LOOK: Zia Dantes bakunado na kontra COVID

Maliban kay Zia, iba pang celebrity kids nabigyan na rin ng first dose na proteksyon laban sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zia Dantes nabakunahan na rin ng COVID vaccine. Inang si Marian Rivera proud sa bravery ng anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Zia Dantes COVID vaccine experience.
  • Mga dapat malaman tungkol sa pagbabakuna ng mga batang edad 5-11 anyos.

Zia Dantes nabakunahan na rin ng COVID vaccine

Kahapon sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi ng aktres na si Marian Rivera na nabakunahan na rin ng COVID vaccine ang panganay niyang si Zia.

Siya ay kasama sa mga batang unang nabigyan ng first dose ng COVID vaccine para sa mga batang edad 5-11 anyos. Si Zia ay anim na taong gulang na.

Sa larawang ipinost ni Marian, makikitang kandong si Zia ng ama niyang si Dingdong Dantes at naka-thumbs up ito matapos mabakunahan. Kaya naman ang ina niyang si Marian napa-good job sa katapangan ng anak at sa pagiging mabuting halimbawa nito sa ibang bata.

Image courtesy of La Belle Fete

“Ate Zia received her 1st dose of Covid-19 vaccine. Good job Ate Z!”

Ito ang caption ng post ni Marian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Zia ay nabigyan ng kaniyang first dose noong February 7. Ito ay ang pilot rollout ng pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos.

Naging fun at hindi nakakatakot ang kaniyang naging COVID experience dahil na rin sa kid friendly drive thru vaccination set-up na inihanda ng Pediatrico Clinic sa Muntinlupa City, Alabang.

Maliban sa hindi na kailangan pang bumaba ng sasakyan para magpabakuna, puno rin ang venue ng mga balloons at mascots ng mga paboritong cartoon characters’ ng mga bata.

Iba pang celebrity kids na nabakunahan na ng COVID vaccine

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image courtesy of La Belle Fete

Sa parehong venue rin nagpabakuna ng COVID vaccine ang mga anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na sina Luna at Lucho. Ganoon din ang bunsong anak ng aktres na si Marjorie Barretto na si Erich. Siya ay 9 na taong gulang.

Ayon sa Instagram post ni Marjorie, ang pagbabakuna ng unang dose ng COVID vaccine in Erich ay answered prayer para sa kanila. Sapagkat ito na lang ang hindi nabibigyan ng COVID vaccine sa kanilang bahay. Kaya naman alalang-alala sila para rito.

“Another answered prayer for us. Erich was the only one unvaccinated in our home, and each time someone close to us gets covid, we worry sick over her.”

Ito ang pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Ngayon na nabigyan na ito ng first dose ng COVID vaccine ay panatag na si Marjorie. Kaya naman nagpasalamat siya sa mga doktor na naging bahagi ng fun at successful vaccine experience ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you DOH and to our favorite Doctor @ayenuguid. Along with @romeonuguidmd and so many other doctors and nurses for an organized vaccination yesterday. One step towards healing and finally our children can fight covid. #Pediatrico #DOH #resbakunakids”

Ito ang sabi pa niya sa kaniyang post.

Image courtesy of La Belle Fete

BASAHIN:

Parents, here’s what you need to know about COVID-19 Pfizer vaccine for kids under 12

LOOK: Judy Ann Santos sinamahan ang mga anak na si Luna at Lucho na magpabakuna laban sa COVID

Danica Sotto to kids na naghiwalay ang parents: “Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi… You are not broken”

Mga dapat malaman tungkol sa COVID-19 vaccine para sa mga bata

Hindi ang Pilipinas ang unang bansa na magbibigay ng COVID vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos. Sa katunayan, sa Amerika ay ginagawa ito simula pa noong nakaraang taon.

Ang COVID-19 vaccine ay libreng ibinibigay sa bawat Pilipino. Ipinapaalala lang na ang mga may comorbities ay mag-present ng kanilang medical clearances sa oras na sila ay magpapabakuna.

Para sa mga batang 5-11 anyos, ang mga guardian o magulang ng bata ay dapat ding magpakita ng patunay sa relasyon nila sa batang babakunahan tulad na lang ng birth certificate nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 anyos ay ibinibigay sa dalawang dose na may 3 linggong pagitan o interval. Ang dosage nito ay 10 micrograms na mas mababa sa mga ibinibigay sa mga batang edad 12-anyos pataas.

Nakatakda naman ang pagsisimula ng national rollout ng COVID vaccination sa mga batang edad 5-11 anyos itong katapusan ng Pebrero.

Apela ng gobyerno sa mga magulang, pabakunahan na ang inyong anak. Ito ay napatunayang safe para sa mga bata. At ang natatanging pinakamabisang proteksyon nila laban sa kumakalat na sakit na COVID-19.

Paghahanda rin umano ito sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes na higit dalawang taon na ring ipinagkait sa mga bata ng kumakalat na sakit.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

PNA