Dingdong Dantes may open letter sa anak na si Zia matapos itong mag-compete sa isang swimming competition. Aktor, proud sa achievement ng anak sa bata nitong edad.
Mababasa dito ang sumusunod:
Open letter ni Dingdong Dantes sa anak na si Zia
Nasa Davao ngayon ang aktor na si Dingdong Dantes para i-promote ang kaniyang bagong proyektong ginagawa. Si Dingdong hindi nasaksihan ang naging paglaban ng anak na si Zia sa isang swimming competition. Kaya naman sa Instagram ay ipinakita niya ang pagiging proud sa anak na tinanghal na “most outstanding swimmer” sa naturang kompetisyon.
Sa isang open letter para kay Zia ay sinabi ni Dingdong kung gaano siya ka-proud sa naging improvement ng anak mula ng nagsisimula palang itong sumali ng mga competitions. Hanggang sa ngayon na ito ay nananalo na at ipinapakita ang kaniyang best sa kaniyang ginagawa.
View this post on Instagram
Mensahe ni Dingdong sa anak na si Zia
Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera
Sabi pa ni Dingdong, manalo man o matalo ang anak na si Zia sa mga sinasalihan nitong contest proud siya sa achievement ng anak sa bata nitong edad. Lalo na sa passion at dedication na ipinapakita niya sa napiling sport.
“Please understand that regardless of the outcome, I am already incredibly proud of the dedication, passion, and enthusiasm you bring to this sport.”
Nabanggit niya rin ang ginagawang suporta ng misis na si Marian Rivera sa anak. Nag-iwan din siya ng paalala at inspiring message sa anak na si Zia. Mensahe na hindi lang maaapply nito sa paglangoy kung hindi pati narin sa pagharap nito sa buhay habang siya ay lumalaki.
“In the pool, as in life, every stroke you take not only propels you forward. But also reflects your commitment and resilience. Embrace the water’s hold, for within its depths, you discover your true strength. Keep pushing, keep swimming, and let the currents of determination guide you to greatness.”
Ito ang mensahe ni Dingdong Dantes sa anak na si Zia.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!