Sarah Lahbati son na si Zion nalalapit ng mag-eleven years old. Aktres, paano nga ba nababalanse ang pag-aalaga sa mga anak at pag-aartista.
Mababasa dito ang sumusunod:
Sarah Lahbati son Zion
Sa Instagram ay nagbahagi ang aktres na si Sarah Lahbati ng ilang bagong larawan ng anak niyang si Zion. Isa na nga rito ang kuha nito na nakaupo sa isang bangka. Si Sarah medyo naging emosyonal ng ibahagi ang larawan ng anak na nalalapit ng magdiwang ng kaniyang 11th birthday itong April 29.
“This not so little guy turns 11 soon.”
Ito ang caption ng post ni Sarah sa kaniyang IG stories kalakip ang white heart at teary eyed emoji.
Sa kaniyang pinakalatest IG post ay nagbahagi rin si Sarah ng larawan ni Zion na nasa school event. Doon makikita na talagang nagbibinata na talaga ito.
Noong nakaraang buwan din ay nagdiwang ng kaarawan ang bunso niyang si Kai. Ito ay anim na taong gulang na ngayon. Si Sarah ito ang naging mensahe sa kaniyang anak.
“I’m so lucky to be your mom, Kai. your smile is the most contagious blessing in the world. no words can express how much I love you and Zion. six years… of joy. Happy birthday, bubba. Momma will forever and always be by your side.”
Ito ang sabi pa ni Sarah.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
Pagiging ina ni Sarah sa mga anak
Si Sarah kaliwa’t kanan ang proyekto sa pag-aartista. Pero sa kabila nito ay hindi siya nawawalan ng oras sa mga anak niya. Paano nga ba nababalanse ni Sarah ang pag-aartista at pagiging ina. Ito ang pahayag niya sa isang panayam.
“I found the simplicity of staying organized. Writing down my schedule for the week ahead, writing down Zion’s, Kai’s, and then aligning everything.”
Ito ang pagbabahagi ni Sarah. Ayaw niyang nakakalimot sa mga special events sa buhay ng mga anak. Kaya naman sinusulat niya ito at inilalagay sa kaniyang schedule. Sa ganitong paraan ay nasisiguro niya na lagi siyang kasama sa mga milestones sa buhay nila.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
“I have to make sure that when they grow up, I would be able to have difficult conversations with them, to be their best friend, but then, no eh. I have to make sure I discipline, I have to make sure I raise kind, humble, and smart, loving boys. It’s really a balancing act everyday.”
Ito ang sabi pa ni Sarah Lahbati.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!