clee’s Facebook account

BASAHIN:

Jessy Mendiola: A friend “ruined” Luis’s proposal

Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

#AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

Noong una’y hindi umano alam ni Zeinab kung paano sasabihin sa boyfriend ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Iyak lang umano siya nang iyak dahil sa magkakahalong emosyon. Sa tulong ng kaniyang mga assistant ay nasabi rin ni Zeinab kay Skusta ang magandang balita. Hindi niya nga inaasahan ang naging reaksyon nito.

“Binigay ng PA ko sa kaniya ‘yung papel, ‘yung ultrasound, yung PT. Nakayuko lang ako, 30 minutes lang akong nakayuko. Iyak ako ng iyak. Nakatulala lang siya sa akin. Tapos maya-maya nagtatalon na siya. Sabi niya ayan na ayan na. Masaya siya.”

Kuwento pa ni Zeinab, taong 2018 pa ng magplano sila ng boyfriend na si Skusta na magkaaanak na. Pero dahil sa mga nangyari sa kanilang relasyon at dahil sa lifestyle ni Zeinab ay hindi ito agad naging posible.

Hanggang sa nitong magsimula ang COVID-19 pandemic, nag-desisyon si Zeinab na itigil na ang mga bisyo niya. Nagsimula siyang mabuhay ng healthy na paniniwala niya’y nakatulong para siya ay mabuntis na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nag-healthy living ako. Tinigilan ko ‘yung alak. Kumakain lagi ako ng food na walang oil. ‘Yung workout ko morning at night.”

Ito umano ang ilan sa ginawa ni Skusta na pagbabago sa kaniyang lifestyle.

Pagbabago sa kaniyang buhay dulot ng kaniyang pagbubuntis

Image from Zeinab Harake’s Facebook account

Dahil sa pagbubuntis, maraming naging pagbabago sa buhay ni Zeinab. May mga realization at fear din siya na mas nagpapadagdag pa ng pagiging very emotional niya sa ngayon. Lalo na pagdating sa relasyon nila ni Skusta na naging usap-usapan o nag-trending ngayong taon.

“Umiiyak ako kasi natatakot ako kung anong sasabihin ng tao, kung anong sasabihin ng family ko. Kakainin ako ng lupa, wala akong mukhang maihaharap. Kasi ang dami ko ng nabitawang salita. Ang dami ng may ayaw kung anong meron sa amin.”

Pero ayon kay Zeinab, ang mga nangyari sa kaniya’y leksyon na nagbigay sa kaniya ng aral. Aang mga natutunan niyang aral na mga ito ay i-apply niya sa kaniyang bagong role ngayon.

“Ayusin ko talaga. Hndi lang para sa lahat lalo na para sa baby. Dumating man ‘yung araw na hindi kami para sa isa’t isa, masabihan man ako ng marupok, tanga or what wala na ko pakialam dun. Kasi ito ‘yung bagay na hindi makukuha sa akin. Trophy ko na ‘to. Habang buhay na trophy ko na to. Hindi ‘yung pangalan ko as YouTuber. ‘Di ‘yung pangalan ko na girlfriend lang. Hindi ‘yung pangalan ko na anak lang, pangalan ko as nanay na.”

Ito ang pahayag pa ni Zeinab.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, ayon parin kay Zeinab, isa sa pagkaing pinaglilihian niya ay spaghetti. Ayaw na ayaw niya ring nawawalay sa boyfriend na si Skusta Clee. Sa katunayan, mula ng makumpirmang siya nga ay buntis ay nagsasama na sila sa iisang bahay. Ito ay para mabantayan daw ang pagbubuntis ni Zeinab at maging handa sila sa kanilang bagong papel sa buhay.

Source:

YouTube Video

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement