Marian Rivera to Zia Dantes on her 8th birthday: “Happy Birthday to the sweetest princess in the world!”

Tingnan dito ang mga larawan sa naging 8th birthday celebration ng panganay nila Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zia Dantes naging real-life princess sa kaniyang 8th birthday.

Mababasa dito ang sumusunod:

Zia Dantes 8th birthday celebration

Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera

Nitong November 23 ay nagdiwang ng kaniyang 8th birthday ang panganay nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia. Maliban sa simpleng birthday celebration kasama ang kaniyang mga kaklase at kaibigan sa kanilang bahay ay may bonggang birthday celebration na inihanda ang aktres na si Marian Rivera para sa kaniyang anak.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Marian ang ilang eksena sa Descendant’s theme birthday ng anak na si Zia. Ang Descendants ay isang Disney produced film na tungkol sa mga anak ng villains tulad nina Cruella de Vil, Jafar at Maleficent. Si Zia ang anak ni Maleficent na si Mal ang naging inspiration sa kaniyang birthday costume.

Makikita nga sa maikling video na ibinahagi ni Marian sa birthday celebration ng anak na talagang na-project nito ng maayos ang kaniyang character. Makikita rin na nagbihis naman bilang isang cute little prince ang bunsong anak nila Marian na si Sixto. At ang venue talagang naayosan at nagbigay sa mga guest ng feeling na sila ay nasa isang enchanted forest.

Nagbigay rin si Zia ng special number sa kaniyang mga guest sa pamamagitan ng pagkanta. Ang panganay nila Marian at Dingdong unti-unti na talagang nagdadalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Birthday message ni Marian Rivera sa anak na si Zia Dantes

Si Marian nagbigay rin ng mensahe sa kaniyang panganay na anak sa 8th birthday celebration nito. Ito ang mensahe ni Marian kay Zia.

“Happy Birthday to the sweetest princess in the world! Wishing you a day filled with love, laughter, and endless joy. May all your dreams come true. Love you always!”

Ito ang mensahe ni Marian kay Zia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang panayam ay ibinahagi rin ni Marian ang naging regalo niya kay Zia sa birthday nito. Ayon kay Marian, very simple lang ang kaligayahan ng anak niya. Nito ngang birthday niya, notebooks at mga gamit para sa hilig ni Zia na arts and crafts ang niregalo niya para sa anak.

Larawan mula sa Facebool account ni Marian Rivera

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement