theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

REAL STORIES: Let's go for zero waste parenting!

5 min read
•••
REAL STORIES: Let's go for zero waste parenting!REAL STORIES: Let's go for zero waste parenting!

I am Melody, first time mom. Aside from being BakuNanay, I am a breastfeeding advocate and cloth diapering mama. I am a VIPParent with theAsianparent.

Bago kami magkaroon ng anak, hilig na talaga namin ng partner ko ang umakyat ng bundok kaya naman isa sa mga naging advocate ko ang pangalagaan ang kalikasan.

Challenging para sa isang kagaya ko na full time working at first time mom ang magshift sa Ecofriendly Lifestyle lalo na kailangan mo talagang maging committed para maging successful ang journey na ito.

Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang ganitong lifestyle dahil nais ko na sa paglaki ng anak ko ay maranasan niya pa rin ang sariwang hangin at magandang kapaligiran kaya gusto ko na i-share and advocacy ko sa ibang magulang.

Road to zero waste parenting

Here are my basic guide for Zero-waste Parenting:

zero waste movement

Zero waste parenting

1. Change of lifestyle

Isa sa mga major factor para maging succesful ang zero waste lifestyle ay ang pagbabago ng iyong nakaugalian sa iyong pang araw araw na buhay.

May mga bagay na sa tingin ng nakararami ay convenient ngunit maaari magdulot ng karagdagang basura. Halimbawa na lang ang pag gamit ng disposable spoon or fork sa mga fastfood or handaan sa halip na bamboo/stainless na spoon and fork. Mahalaga na sa umpisa palang may mayroon ka nang clear vision kung bakit gusto mo ipagpatuloy ang lifestyle na ito.

Maraming paraan upang maiwasan ang pagtatapon ng basura pwede kang mag-recycle, resell/donate, repair or repurpose.

2. Choose reusable cloth diaper and cloth wipes

Imagine kung gumagamit ka ng walong (8) disposable diapers kada araw, katumbas iyon ng halos tatlong libong (3,000) disposable diapers na tinatapon kada taon.

Instead of using disposable diapers and baby wipes gumagamit kami ng cloth diapers and cloth wipes for my baby. Pero kung wala naman cloth diapers pwede ka naman gumamit ng traditional na lampin. We started using cloth diapers during lockdown at sobrang laking bagay na naitulong sa amin.

Una, hindi na namin kailangan lumabas para bumili ng diapers at baby wipes. Sa pag gamit ng cloth diapers at cloth wipes, hindi ka lang nakabawas sa basura pero malaki rin ang pwede mo matipid sa pag gamit nito. Kailangan mo lang mag-invest ng sapat na stash para sa pang araw-araw na gamit ni baby at pwede kang maka-save ng malaki. Pwede mo pa siya gamitin hanggang mag potty train at itabi para sa iyong next baby.

Aside sa pagiging eco friendly, budget friendly, bum friendly din ang mga cloth diapers and cloth wipes. Safe for baby dahil walang chemicals unlike ng mga disposable diapers at wipes.

3. Breastfeeding

Maraming benefits ang breastfeeding. Bukod sa healthy ito para sa ating anak malaki rin ang maitutulong nito para mabawasan ang tinatapong basura sa kalikasan.

Sa breastfeeding, maiiwasan natin ang pagbili ng mga formula milk na kung saan nakakatulong upang mabawasan natin ang basura na nagmumula sa packaging at manufacturing waste.

Kung isa ka naman pumping mom, pwede kang gumamit ng mga milk storage bottles instead of plastic milk storage.

Zero waste parenting

Zero waste parenting

4. Preloved items

Bilang first time parent, nais natin ang “best” at maganda para sa ating mga anak. Ngunit hindi nangangahulugan na kailangan lahat ay bago at maganda ang ipagamit sa kanya. Walang masama sa pag gamit ng preloved items maging mapanuri at maging maingat lang sa pag gamit nito.

Hindi ko kinakahiya na karamihan ng gamit ng anak ko ay preloved mula sa highchair, walker, stroller at rocker. Wala kaming binili na bago lahat ng ito ay bigay mula sa mga kaibigan or kakilala. Pag dating sa damit ng newborn, mas mainam rin na bumili ng malalaking sizes dahil mabilis maliitan ang mga damit na pangbata.

Paminsan minsan ay bumibili din ako ng preloved na damit na pangbata. Maging maingat lang sa pagkilatis ng item. I-check maigi ang conditions ng bawat bibilhing preloved items.

5. Home made baby food

Isa sa mga exciting part ng pag-aalaga ng baby ay kapag nagsisimula na siyang kumain ng solid food. Sa halip na bumili ng mga processed baby food sa mga groceries stores, mas mainam na mag-prepare ng homemade food.

Bukod sa mas healthy ito, maiiwasan rin ang pagtapon ng mga basura mula sa packaging nito (pouches, jars etc.). Madali lang ang pag prepare ng mga baby food. Mula sa prutas or gulay kagaya ng kalabasa o patatas maaari mo silang pakuluan para lumambot at gawin puree at maaari mo ring haluan ng breastmilk para mas lalong maging healthy.

I hope na marami kayong matutunan sa pagbabasa nito.

Alam ko na sa simula ay mahirap baguhin kung ano ang kinagisnan pero bawat effort na tuluyang alisin or mabawasan ang basura sa paligid mo ay malaking tulong para sa kalikasan.

Maaaring para sa iba ay time consuming at hindi convenient ang lifestyle na ito pero kagaya nga sinabi ko sa umpisa kailangan maging committed ka at maging clear sa vision mo kung bakit mo ito ginagawa ito.

 

#ZeroWasteMovement
#TAPMOM
#VIParents
#TAPWriter

Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Rhezza Melody Ang

  • Home
  • /
  • Real Stories
  • /
  • REAL STORIES: Let's go for zero waste parenting!
Share:
•••
  • 4 na paraan para bawasan ang pag-gamit ng plastic sa tahanan

    4 na paraan para bawasan ang pag-gamit ng plastic sa tahanan

  • REAL STORIES: "After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again."

    REAL STORIES: "After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again."

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

app info
get app banner
  • 4 na paraan para bawasan ang pag-gamit ng plastic sa tahanan

    4 na paraan para bawasan ang pag-gamit ng plastic sa tahanan

  • REAL STORIES: "After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again."

    REAL STORIES: "After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again."

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • Community
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
  • Edad at Yugto
  • Pagiging Magulang
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • Press Room
  • Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Guidelines ng Community
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app