Sarah Lahbati sa 11th birthday ng anak na si Zion: “Happy 11th birthday to my angel”

Aktres na si Sarah Lahbati sinabing nabago ang buhay niya ng dumating si Zion.

Zion Gutierrez nagdiwang ng kaniyang 11th birthday. Ina ni Zion na si Sarah Lahbati may mahaba at emosyonal na mensahe para sa anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Zion Gutierrez nagdiwang ng kaniyang 11th
  • Mensahe ni Sarah Lahbati sa anak.

Zion Gutierrez nagdiwang ng kaniyang 11th birthday

zion gutierrez 11th birthday Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Labing-isang taon na ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion. Ang karaawan nito masayang ipinagdiwang sa pangunguna ng kaniyang ina na si Sarah Lahbati. Ito ay inspired ng sikat na anime na One Piece.

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ni Sarah na hindi lang si Zion ang nag-enjoy sa kaniyang special day. Sobrang nag-enjoy rin ang kapatid nitong si Kai, ganoon narin ang kanilang mga bisita.

Mensahe ni Sarah Lahbati sa anak

Samantala, si Sarah may mahaba at emosyonal na mensahe sa panganay niyang si Zion sa kaarawan nito. Ang kaniyang anak ay tinawag pa nga niyang kaniyang angel na binago daw ang buhay niya magmula ng dumating ito.

sarah lahbati and kids Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

“Happy 11th birthday to my angel, Zion. ? from the moment you were in mom’s tummy, you changed my life for the better.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Sarah sa kaarawan ng anak.

Pangako pa niya sa anak ay lagi lang siyang nakasuporta at laging nasa tabi nito.

“I adore you more than words can express, and i pray that God continues to bless and guide you as you blossom into the remarkable young man you are becoming. I promise to always be by your side, supporting you every step of the way. love you to the moon and back. ???”

Ito ang sabi pa niya sa anak.

Ang dating beauty queen at tiyahin ni Zion na si Ruffa Gutierrez may pagbati rin sa kaniyang pamangkin. Ito ang pagbati at paalala niya kay Zion sa 11th birthday nito.

ruffa gutierrez with zion gutierrez Larawan mula sa Instagram

“HAPPY 11th BIRTHDAY, ZION!??? Your presence fills our lives with such immense love & happiness. Continue to spread kindness, study hard, and always be a good boy. May your future be filled with endless possibilities. ??

We love you so much! ????”

Ito ang mensahe ni Ruffa sa 11th birthday ni Zion.

Ang lola ni Zion na si Anabelle Rama may pagbati rin sa isa sa mga favorite niyang apo.

"Today is the birthday one of my favorite Apo, My cute zion lola loves you very very very much alam mo yan zion everytime you and kai are in whiteplaines nakikita ko happy happy kayong dalawa ni kai, lahat ng gusto niyo binibigay ni lola i love you zion mwah. ❤️❤️❤️❤️❤️"

Ito ang mensahe pa ni Annabelle sa kaniyang apong si Zion.

anabelle rama with zion gutierrez Larawan mula sa Instagram

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!